Chapter 16 - Tambayan

1 0 0
                                    

-NICHOLAS POV-


Linggo ngayon kaya wala akong ginagawa sa bahay, nakahiga lang ako na parang bata at nauurat na sa kwarto ko.

Nag open ako ng account ko at bumungad sakin ang napakaraming message ng mga taong hindi ko naman kilala.

Karamihan babae.

Pumunta akong gc namin nila klyde.

"What's up?"   type ko sabay sinend. Agad naman nilang nakita ito.

"Aba! Nag chat ang famous"  asar ni klyde na tinawanan ko lang gamit ang emoji.

Mas nakilala ako ng mga tao dahil daw sa matalino ako, may mga nagkakagusto sakin but...  I still don't care.

"Tambayan?"   type ko na kaagad nilang pinusuan.

"Tara!"  sabay sabay nilang reply nila sakin kaya nagbigay ako ng oras sa kanila.

"2pm?"  pumayag ang lahat sa pagbigay ko ng oras.

30 minutes nalang ay 2pm na kaya nagayos na ko ng susuotin ko. My father died when I was 21 years old. Exact to my birthday.

Si tata juan ang nag aalaga sakin, pero hindi ko na pinapaasa sa kaniya ang pangangailangan ko sa araw araw. Ayokong maging pabigat sa kaniya.

Simula nung namatay si papa ay lagi nalang ako nakatambay sa bahay, kaya sa tuwing mag aaya ako sa gc ay nagugulat sila.

Hindi porket famous ako ay hindi ko na sila papansinin, wala lang talaga ako sa mood.

Bihira nalang din ako kumain, 2x a day depende pa kung tinatamad ngumuya ng pagkain.

May time na chichirya nalang ang laman ng tiyan ko. Hindi ko gusto ang buhay ko ngayon, punong puno ng kadiliman ang buhay ko na parang kahit kailan ay hindi na mababago.

(The chocolate station)

Nakaupo lang ako habang hinihintay sila, halos maboring na ko kakalaro dahil puro talo, kaya binitawan ko na ang cellphone.

Nakaupo lang ako at chill lang nang biglang may lumapit na babae. Eto nanaman tayo, well..hindi ko sila pwedeng sungitan.

Nginitian ko lang siya at ganun din ang ginawa niya.

"Bakit magisa ka?"   tanong niya sakin habang nakatitig lang.

"Hindi...hinihintay ko yung mga tropa ko hehe"  awkward akong tumawa dahil medyo nakakailang kumausap, especially babae.

"Ahh...bakit dito lagi kayo nagkikita?"   tanong niya kaya napaayos ako ng upo.

"Stalker ka?"  nagulat siya sa tanong ko at mabilis na itinanggi ito.

"Hoy, hindi ah? Dito kasi ako nagwo work kaya tuwing work time ko nandidito ka, pero...madalas ikaw lang mag isa"   ngumisi siya sakin kaya tinignan ko siya.

The Farewell Letter (Part 1)Where stories live. Discover now