Chapter 18

76 6 113
                                    

Dryer

R-18

"Let's have a lunch" seryosong utos ni Kuya Gwen kaya't pinark na ni Deus ang Van sa parking area ng isang restaurant.

"You should've just asked us na makipaglunch sa inyo, kuya" pangsesermon ni Nia kay Kuya Gwen.

"You know me, Nia. I love thrills" sagot naman ni Kuya Gwen at saka inilagay ang dalawang kamay niya sa pocket at saka ito nagkibit-balikat.

Lumapit naman sa'kin si Varione at saka ako kinalabit. Hindi ko naman siya pinansin at saka nagpatuloy lang sa paglalakad. Pwede naman kaming ayain ng lunch ni Kuya Gwen nang hindi ito ginagawa pero since loko loko sila, kami ang pinagtripan.


Akmang hahawakan na ni Varione ang kamay ko pero agad kong kinuha 'yon sa kan'ya. Nasa harapan naman namin si Deus at Kuya Stan na nauna nang pumasok sa restaurant. Nasa likuran naman namin si Kuya Gwen at Nia na may pinag-uusapan atang importante.


Kuya Gwen is taking Medicine course together with Kuya Stan. Kuya Gwen and Nia's father is a senator kaya't ginamit niya si Kuya Gwen at ginawa itong actor para sumikat siya sa mga tao at maging matunog ang pangalan niya sa politika. Buti nalang ay hindi niya ginawa 'yon kay Nia. Actor si Kuya Gwen tuwing umaga at sa free time naman niya ay tinutuloy niya ang pag-aaral ng medicine.

"Takas nalang kaya tayo?" mahinang bulong ni Varione sa gilid ko.

"Why? Are you scared that the brother of your ex will find out about us?" tanong ko sa kan'ya.

Napaiwas naman ito ng tingin sa'kin kaya't iniwan ko nalang siya do'n. May kamay namang dumampi sa balikat ko kaya't napatingin ako kung sino 'yon. Si Kuya Gwen' yon na nakaakbay sa'kin habang ang isang kamay naman niya ay nakalagay sa pocket niya. Nginitian ako nito at saka ginulo ang buhok ko. Namula naman ako nang dahil do'n.

He's my crush no'ng bata pa ako. I still remember na lagi ko siyang tinitignan sa window ng Mansion namin para makita at maaninag siya sa garden nila. Pero no'ng namatay ang mama nila Nia ay lumipat na sila ng Mansion, good thing ay hindi kami nawalan ng connection ni Nia.

"Is he your boyfriend?" tanong nito sa'kin.

Napaiwas naman ako ng tingin at saka nahihiyang tumango.

"He was probably scared of Deus' presence a while ago." ani naman niya habang patuloy lang kami sa paglalakad.

He's right, baka natakot lang siya kay Deus kanina. I must understand him. Gano'n naman dapat, dapat ko siyang intindihin. Nakakatakot naman talaga ang presence ni Deus lalo na't kuya pa siya ng ex ni Varione.

"But...you know what? No matter how scared he is, he shouldn't have denied you"  bigla namang sambit niya kaya't napatingin ako sa kan'ya.

"You've grown up already, you should already know your worth. You're elegant and strong, how come na nagtitiis ka lang sa lalaking dinedeny ka?" natatawang dagdag pa nito.

Pagkasabi niya no'n ay saka niya ginulo ang buhok ko at saka inunahan na akong maglakad. Pumunta siya sa likudan nila Deus at saka binatukan ang dalawang 'yon.

Nag order naman na sila ng makakain namin at saka kami umupo do'n sa pinareserve ni Kuya Stan na may six chairs. Akmang uupo na si Varione sa tabi ko pero pinigilan siya ni deus at saka ito pinaupo sa tabi niya.

Katabi ko naman ngayon si Kuya Gwen at sa gilid naman niya'y si Nia. Sa tapat ko naman si Varione at tapat naman ni Kuya Gwen si Deus. Ang bakanteng upuan naman sa tapat ni Nia ang magiging upuan ni Kuya Stan na ngayon ay sinasabi pa sa counter kung ano'ng order nila.

Unforgettable Taste Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin