Epilogue

170 8 337
                                    

His PoV

"Ayos ka lang? Tangina hindi ko din inexpect na gagawin 'yon ni Issa" sambit ng pinsan kong si River.

Narito kami ngayon sa bleacher  ng University at maging ako ay hindi ko din inexpect na makikipagbreak sa'kin si Issa. Ginawa ko lahat ng magagawa ko para kay Issa pero baka hindi talaga' yon sapat para sa kan'ya. Napailing naman ako at saka pinunasan ang umaagos na luha ko, masyado kong tinuon ang sarili ko kay Issa pero hindi pa pala sapat lahat ng 'yon.

Tumayo naman na ako mula sa bleacher at saka iniwan na do'n si River. Tinawag tawag pa ako nito pero hindi ko na siya binalingan ng tingin at saka naglakad na papalayo. Naisipan ko namang dumiretso nalang sa Tindahan ni Mang Cardo dahil do' n ako madalas tumambay.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa tindahan ni Mang Cardo ay agad ako nitong tinawag. Marahil ay nagtataka din siya dahil mugto ang mga mata ko. May nag-abot din sa'kin ng panyo kanina kaya't balak kong makipagkaibigan sa kan'ya.

"Uy Varione, ano'ng nangyari sa'yo? Nasaan ang mga barkada mo?" tanong ni Mang Cardo sa'kin.

"Ah, wala po Mang Cardo. May Ice cream ba kayo?" tanong ko naman sa kan'ya pabalik. Ice cream lang naman ang habol ko pero itong si Mang Cardo tanong ng tanong. Wala pa naman ako sa mood para makipagchismisan sa kan'ya.

"Kuha ka nalang do'n Varione, may milktea flavor do'n 'yong matagal mo nang nirerequest" sagot naman niya sa'kin. Naks naman malakas talaga ako sa kan'ya.

Tumango naman na ako kay Mang Cardo at saka dumiretso sa malaking Refrigerator na pinaglalagyan ng ice cream. May nakita akong babae do'n na pilit na may inaabot. Napangisi naman ako nang dahil do'n. Hindi niya maabot pota. Agad naman akong lumapit do'n at saka kinuha ang Ice cream na nasa pinakataas na parte ng ref. Nang makuha ko naman 'yon ay saka na ako tumalikod sa kan' ya. Akmang aalis na sana ako pero bigla nitong hinila ang laylayan ng t-shirt ko.

"Hey, that's mine" maarteng sambit nito. Englishera pota, mukhang mayaman.

"May pangalan mo? Saan? Wala naman" sagot ko naman sa kan'ya. Nakita ko pa ang pagkagulat sa mukha niya. Potang 'to ba't siya nagulat? Mukha ba akong multo?

"But, that's mine! Nauna ako!" inis na inis na sambit nito at saka ako tinaasan ng kilay. Maganda siya pero sorry siya dahil hindi tatalab sa'kin' yon. Nauna ako sa ice cream kaya akin 'yon.

"Arte mo magsalita ha, Nasa Pilipinas po tayo" ani ko naman at saka iniwan na siya do'n. Totoo namang maarte siya magsalita e, nasa pilipinas kami tas gano'n siya.

Pumunta naman na ako sa gawi ni Mang Cardo upang bayadan' yong ice cream pero ito namang babaeng 'to ay puro reklamo.

" 'Di ba that ice cream is for me, Mang Cardo? Look oh he' s stealing it from me" padabog na sambit nito. Natawa naman ako nang dahil sa inasal niya, mukha siyang batang inagawan ng laruan.

Nagpatuloy pa ito sa pagrereklamo samantalang ako nama'y tinititigan lang ito habang nagrereklamo siya. May boyfriend na kaya 'to? Kawawa naman ang boyfriend niya kung sakali. Napakaarte ba naman tas mukhang ayaw laging magpatalo.

"Iyo na' yan Varione, libre ko nalang sa'yo ngayong araw." sambit ni Mang Cardo. Naks lakas ko talaga sa kan'ya. Kaya Favorite ko siya e.

"What the fck? Bibilhin ko 'yan Mang Cardo tapos you're just giving it to him for free?" iritadong saad niya. Napamura na nga, grabe ayaw talagang magpatalo ng isang' to.

"Why so mareklamo ba? Paulit-ulit? Binigay na nga sa'kin oh. Manigas ka diyan" mapang-asar na sambit ko sa kan'ya. Tumingin naman na ako kay Mang Cardo at saka nagpasalamat sa kan'ya. Wala akong oras para sa batang 'to.

Unforgettable Taste Where stories live. Discover now