Chapter 30

138 7 176
                                    

Wedding

"Where are we going?" Tanong ko kay Varione at saka ito hinagkan. May baby bump narin ako kaya't panay dress na ang suot ko. It's already been a month simula no'ng nalaman naming buntis ako. Sa nakalipas na isang buwan ay hindi umalis sa tabi ko si Varione. Minsan nalang din ako pumasok sa company dahil umuwi nadin si Daddy no'ng sinabi kong buntis ako. Siya muna muli ang naghahandle ng company. No'ng sinabi ko pa 'yon ay gulat na gulat ito at hindi makapaniwala. Nang makauwi naman si Daddy no'n ay agad silang nag-usap ni Varione. Hindi ko alam ang pinag-usapan nila dahil hindi naman nila sinabi sa'kin 'yon.

"Secret para mainggit" ani naman niya kaya't binatukan ko ito. Napaaray naman siya nang dahil do'n. Inalalayan naman ako nito sa paglalakad at dahan dahang pinapasok sa kotse. Nang makasakay din siya ay agad din niya itong pinaandar. Habang nasa biyahe kami ay agad ko namang naramdaman ang antok. Mula no'ng buntis ako ay madalas na akong antukin.

Nagising nalang ako nang maramdamang may humahalik sa pisngi ko. Tinignan ko 'yon at bumungad sa'kin ang mukha ni Varione. Ngumiti ito at saka muli akong hinalikan sa pisngi. Inalayo ko naman ang labi niya kaya't napanguso ito. Napatingin naman ako sa paligid, dito 'yong bahay nila Kuya Saturn. Bakit kami nandito?

Bumaba naman si Varione at saka binuksan ang pinto at saka ako inalalayang makababa.

"Be careful,luv." Saad nito habang inaalalayan akong makababa.

Nang makababa naman ako'y didiretso na sana ako sa bahay nila Kuya Saturn at Zandra pero agad akong pinigilan ni Varione. Tumawa naman ito kaya't nagtataka ko siyang tinignan.

"Hindi diyan,luv" natatawang sambit nito.

"Ha? Where are we going ba? Aren't we going to visit Uranus?" Iritadong tanong ko sa kan'ya.

Natatawang umiling naman ito at saka kinuha ang kamay ko. Inalalayan naman niya ako at saka kami pumunta sa malaking bahay na katabi no'ng kay Kuya Saturn. Malaki ito at mukhang familiar na sa'kin, nakita ko na 'yon noon e.Modern ang design nito at halatadong Architect ang may ari no'n. Nang makapasok kami ay namangha ako dahil sa ganda nito. Nilingon ko naman si Varione at saka ito tinaasan ng kilay. Humarap naman siya sa'kin at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"What do you think? " tanong nito sa'kin kaya't kumunot ang noo ko.

" The house is pretty and it looks elegant. The owner spent too much for this. Who is the owner ba?" Tanong ko sa kan'ya.

Nginitan naman ako nito at saka hinalikan ako sa labi.

"You, you are the owner of this home." Ani niya na siya namang ikinalaki ng mata ko. Saka ko naman naalala na 'yon pala' yong laman no'ng binigay niyang USB sa'kin noon. Hindi pa ako nakakaget over mula sa sinabi niya nang inaya niya akong pumasok sa loob.

Namangha pa ako lalo dahil may mga furnitures na ito sa loob at ang elegant tignan ng paligid. Hinawakan naman niya ang kamay ko at saka inaya ako sa kitchen. Nang makapunta kami do'n ay bumungad ang mga maids na nagluluto at nando'n din si Zandra na inaasikaso ang mga maids. Napatingin naman ito sa'min at saka ako nilapitan, nagbeso kami at saka ngitian ang isa't-isa. Lumapit din sa'kin si Uranus at saka ako niyakap.

"Be careful beh, buntis ang tita mo" pagsusuway naman ni Zandra kaya't napanguso si Uranus.

"Let's go upstairs Tita" pag-aaya naman sa'kin ni Uranus.

Tinignan ko naman si Varione at saka tumango lang ito at saka niya ako nginitan.

"Walk slowly" pagpapaalala pa nito sa'kin bago kami pumuntang itaas. Maingat naman ang pag-alalay sa'kin ni Uranus habang papataas kami.

Unforgettable Taste Where stories live. Discover now