Chapter 16

87 7 82
                                    

USB

"You go home na, I'll go to the library" sambit ko kay Nia nang matapos naming magpalit ng uniform.

"Are you sure? Alis na 'ko" tugon naman niya sa' kin at saka umalis na.

Bumalik ulit ako sa Comfort Room para mag retouch. May mga students pa sa loob pero I did not mind them. Pagkatapos ko namang mag retouch ay saka na ako dumiretso sa library. I'll wait for Varione hanggang matapos niya 'yong plate niya.

Nang makapunta ako sa library at tahimik ito at may mga students na nagbabasa ng mga libro. Pagkapasok ko ay agad kong tinignan kung nasaan si Varione. Pagkatapos ng ilang minuto ay nahagip ng mga mata ko si Varione na nasa pinakagilid ng library at ginagawa ang plate niya.

Agad naman akong lumapit sa kan'ya at saka umupo sa harapan nito. Nagtataka naman niya akong tinignan pero hindi ko siya pinansin at inilagay nalang ang mga gamit ko sa lamesa.

"Ba't ka nandito? Umuwi ka na baka magabihan ako" sambit niya.

"I'll wait until matapos ka. I'm guilty kasi" nahihiyang sambit ko.

Hindi na niya ako pinansin pagkatapos no'n kaya't kinuha ko nalang ang airpods ko at saka nagpatugtog. Inopen ko din ang Instagram ko para mag scroll.

Gano'n ang naging set up namin ni Varione at minsan ay napapatingin tingin siya sa'kin,nginingitian ko naman siya tuwing magkakasalubong kami ng titig.

Habang nagiscroll ako sa ig ay bigla naman akong kinalabit ni Varione kaya't napatingin ako sa kan'ya. May kinuha siyang kung ano sa bag niya at saka binigay 'yon sa'kin. Pagtingin ko do'n ay isang Rebisco crackers' yon.

"Kainin mo na, may pasobra dahil special ka" natatawang sambit nito.

Binuksan pa niya ito bago ibigay 'yon sa'kin. Kumuha ako ng isa at saka inabot na' yon sa kan'ya. Pagkatapos no'n ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising nalang ako nang may kamay na humagod sa buhok. Pagtingin ko'y nakalagay din ang ulo ni Varione sa lamesa at nakatitig ito sa'kin.

Ngumiti ito at saka ginulo ang buhok ko. Hindi ko din maiwasang mapangiti nang dahil do'n.
Inayos na ni Varione ang mga gamit niya at saka pinakita ang plate niya sa'kin. Namangha naman ako do'n dahil mas maganda ang kinalabasan no'n kaysa do'n sa natapunan ko ng tubig.

"Oh 'di ba? Sabi sa'yo e basic lang sa'kin' yon" ani nito at saka inilagay na sa tube bag niya ang plate niya.

"You're feelingero ha" natatawang sambit ko naman sa kan'ya.

Kinuha ko naman ang phone sa pocket ko at saka tinignan kung ano nang oras. Pagtingin ko do'n ay nakita kong 7:30 na pala. Napahaba ata ang tulog ko kanina.

Tumayo naman si Varione at saka inabot ang kamay niya sa'kin, kinuha ko naman 'yon at saka tumayo nadin. Napatingin ako sa paligid at kakaunti nalang ang mga students sa library. Mostly na nakikita ko ay ang mga students na kumukuha ng medicine.

Pagkalabas namin ni Varione ay madilim nadin ang paligid, hawak ni Varione ang kamay ko habang naglalakad kami at ako naman ay nakasunod lang sa kan'ya.

"Susunduin ka ba ni Mang Fernando?" tanong nito sa'kin.

Hindi naman agad ako nakasagot dahil balak ko pa siyang itreat sa Jollibee na malapit dito sa University. Malapit lang naman 'yon at saka nagugutom na ako.

"Let's go to Jollibee muna, I'm hungry na kasi" ani ko sa kan'ya kaya't napatawa ito ng dahil do' n. Ano'ng tinatawa tawa niya?

"Ayaw mo sa turo-turo?" tanong nito sa'kin.Nagtataka ko naman siyang tinignan dahil hindi ko naman alam kung ano 'yon.

Unforgettable Taste Место, где живут истории. Откройте их для себя