Chapter 26

93 7 78
                                    

Encounter

No'ng araw na makita ko si Varione ay agad kong inaya si Daddy na lumabas. Ayaw kong magpakita muli kay Varione at mukhang masaya naman na ito kaya't hindi na ako nag-abala pang magpakita. Nagtaka pa si Daddy no'ng nagmamadali ko siyang inaya na lumabas pero nagdahilan naman akong  gusto kong ilibot muli ang Ferrari kaya't pumayag din naman itong umalis na kami do'n.

Narito naman ako ngayon sa office ko at bored na umikot sa swivel chair ko. Ako na ngayon ang namamahala sa company ni Daddy at isa rin ako sa mga accountant ng company. Ang sabi sa'kin ni daddy ay puwedeng umupo nalang ako sa office at imanage ang company pero ang sabi ko nama'y kailangan kong gamitin ang pinag-aralan ko ng apat na taon.

Anim na taon na ang nakalipas, marami naring nagbago. Si Daddy ay nagbreak muna sa pagmamanage ng company at saka ito ipinamana na sa'kin. Samantalang siya nama'y nagtatravel sa iba't-ibang Country at ineenjoy na ang buhay niya. Si Manang Flora naman ay nakapangasawa muli at 'yon ay si Mang Cardo. Nagulat pa ako no'ng una pero naalala ko na sinabi pala ni Mang Cardo noon na may ex itong Flora ang pangalan. Si Manang Flora pala ang tinutukoy niyang' yon.

Naisipan ko namang tawagan si Kuya Saturn dahil nagbabalak akong ipa-renovate ang Mansion. Hindi parin naman kami nawalan ng connection ni Kuya saturn kahit papa'no. Engineer na ito at katrabaho niya sila Aiden. Architecture ang kinuha niya noon pero nagshift ito at engineering na ang kinuha at thankfully ay nakapasa siya.

"Hey" sambit nito sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag ko.

"Are you busy? I'm planning to renovate the Mansion po kasi" ani ko naman habang pinaglalaruan ang pen ko na nasa lamesa.

"I have plans for today baka bukas ko na maichecheck ang Mansion" sagot naman nito na siya namang ikinatango ko kahit na hindi naman niya ako nakikita.

"Alright, I'll wait for you sa Mansion. Take care, kuya" sambit ko at saka pinatay na ang tawag.

Nag-isip naman ako ng magandang gawin. What would I do kaya? What if ayain ko si Hendrix maglunch? Right, ayain ko nalang siya.

Muli kaming naging close ni Hendrix sa nakalipas na mga taon. Business partners kasi si Daddy at ang mga magulang nito. Nang maipamana sa'kin ni Daddy ang company ay ako na ang nakikipagmeeting kay Hendrix. Naipamana nadin sa kan'ya ang hospital nila kaya't siya nadin ang nakikipagmeeting sa'kin.

Hindi naman kami magkasintahan ni Hendrix pero kalat sa buong office at sa hospital nila Hendrix na kami. Sinubukan din niya akong ligawan pero ayoko pang pumasok muli sa isang relasyon. Ang past relationship ko ay naging trauma sa'kin.

Naging matunog din ang pangalan ko sa Media nang manguna ako sa Board Exam. May mga times na may nagooffer sa'kin ng endorsements, ginagawa ko naman 'yong libangan tuwing wala akong ginagawa. Makikita din sa mga billboards ang mukha ko dahil sa mga endorsements na tinanggap ko.

Tinawagan ko naman si Hendrix at saka pinaikot ang swivel chair ko. Ilang missed calls pa ang lumipas bago nito sagutin ang tawag ko. Marahil ay nasa duty siya at may inooperahan.

"Are you busy? Let's have a lunch" bungad ko nang sagutin niya ang tawag ko.

Maingay ang paligid kaya't ang hula ko'y kakalabas lang nito sa operating room.

"Wait, I'll check my schedule" sambit naman niya kaya't naghintay naman ako.

"I'm free, there's a restaurant nearby. Do'n nalang tayo pumunta" ani niya. Napangisi naman ako nang dahil do'n.

Lagi niyang sinasabi na free siya pero hindi naman siya pumupunta. Busy ito lagi sa operating room kaya't hindi siya nakakapunta tuwing inaaya ko siya. Alam ko naman na ang magiging ending ay ako din ang pupunta sa hospital at do'n kami maglalunch, pero malay natin 'di ba? Baka hindi talaga siya busy ngayon at baka makapunta ito.

Unforgettable Taste Donde viven las historias. Descúbrelo ahora