"And you want me to retrieve it for you," konklusyon niya sa daloy ng kanilang usapan.

"If he can be persuaded, I'm willing to pay kung magkano man ang gusto niya. Ngunit bukod d'yan, gusto kong malaman kung paanong napunta sa pag-iingat niya ang katana ni Eiichi."

That makes two of us, he thought.

Matapos pa ang ilang habilin mula sa heneral ay lumabas na si Zenith ng library. Paglabas niya ay tila sadyang nag-aabang si Mariz. May nakita siyang pag-aalala sa mukha ng nobya kaya naman mabilis siyang ngumiti upang palisin iyon.

That conversation happened several days ago between Zenith and Gen. Andrade. At sa kasalukuyan ay lulan siya ng pribadong eroplano ni Q patungong Japan. After obtaining all the information he needed about  Winston Tanaka, hindi na siya nag-aksaya ng panahon at kaagad na siyang kumilos para gawin ang misyong ibinigay ni Gen. Andrade.

"Matagal pa ba?" nag-iinat ng mga brasong tanong ng katabi niyang si Scythe.

"We'll be landing in Tokyo in about forty-five minutes," sagot niya.

He would've gone solo on that flight. Ngunit hindi pumayag si Tor lalo na nang malaman nila kung sino si Winston Tanaka. Isa ito sa mga taong sangkot sa nangyari sa camp nang mangyari ang madugong araw na iyon. Tanaka was only in his early twenties when that incident happened. But according to the information Khali had gathered, the man belongs to an elite group of mercenaries. And he's quite good with blades. Hindi pa man nakukumpirma ang hinala ay halos nakasisiguro na si Zenith na malaki ang kinalaman ni Tanaka sa pagkamatay ng kanyang ama.

"Damn, last night was a blast," komento ni Trace. Tumayo ito mula sa kinauupuan habang sapo ang ulo na para bang namimigat iyon.

Kasama rin ito sa misyon. Ang ikatlo ay naghihilik pa sa kabilang aisle, nakatakip ang hinubad na leather jacket sa mukha. At iyon ay walang iba kundi si Venom. Mukhang magkakasama ang tatlo sa TDL nang gabing nagdaan. At ngayo'y pare-parehong may residue pa ng alak ang mga sistema.

Dapat ay si Callous ang kasama niya sa lakad na iyon. Pero dahil kasalukuyang may assignment ito ay hindi nito basta-bastang maiiwan ang current post para masamahan siya. Sa kabilang banda ay wala naman iyong kaso sa kanya. They usually go on individual missions. For him, it was less hassle. But of course, the risk is bigger. At ayaw ni Tor na may mapahamak na kahit isa sa kanila. He takes his role seriously, a father slash brother to everyone. Ito ang nagsisilbing bigkis nilang lahat. Kung wala ito ay natitiyak niyang para silang mga sasakyang wala sa tamang giya.

"I feel so drain. Hindi kaya succubus 'yong naka-sex ko kagabi?" ang tila nagrereklamong sabi ni Scythe.

Bagay na ikinailing ni Zenith.

"Kung hindi ka ba naman kasi miyembro ng SWA, tatlong bebot ang nilagare mo kagabi," ani Venom na bumangon na mula sa kinahihigaan. "Kaya paanong hindi ka mauubusan ng lakas? Kung si Samson nga sumuko ang lakas sa isang babae lang, ikaw pa kaya na ordinaryong tao lang at wala namang pambihirang lakas?"

"You're wrong. Scythe has a special power," pagkontrang saad ni Trace. Tumayo ito mula sa kinauupuan para ikuha ang sarili ng maiinom. "And it's very, very dependable."

"Viagra?" nakangising hula ni Venom.

"Nah, horny goat weed."

"Mga animal! Hindi ko kailangan 'yon," singhal ni Scythe sa dalawa.

Tumawa lang ang dalawa. Inabutan ni Trace ng isang bote ng tubig si Venom nang sumenyas ang huli.

"We deserve a long vacation after this," saad ni Scythe.

"I agree," ani Trace.

"No girls allowed," dagdag pa ni Scythe.

"Ikaw ang tumigil sa sobrang pambababae mo," hindi napigilang kastigo ni Zenith dito. "Baka ma-overworked na ang tarugo mo at makita mo na lang isang umaga wala na 'yang ulo."

The Untouchables Series Book 1 Zenith FujimoriOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz