Chapter 10

95 7 117
                                    

Truth

"Kumakain ka lang diyan, Hija" sambit sa'kin ng mama nila habang siya naman ay binabalatan ang kalabasang ibebenta nila.

Kanina ko lang din nalaman na may tindahan sila sa palengke. Ang sabi nila'y tindahan ng gulay ang ikinabubuhay nila.

"Ako na diyan, Ma. Kain na po muna kayo" sambit ni Saturn pero hindi parin siya tapos na kumakain.

Agad kong inubos ang kinakain ko at inilahad ang kamay ko sa harapan ng mother nila. Tinignan naman ako nito na tila nagtataka kung bakit ko inilahad ang kamay ko sa harapan niya.

"I know how to peel, let me do it po" masayang sambit ko.

"Naku, Hija. Baka hindi ka pinagtatrabaho sa bahay niyo, at saka baka masugatan 'yang napakagandang kamay mo" nahihiyang tugon nila sa'kin.

"Naku, don't be bolera nga tita. I know naman na my hands are pretty" pagbibiro ko sakanila. Natawa naman sila nang dahil do'n.

I know naman how to do household things, kasi tinuruan ako ni Mommy dati at minsan ay tinuturuan din ako ni Manang Flora kapag nabobore ako. I'm maldita lang pero I'm not tamad. Kahit na may mga housemaids at kahit na nandiyan si Manang Flora, my mom still taught me how to be an independent woman. Ang sabi niya pa sa'kin dati ay hindi daw sa lahat ng oras ay mero'n akong mauutusan.

Kinuha ko naman na ang knife sa kamay ni tita at inilagay sa tapat ko ang planggana. No'ng unang peel ko ay nahirapan pa ako. It's hard pala. Mukhang napansin naman nila 'yon kaya't natawa sila.

Matapos kong balatan ang  kalabasay prinisenta ko 'yon sakanila. Si Saturn naman ay kinuha na ang mga pinagkainan at hinugasan na 'yon sa kitchen sink.

Hihiwain ko na sana ang kalabasa para makalahati 'yon pero bigla kong narinig ang boses ni Varione kaya ang nangyari'y nadampi ang kutsilyo sa kamay ko. Agad ko namang nabitawan ang knife kaya't agad silang napatingin sa'kin.

"Ano'ng nangyari? Nasugat ka ba, Hija?"  nag-aalalang sambit ni Tita.

"It's just a small wound po" ani ko but it's bleeding a lot! Fvck.

Tinago ko naman ang kamay ko sa likod ko nang papalapit na sa'kin si Saturn.

"I bought bandages po pala, I'll get it nalang po sa room ni Varione" ani ko at  nagmadaling pumunta sa kuwarto ni Varione.

Pagkapasok ko sa room ni Varione ay nakatalikod siya at nakakumot kaya baka tulog nanaman siya. Nilingon ko ang paligid at hinanap ang plastic ng Mga gamot na binili ko kanina sa pharmacy. Buti nalang I bought bandages. Nakita kong nasa corner 'yon ng kama ni Varione kaya't agad kong kinuha 'yon.

Umupo naman ako sa edge ng kama niya para maayos kong mailagay ang bandage. Tuloy parin 'yon sa pagdugo kaya't kinuha ko ang handkerchief sa bag ko.

Pagkapunas ko ng blood ay ilalagay ko na sana ang bandage pero may biglang kumuha sa  pulsuhan ko. Tumingin naman ako do'n at nakita si Varione na nakaupo narin ngayon.

Pilit kong inaagaw ang kamay ko sa kanya pero ayaw niyang ibigay sa'kin 'yon.

"Let me have my hand nga" ani ko pero ayaw niya parin 'yong bitawan.

"Patingin ako ng kamay mo" sambit niya. Mahinahon lang ang pagkakasabi niya no'n dahil medyo matamlay parin siya.

"Why would you want to see my hand?" ani ko at tinaasan siya ng kilay.

Hindi naman na siya sumagot at kinuha na agad ang kamay ko. Nakita ko naman ang pagkaseryoso niya nang makita niya 'yon.

"Bakit may sugat ka? Ano bang ginawa mo?" tanong niya sa'kin.

Unforgettable Taste जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें