Chapter 25

97 12 126
                                    

Self-love

"Erin, get up. Late ka na" rinig kong sambit ni Daddy sa gilid ko.

Ayoko pang pumasok. Ilang araw na akong ganito, hindi ako pumapasok at lagi lang akong nakakulong sa kuwarto ko pagkatapos ng araw na nakausap ko si Kuya Saturn. Sapalagay ko'y parang wala ng saysay ang buhay ko. Nabalitaan naman ni Nia ang nangyari kaya't lagi ako nitong tinatawagan. Wala nadin akong naging balita kay Varione, pinutol ko lahat ng connections na mayroon kami pagkatapos ng araw na 'yon.


Hindi narin nagpakita si Mommy sa'kin dahil mukhang pinagsabihan ito ni Daddy na huwag nang lumapit sa'kin. Mas mabuti nang hindi kami magkaroon ng connection pa ni Mommy.

"Hey, bumangon ka na diyan" mahinang sambit ni Daddy sa'kin.

Napaisip naman ako, ilang araw na akong ganito at kung magpapatuloy akong ganito ay wala ring mangyayari. Hindi na babalik si Varione at kailangan kong tanggapin 'yon. Kailangan kong ibalik ang sarili ko. Kailangan kong ibalik ang Erin noon.


Bumangon naman ako at saka agad na niyakap si Daddy. Hindi siya pumunta ng company namin at saka ikinancel niya lahat ng mga appointments niya sa mga nakaraang araw dahil binabantayan ako nito.

"Thank you, Daddy" mahinang sambit ko.

"I'm always here, magbihis ka na. Ihahatid ka ni Daddy" masayang sambit naman ni Daddy kaya't tipid ko itong nginitian.


Iniwan naman na ako ni daddy pagkatapos no'n kaya't dumiretso agad ako sa bathroom ko at saka naligo. Pagkatapos ko namang maligo ay isinuot ko naman na ang uniform ko. Napatingin naman ako sa salamin upang  makita ang sarili ko. I look different, hindi na ako gaya noon na walang problema. Mapakla naman akong napangiti at saka inayos ang sarili ko.


"You can get through this, Erin" sambit ko bago tuluyang umalis ng kuwarto.

Nang makarating ako sa sala ay bumungad sa'kin ang nakangiting si Manang Flora. Iniabot sa'kin nito ang paper bag. Tinignan ko naman 'yon at ang baon ko ang laman no'n. Iisang baunan nalang' yon ngayon hindi na tulad ng dati na tatlong baunan lagi ang dala ko na para kay Nia at Varione. Agad ko namang ibinalik 'yon kay Manang at saka umiling.


"Sa nearby restaurant nalang po ako mage-eat" sambit ko at saka tipid na ngumiti.

Kung sa University parin ako kakanin at kung do'n sa dating spot parin ako pupuwesto ay magiging balihasa lang ulit ako. Inuumpisahan ko ng burahin si Varione sa buhay ko kaya't kailangan ko naring alisin ang mga nakagawian naming gawin noon.


Lumapit naman si Daddy sa'kin na naka army green lang na shorts at white t-shirt. Bahagya naman akong napangiti nang dahil do'n. Lagi kasing nakatuxedo si Daddy dahil araw-araw siyang nasa company. Ngayon ko lang ulit siya nakitang nakasuot ng simpleng damit.

Nakangiti siyang tumungo sa'kin at saka inilahad pa ang kamay sa'kin na palagi niyang ginagawa no'ng bata pa ako.  Napatawa naman ako nang dahil do'n.


"I'm not bata anymore, Dad" natatawang sambit ko sa kan'ya.

Bumuntong hininga naman ito na siya namang ikinatawa namin ni Manang Flora.

"hays, dalaga na talaga ang baby ko" nakangusong sambit niya.


Pagkatapos naming mag-asaran ay saka na ako hinatid ni daddy. Nasa shotgun seat naman ako at nakikinig lang sa kan'ya buong biyahe.

"Kapag accountant ka na, ipapamana ko na sa'yo ang company para makapagrelax na ako" ani niya kaya't napatingin ako sa kan'ya.

"I don't want to manage the company, I would like to apply my degree" pagtanggi ko naman sa kan'ya.


Unforgettable Taste Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon