Special Chapter

166 9 182
                                    

Wren's Pov

"What are you doing, daddy?" tanong ko sa father ko.

Narito kami ngayon sa kitchen at ako nama'y nakaupo sa dining table habang nasa lamesa ang mga toy cars ko. Si Daddy naman ay kanina pa nagluluto kaya't naisipan ko nalang na tanungin siya. Lumingon naman ito sa'kin at saka tinawanan. I was just asking a question yet he's laughing, hays pinaglihi ata ni lola Venus si Daddy kay Jollibee kasi bida sa kan'ya ang saya.

" Day off ni Manang, alangan naman na hindi tayo kumain? Nasaan ba ang Mommy mo, hindi pa ba gising?" balik naman niyang tanong sa'kin.

"I don't know po e, I heard her talking to someone kanina sa room niyo" sagot ko naman at saka itinuon na ang pansin sa toy cars ko.

"Ha? Sino daw? Babae o lalaki?" sunod sunod namang tanong sa'kin ni Daddy. Napangisi naman ako nang dahil do'n at naisipan siyang lokohin. He's jealous right now, and it shows.

"I heard her talking to Tito Hendrix" mahinahong sambit ko at pinigilang tumawa.

Nakita ko naman ang pagka-irita sa mukha ni Daddy at ang pagdadabog niya. Bigla naman niyang pinatay ang stove at saka iniwan ang niluluto niya kaya't nagtataka ko itong tinitigan. Akmang aakyat na siya sa Second Floor pero agad akong tumawa ng pagkalakas-lakas kaya't napatingin siya sa gawi ko.

Napaisip naman si Daddy at saka nang marealize niya ay dali dali niya akong nilapitan at saka ginulo ang buhok ko.

"Aray! Daddy naman e! I was just kidding lang naman kanina" sigaw ko pero hindi parin siya tumitigil sa paggulo ng buhok ko.

"Hey, what are you both doing? I can hear you upstairs" saad naman ni Mommy na ngayon ay kakababa lang mula sa secodn floor.

Agad naman siyang nilapitan ni Daddy at saka ito hinalikan. Lumapit din sa'kin si Mommy at saka inayos ang gulo-gulong buhok ko na ginulo ni Daddy kanina. Pagkatapos no'n ay hinalikan ako ni Mommy sa pisngi. Si Daddy naman ay ipinagpatuloy na ang pagluluto na ginagawa niya kanina.

Umupo sa tabi ko si Mommy at mukhang may kinakalikot ito sa macbook niya. Ako naman ay nagpatuloy nalang sa paglalaro ng mga toy cars ko.

"Breakfast is Ready" ani ni Daddy at saka inayos ang mga niluto niya kanina.

Isa-isa namang nilagyan ni daddy ang mga plato namin bago siya umupo. Si Mommy naman ay mukhang tapos na sa ginagawa niya at ngayon ay naka nguso nalang na nakatingin kay Daddy.

"Let's eat" saad ni Dad nang matapos niyang lagyan ang mga plato namin.

"Luv.." mahinang sambit ni Mommy sa gilid kaya't napatingin kaming dalawa ni Daddy sa kan'ya.

"Bakit, luv? Masama ba pakiramdam mo? Buntis ka ba? Magkakaroon na ba ng kapatid si Wren?" sunod-sunod na tanong ni Daddy. Agad naman siyang sinamaan ni Mommy ng tingin.

"What are you saying? I just wanna ask if you have plans for today." ani naman ni Mommy.

Bahagya namang napaisip si Daddy nang dahil sa tanong ni Mommy.

"Dadalawin ko ngayon 'yong project namin sa Baguio, why?" sagot naman ni Daddy.

Bigla namang napanguso si Mommy at saka ipinagpatuloy na ang pagkain. Nagtataka naman siyang tinitigan ni Daddy pero ako naman ay alam na ang tinutukoy ni Mommy. Mahina din kasi itong si daddy minsan, matalino nga pero slow naman.

Bigla naman akong siniko ni Daddy at saka nginuso si Mommy.

"Ano'ng problema ng Mommy mo?" mahinang bulong nito sa'kin. Nagkibit-balikat naman ako na kunwari ay walang alam at ipinagpatuloy na ang pagkain ko.

Unforgettable Taste Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon