Chapter 13

85 7 113
                                    


Touch

R-18

Nang pagkatapos kong ipost 'yon ay agad namang napuno' yon ng likes. Pati din ang mga model na friends ko ay pinuno ako ng message about do'n sa caption ko. I answered their questions pero hindi ko sinabi na si Varione 'yon.

Nang makabalik kami sa cottage ay wala parin si Nia, umupo naman ako do'n sa wooden chair at patuloy lang sa pagreply sa mga nagmemessage sa'kin. They told me that they were shocked sa caption ko.

Tumingin naman ako kay Varione na ngayon ay inilalapag na ang mga kakainin namin. Bigla naman akong napatingin sa polo shirt niya nang bigla 'yong hinangin. Tinanggal niya pala' yon sa pagkakabutones kanina no'ng nagpicture kami. I gulped no'ng napansin kong may mga pawis na dumadaloy sa chest niya.

"Tama na kakatingin luv, baka matunaw ako" sambit niya kaya't agad akong napaiwas ng tingin. Napansin niya palang nakatingin ako sa kan'ya.

"I'm not looking at you kaya, I'm looking at my phone,luv"  pagdadahilan ko at iprenisinta pa ang phone ko sa harapan niya.

"Weh? Kahit na magkaroon ka ng pigsa sa puwet?" natatawang tanong niya sa'kin kaya't agad akong tumingin ng masama sa kan'ya. Hell no! Ayokong magkaroon ng pigsa sa puwet!

"Yes na nga, your polo is unbuttoned kasi" I said and rolled my eyes at him.

"Hot ba? Kalma ka lang, ako lang 'to" mahanginang sambit niya at saka nagpogi sign pa.

Tinarayan ko lang siya pagkatapos no'n at binaling na uli ang atensyon ko sa phone ko. May mga followers ako na hindi ko kilala na nagcocongrats sa'kin nang dahil sa naging caption ko pero hindi ko sila pinapansin. They're feeling close lang.

Bigla naman akong nagulat nang umupo si Varione sa tabi ko habang hawak ang isang plato. May mga laman nang foods 'yon. Naglagay siya ng prinitong tilapia do'n, kanin at saka kamatis.

Tinaasan ko naman siya nang kilay dahil sa paglapit niya sa'kin. Puwede naman siyang umupo do'n sa kabilang wooden table.

Wala din pala siyang spoon sa plato niya, how would he eat? Sa pagkakaalala ko naman ay may dala kaming spoon at fork do'n sa basket.

"What do you need? There's a spoon inside the basket. You kuha it nalang" ani ko at nagpatuloy lang sa pagscroll sa phone ko.

Agad naman akong napaiwas nang ilagay ni Varione ang kamay niya sa harapan ng mukha ko. May pagkain na sa kamay niya at tila balak niya akong subuan.

"Buksan mo bunganga mo, puro ka nalang cellphone." sambit nito, noong una ay nagtalo pa kami dahil baka marumi 'yong kamay niya tapos' yon pa pinangsubo niya sa'kin pero wala narin akong nagawa dahil ayaw niyang alisin 'yong kamay niya sa harapan ng mukha ko.

" Isusubo mo din naman pala e" natatawang sambit niya at ngayon nama'y ang sarili na niya ang sinubuan niya.

Gano'n ang ginawa namin, sinusubuan niya ako samantalang ako nama'y nakatingin lang sa phone ko at nagiscroll sa ig.

Pagkatapos naming kumain ay bigla namang may tumawag kay Varione. Na curious  ako kung sino' yon kaya't lumapit ako para marinig ko kung ano'ng pinag-uusapan nila. Pakunwari akong may ginagawa para hindi niya mahalata na nakikinig ako.

Napatingin naman siya sa'kin at saka natawa nang dahil sa ginagawa ko. May ginawa siya sa cellphone niya na kung ano at saka biglang lumakas 'yong boses no'ng nasa kabilang line. Niloud speaker niya pala' yong tawag.

"Sa'n ka? Tangina mo, hinahanap kita sa bahay niyo kanina" boses 'yon ng isang lalaki.

"Tanga, nasa kapatid mo' ko" natatawang sambit naman ni Varione. Who is he talking with?

Unforgettable Taste Where stories live. Discover now