Chapter 24

91 7 126
                                    

Burial

Pagkatapos kong mag-iiyak do'n ay saka ko na inayos ang sarili ko. Hindi ko puwedeng pakawalan si Varione ng gano'n lang. Pinunasan ko ang mga luha ko at saka ako nag-ayos ng sarili.

Pumunta ako sa sala at nadatnan kong nag-uusap si Varione at Issa. Agad naman akong napayuko at nagmamadaling umalis do'n. Tinawag ko naman na si Manang Flora at saka sinabihan ito na magpasundo na kay Mang Fernando.

Nang makarating si Mang Fernando ay agad akong sumakay sa kotse at hindi na nagpaalam kay Varione. Bukas nalang ulit ako pupunta do'n, baka mainit lang talaga ang ulo niya kanina kaya niya nasabi 'yon. Pana'y naman ang buntong hininga ko habang nasa biyahe kami.

Nang makarating kami sa Mansion ay agad akong bumaba at saka nagmamadaling pumasok ng kuwarto ko. Nadatnan ko pang may kausap si Daddy sa sala at saka ako ito nilingon pero hindi ko ito binalingan ng tinginb at saka dire-diretso nang naglakad pataas.

Agaran naman akong dumapa sa kama ko at saka nagtalukbong ng kumot. Nag-iiyak ako do'n hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Napabalikwas ako mula sa pagkakatulog nang maramdamang may humaplos sa buhok ko. Pagkamulat ko ng mata ko'y nakita ko si daddy sa tabi ko. Hinahaplos nito ang buhok at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"You're sick, do you want me to take you to the hospital?" nag-aalalang tanong nito sa'kin.

Umiling naman ako at saka tipid siyang nginitian. Inalayan naman ako ni Daddy para makaupo. Agaran naman itong tumayo nang mapaupo ako at saka lumapit sa small desk ko. May kinuha siyang tray do'n na may lamang pagkain at saka ito lumapit sa'kin.

"Manang Flora told me, are you okay? Do you want me to punch him?" ani nito kaya't agad akong nagulat.

"No, he was just frustrated at that time. Don't do anything, Dad" natatarantang sambit ko sa kan'ya.

Inilapag naman niya ang tray sa kama ko at saka ito agarang niyakap na siyang ikinagulat ko. Nataranta naman ako nang marinig ang mahinang paghikbi niya.

"Hey, are you crying?" nag-aalalang tanong ko kay Daddy.

"Hindi kita pinalaki para lang saktan ng isang lalaki. I've done so many things just to protect you, you're my only daughter. I don't want anyone to hurt you" ani nito kaya't muling nagsibagsakan ang mga luha ko.


Dad has always been a great father to me. Hindi niya ako pinabayaan kahit na iniwan kami ni Mommy noon. Hindi siya nawawalan ng time sa'kin kahit na busy siya sa company namin. He always make sure that he has a free time to spare it with me.

Umalis siya sa pagkakayakap sa'kin at saka nito hinawakan ang kamay kong puno ng sugat. Habang tinitignan niya 'yon ay panay naman siya sa pag-iyak.

"Does it hurt?" ani nito.

Patuloy naman sa pagpatak ang mga luha ko habang nag-uusap kami ni Daddy. Kumuha ito ng emergency kit at saka ginamot ang mga sugat ko. Pinakain din niya ako at sinubuan na parang bata, parang no'ng dati lang tuwing may sakit ako no'ng bata pa ako. I miss this quality time with Dad. Pagkatapos niya akong pakainin ay saka naman niya ako pinainom ng gamot at saka chineck ang temperature ko.


Inalalayan naman akong humiga ni Daddy at saka ako kinumutan. Hawak hawak naman niya ang kamay ko at saka nakasandal dito sa tabi ko habang ang isang kamay naman niya'y hinahaplos ang buhok ko.

"Erin, you know that I love you right?" ani niya na siya namang ikinatango ko.

"Daddy is always here for you. I'm so sorry if your mother left us, it's all my fault. I should've fought that time" dagdag pa nito habang mahinang humihikbi.

Unforgettable Taste Where stories live. Discover now