"3 million." walang kaabog-abog niyang sagot na nag-palaki ng mga mata ko.

Napaupo ako sa pagkakahiga at gulat na napatitig sa kanya. Tumawa lang siya at pilit akong pinapahiga ulit.

"Barya lang iyon sa'yo? Hindi ba dapat kinasuhan mo pa din siya sa pagnanakaw? Pero kasi nagloko ka din eh, kulang pa iyon sa damage. Pero kahit na! Malaking halaga iyon." sabi ko sa kanya pero parang hindi man lang niya ako sineseryoso at tawa lang siya ng tawa.

"Hindi ko alam kung kanino ka concern. Sa pera ko ba na ninakaw o sa babae? Ibang klase ka talaga. Kaya mahal kita eh." sabi niya kaya napatahimik ako.

Mapaglaro pa din ang tingin niya sa akin bago ako niyakap ulit.

"Hindi pa ko tapos eh." sabi niya at sinuklian din ang yakap niya.

"About Francia, I never liked that cunning woman. She's a two-faced bitch. Kapag nakaharap sila ng mama niya sa pamilya ko, ang babait pero kapag nakatalikod na, kung ano-ano ang ikinakalat na masama tungkol sa pamilya ko. My parents doesn't believe it though. Malaki ang tiwala nila sa pamilya nila Francia dahil malapit ang papa niya sa papa ko. They can fool my family but not me. Kaya kahit anong pilit nilang ikasala ako kay Francia, I won't fucking do it. Kahit tanggalan pa nila ako ng mana. You are the only woman that I want to marry. Only you." mahabang saad niya kaya napatitig ako sa kanya.

Hindi ko maiwasang maluha habang nakatitig pa din sa kanya. Bumakas naman ang pag-aalala sa mukha niya at pinahid ang mga luhang umagos sa pisngi ko.

"Fuck! May nasabi ba akong hindi maganda? Why are you crying?" tanong niya pero umiling lang ako at ginawaran siya ng halik sa labi.

"Thank you."

"For what?"

"Sa pagmamahal mo kahit nakilala mo lang ako sa bar na 'yon noon. Tinanggap mo pa din ako."

"I know it's your first and last day working in that bar. May maganda at malalim kang rason kung bakit mo nagawa 'yon and I admire you for that. So please stop degrading yourself. I love you and nobody else can change it."

"I love you too."

Natigilan siya sa paghawi sa mga buhok ko at napatulala sa akin.

"What did you say?"

"Wala ng ulitan, bingi ka eh. Tara na nga at matulog na tayo. Mamaya mabinat ka pa." sabi ko sa kanya at isiniksik ang sarili sa bisig niya.

Napatili ako nang bigla niya akong patungan at nginisian ako.

"Repeat it. Tell me you love me again." sabi niya at kita ko ang pagkislap ng mga mata niya sa tuwa.

Napakagat ako sa labi ko at ipinulupot ang mga braso sa leeg niya.

"Sabi ko po, mahal kita."

Hinalikan niya ako ng mapusok sa mga labi at ramdam ko ang pag-ngiti niya sa pagitan ng mga halik namin.

Kapwa kaming naghahabol ng hininga ng huminto kami sa paghahalikan.

"Can you be my girlfriend, Eos?" tanong niya sa akin.

Marahan akong tumango sa kanya kaya lumapad ang pagkakangiti niya at hinalikan akong muli.

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Where stories live. Discover now