Chapter 14

84 10 112
                                    

LQ

"Let's go, luv" ani nito at saka kinuha ang kamay ko.

Pagkalabas namin ng room ay wala na do'n si Nia. She probably left already. Pumunta naman kami sa dining area ng Hotel dahil do'n ang sinabi ni Nia na pagkakainan namin.

"Here!" sigaw ni Nia at ikinaway pa ang braso niya. Nasa dulong part siya ng dining area.

Tumingin naman ako sa paligid at nakitang madaming tao na kumakain do'n. May mga tourists din na masayang nagkukuwentuhan habang kumakain.

"Grabe ang yaman" sambit naman ni Varione sa gilid ko.

Pagkalapit namin kay Nia ay agad itong napatingin sa kamay naming dalawa ni Varione. Agad ko namang tinanggal 'yon nang marealize na magkahawak parin pala ang mga kamay namin.

Pagkaupo ko palang ay agad na nagtanong si Nia about sa'min ni Varione. Nakita rin daw niya ang ig post ko kanina kaya't nagduda na siya sa'min.

Bigla namang dumating si Aiden na may kasamang waiter. Umupo ito sa tabi ni Nia at sinabihan ang waiter na ilapag nalang sa lamesa namin ang mga pinahanda niyang pagkain.

"What's going on between you two?"  tanong ni Nia habang nakatingin siyang dalawa sa'min ni Varione.

"Secret para mainggit" natatawang pagbibiro naman ni Varione kaya't kinurot siya ni Nia nang dahil do'n. Napa aray naman siya sa ginawa ni Nia.

"We are dating" biglang sambit naman ni Nia kaya't gulat kaming napatingin sa kan'ya ni Varione. Si Aiden naman ay seryoso lang na nakatingin sa'min.

"Uhmm, Us also." nahihiyang sambit ko.

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay saka naman dumating ang waiter at may mga kasama pa ito sa likudan niya. Inilagay nila ang mga pagkaing pinahanda ni Aiden sa lamesa namin.

"Thank you, Erwin." pagpapasalamat ni Aiden sa waiter. Ngumiti lamang ito at saka umalis na kasama ang mga kasamahan niyang waiters.

Agad namang nilagyan ni Varione ng pagkain ang plate niya. Napatingin naman ako kay Aiden nang makitang nilalagyan niya ng pagkain ang plate ni Nia.

Siniko ko naman si Varione na naging dahilan ng pagkasamid niya.

"Potang---" agad na naputol ang sasabihin niya nang tinignan ko ito ng masama.

"Ano 'yon, luv?" tanong nito sa'kin. Nginuso ko naman si Aiden na naglalagay parin ng pagkain sa plate ni Nia.

"Put foods in my plate. Be a gentleman naman" iritadong sambit ko sa kan'ya.

"Dami pang alam" rinig kong bulong ni Varione sa gilid kaya't agad kong pinisil ang braso niya. Napa aray siya nang dahil sa ginawa ko kaya't napatingin sa'min sila Nia. I'll do it by myself nalang, he's useless!

Lalagyan ko na sana ang plate ko ng pagkain pero agad na binigyan 'yon ni Aiden. Napatingin naman ako sa kan'ya ng dahil do'n. Pagkatapos niyang lagyan ang plato ko ay saka ako lumingon kay Varione at dinilatan siya.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi ko parin pinapansin si Varione. I'm mad at him, hindi niya ako sinalinan ng pagkain kanina. Sinabihan pa niya akong maarte! I'd just like to be treated as a woman!

Sumabay ako kay Nia at Aiden sa paglalakad at iniwan si Varione sa likod. I don't want to talk to him. Habang naglalakad kami ay hindi ko nililingon si Varione at dirediretso lang sa paglalakad.

Habang naglalakad naman kami'y namataan ko si Hendrix na papasok pa lang ng hotel. Is that really him? Why is he here? Kausap pa namin siya kanina sa call at nakita kong nasa office niya siya kaya how come na nandito siya?

Unforgettable Taste Where stories live. Discover now