Chapter 19

77 8 117
                                    

Anniversary

R-18

It's already weekend at ngayon ang Anniversary namin ni Varione. Hindi ko din alam ang plano ni Varione for this day kaya nasa kitchen ako ngayon at ginagawan siya ng cake. Si Manang flora naman ay nasa kitchen din habang nagluluto ng para sa lunch namin.

For that one year, wala naman kaming naging problema ni Varione. He've been a good boyfriend to me pero minsan ay nag-aaway din kami. Inaayos din naman namin kaagad 'yon kaya't wala kaming naging masyadong problema for one year. Wala nadin kaming balita sa ex ni Varione na si Issa at hindi naman na  siya nababanggit  ni Varione sa'kin.

Nagbabake ako ngayon ng strawberry cake at balak 'yong ipatikim kay Varione mamaya. Wala din naman siguro siyang ginagawa ngayong araw kaya iimbetahan ko nalang siya mamaya.

Habang nilalagyan ko ng icing' yong cake ay may bigla namang tumawag sa phone ko kaya't agad akong huminto at saka kinuha 'yon sa dining table. Pagkatingin ko do'n ay si Varione pala ang tumatawag.

"Busy ka ngayon, luv?" tanong niya sa kabilang linya. Maingay din sa background nito kaya't ang hula ko'y nasa market ito at sinasamahan ang mama nila.

"No naman, why?"  sagot ko at saka itinuloy ang paglalagay ng icing sa cake.

"Punta ako diyan mamaya, date tayo" masayang sambit nito mula sa kabilang linya. Napangiti naman ako nang dahil do'n.

"  'Wag ka ngang magulo, kuya. May kausap ako oh. Napakabastos ha" sambit naman niya kaya't ang hula ko'y inaasar siya ni Kuya Saturn.

"Sige na, Ringot. Ibababa ko na, ginugulo kasi ako nitong si kuya. Bye, labyo" mahinang bulong nito at saka pinatay na ang tawag.

"Happy Anni--" bigla nalang niyang pinatay ang tawag kaya't hindi ko na natuloy ang pagbati sa kan'ya.

Nagulat naman ako nang nasa tabi ko na si Manang Flora at pasimpleng nakikinig sa usapan namin ni Varione kanina. Mapang-asar niya akong tinignan pero hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy na ang paggawa ng cake. Napatingin naman ako sa suot ko nang maalalang hindi pa pala ako naliligo. Mamaya nalang siguro pagkatapos kong gawin 'tong cake.

Pagkatapos kong gawin ang cake ay saka ko ito inilagay sa isang box at saka inilagay sa Refrigerator. Sinabihan ko naman si Manang na  bantayan' yong cake. Tumango naman ito kaya't pumunta na ako sa taas at saka pumasok na sa loob ng CR sa loob ng room ko.

Pagkatapos ko namang maligo ay pumunta na ako sa walk-in closet ko at saka kinuha ang white puff sleeve dress ko. Nag-apply nadin ako ng Chanel perfume ko at saka nagblower. Nag-apply lang din ako ng bb cream at lip tint. Tinitigan ko naman ang mukha ko sa salamin at napangisi. I'm beautiful, as always.

May kumatok naman sa kuwarto ko kaya't agad kong binuksan 'yon. Bumungad naman si Varione sa'kin na naka white oversized shirt at khaki trouser. Agad ko siyang niyakap at niyakap naman niya ako pabalik. I miss him.

Tumanggal naman ako sa pagkakayakap namin sa isa't- isa at saka humarap sa kan'ya. Nakalagay ang parehong kamay namin sa mga bewang namin ngayon.

Hinalikan ko siya at saka ngumuso.

"I missed you" ani ko.

Tinitigan naman niya ako pataas at pababa. Napangisi ito at saka ako siniil ng halik.

"Ganda naman ng Erin ko" ani nito pagkatapos niya akong halikan.

Natawa naman ako nang dahil do'n at saka inaya na siya pababa. Magkahawak kamay kaming pumunta sa kitchen, napatingin naman 'yong mga maid na may gusto kay Varione pero tinarayan ko lang sila. Pinaupo ko muna siya sa dining table at saka ako pumunta sa refrigerator upang kunin ang cake na inihanda ko kanina. Kinuha ko' yon at saka masayang prinesenta sa harap ni Varione.

Unforgettable Taste Where stories live. Discover now