Chapter 21

83 7 110
                                    

Sorrow

Narito kami ngayon ni Varione sa tindahan ng fishball. Kakatapos lang din ng foundation day namin, sukbit na ni Varione ang tube bag niya na naglalaman ng plate niya at ang backpack niya dahil uwian narin naman na. Wala nadin namang nangyaring kung ano no'ng pagkatapos ng pagpasiyal namin ni Zandra sa puwesto nila Varione. Everything went normal,no one bother us and no bad things happened for the past few days. Varione and I was onlying enjoying ourselves for that past few days.

"Luv, nganga ka dali" ani niya kaya't napatingin ako sa kan'ya.Nagtusok naman siya ng fishball at saka 'yon pinakain sa'kin.Nakangiti ko naman 'yong kinain.

"Umuwi na daw si Issa? I wonder kung ano'ng gagawin ni Varione" rinig kong sambit no'ng dalawang babae na dumaan sa gawi namin.

Napatingin naman ako kay Varione at mukhang narinig niya din 'yon. Agad naman niyang inubos ang kinakain niyang fishball at saka 'yon tinapon sa basurahan. Inilahad naman nito ang kamay niya sa'kin at saka ito ngumiti.

"Tara na,luv." Ani niya, tipid naman akong ngumiti at saka hinawakan ang kamay niya.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapaisip.Nagmeet na kaya sila Issa? Dahil sa curiosity ko ay hindi ko na naiwasang tanungin 'yon kay Varione. I have the right para tanungin 'yon dahil girlfriend niya ako.

"Luv.." mahinang tawag ko sa kan'ya agad din naman itong napatingin sa'kin at napahinto sa paglalakad.

"Bakit,luv?" Tanong niya sa'kin at nagtataka niya akong tinitigan.

"Did you already meet Issa?" Tanong ko at saka umiwas ng tingin.

Nakita ko naman ang bahagyang pagkagulat niya nang dahil sa tanong ko. Hinawakan naman niya ang magkabilang pisngi ko at saka ako hinarap sa kan'ya.

"Ba't ko naman siya imemeet? Wala na kaming dapat na pag-usapan at saka may Erin na ako oh." Ani nito at saka ako hinalikan sa noo. Bahagya naman akong napangiti nang dahil do'n.

" 'Wag ka ngang nag-iisip ng kung ano ano diyan,luv. Si Issa ay parte na ng past pero ikaw? Ikaw ang present at future ko" ani niya habang nakangiti. Nawala naman ang kabang nararamdaman ko kanina dahil sa sinabi niya.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay saka naman may nagnotif sa phone niya kaya't kinuha niya 'yon sa pocket niya.Nang buksan niya 'yon ay bahagya siyang napangiti  habang nagtatype ng irereply sa kung sino man 'yon.

"Who's that?" Nagtatakang tanong ko sa kan'ya. Iniharap naman niya ang phone niya sa'kin at saka ko nabasa na si tita pala 'yon.

"Bili daw ako ng ulam sabi ni Mama, baka wala pa do'n si kuya" natatawang ani niya.

"How is she pala? Are they okay?" Tanong ko naman.

"Oo naman! Lakas lakas ng mama ko e" masaya namang sambit nito kaya't napangiti ako.

"Alam mo ba luv? Proud na proud ako kay mama kasi nakapagpalaki siya ng dalawang poging anak. Aba ang hirap kaya kapag 0dalawang lalaki tapos pogi pa" natatawang pagkukuwento niya habang naglalakad kami.

"Grabe din hirap ni mama sa'min. Lalo no'ng bata pa kami ni kuya, todo kayod si Mama tas si kuya naman ang nag-aalaga sa'kin sa bahay. Tas siyempre naawa nadin kami ni kuya kay Mama kaya nag-isip kami ng paraan ni kuya para may maitulong naman kami kay Mama" dagdag pa niya. Bahagya naman akong napangiti nang dahil do'n.

Tita raised them well, kahit na mag-isa niya lang silang pinalaki ay nagawa niyang imanage parin ang dalawa.

"What did you do?" Tanong ko naman sa kan'ya.

Unforgettable Taste Where stories live. Discover now