Chapter 15

95 7 77
                                    

Water

"May jowa na daw si Varione?" rinig kong tanong ni Cherry sa mga kaibigan niya. Yes b*tch, and that's me.

" 'Yon ang nabalitaan ko do'n sa department nila" ani naman ni Freya. Napangisi nalang ako dahil sa mga narinig. They don't have any idea na ako ang girlfriend ni Varione.

"Sino kaya? Maganda daw ba?" tanong naman ni Leni. Of course! Maganda ang jowa niya dahil ako 'yon.

"Class Dismissed" ani ni Prof Laine kaya't tumayo na kaming lahat at inayos na ang mga gamit namin. Lunch break na kasi at mamayang hapon naman ang schedule namin for P.E, I really don't know why do we have to do exercises etc. Samantalang wala namang kinalaman 'yon sa course namin.

"Balita ko silang dalawa na ni Zandra at Saturn" rinig ko pang bulungan nila Freya.

Hindi na ako nagulat do'n dahil  no'ng nakita ko sila no'ng nakaraang araw ay parang may namamagitan na sa kanilang dalawa. I'm happy for them. Pagkalabas naman namin ni Nia ng classroom ay agad na bumungad si Varione na nasa gilid ng pintuan at may tinitignan na kung ano sa phone niya.

Bitbit din ng shoulder niya ang backpack niya at ang drawing storage tube niya. Agad ko siyang siniko kaya't agad siyang napatingin sa'kin at inilagay sa pocket ng uniform niya ang phone niya.

"What are you doing?" tanong ko sa kan'ya.

Agad naman niya akong inakbayan at saka ngumiti. May kinuha siya sa bulsa niya na kung ano at saka binigay 'yon sa'kin. Pagkakita ko no'n ay nagtaka ako. It's a usb. Ano namang gagawin ko dito?

"What is this?" tanong ko sa kan'ya.

"Mamaya mo na buksan kapag nasa bahay ka na" masiglang sagot naman niya sa'kin.

Narinig ko naman ang mga bulungan nila Freya tungkol sa'min ni Varione nang dahil sa pag-akbay na ginawa ni Varione.

"Si Erin? Si Erin ang jowa niya?!" gulat na gulat na tanong ni Cherry sa mga kaibigan niya.

Tumingin naman ako sa gawi nila at saka sila dinilatan. Nakita ko pa ang pag-iyak ni Freya sa gilid kaya't napatawa ako nang dahil do'n.

Hinawakan naman ni Varione ang kamay ko kaya't napatingin ako sa kan'ya. Tumingin naman si Nia sa gawi namin at mapang-asar niya kaming tinignan. Nag-iwas naman ako ng tingin nang dahil do'n.

"Parang kailan lang, para kayong aso't pusa na nag-aaway ah" natatawang sambit nito.

"Lagi ba namang highblood 'tong si Ringot dati kaya ansarap asarin" natatawang tugon naman ni Varione kaya't sinamaan ko siya ng tingin.

Dumiretso kami sa favorite spot namin upang doon ulit kumain. Nang makarating kami do'n ay saka ko lang naalala na hindi ko pala dala ang paper bag na may laman ng lunch boxes namin. Wtf, ang alam ko ay nadala ko 'yon e.

Umupo na sila Nia sa grass pero hindi parin ako umuupo dahil inaalala ko kung saan ko nailagay ang paper bag. Lumingon naman sila sa'kin nang makita nila akong hindi pa umuupo.

"Ano'ng ginagawa mo diyan? Upo ka na" sambit ni Varione.

"I forgot our baon" nahihiyang sambit ko sa kanilang dalawa. Nagulat naman si Varione at natatarantang binuksan ang bag niya.

"Gago, nakalimutan ko din" sambit nito.

"Pati sa pagiging malimutin, couple goals din kayo?" natatawang tanong ni Nia sa'min.

Umupo naman ako at saka nag-isip kung ano'ng kakainin namin ngayon. Fvck, ba't kasi ngayon ko pa nakalimutan?

May mga students naman na dumadaan sa gawi namin at naririnit kong nag-uusap ang mga ito.

Unforgettable Taste Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon