Chapter 51

23.7K 554 8
                                    

Chapter 51

Bryan's POV

Kulang kulang isang oras bago bumalik sila Mandy. Si Maya na lang ang kasama nito.
Si Lyndon ay umalis din ilang saglit pagkatapos ng mga itong umalis kanina at iniwan si Hollie.
Galit ito, pero hindi nya dapat binastos ng ganun si Lei sa harap namin. Wala ako sa lugar dahil hindi ko alam kung anong nangyari, besides may sarili pa akong problema na kailangan kong solusyunan.

Nakita kong lumapit si Mandy kay Mark at may ibinulong. Tumango lang si Mark at tumayo na rin at nagpaalam. Siguro ay pupuntahan nito si Celine dahil hindi ito kasama nila Mandy na bumalik. Hindi ko maiwasang mainggit kay Mark. He looks so happy and contented with Celine.

"Guys! Sorry we're late." Mula sa kung saan ay dumating si Lloyd at lumapit kay Lawrence at nakipag kamay pero biglang umasim ang pakiramdam ko nang makitang hindi ito nag iisa. May kasama ito and of all people ay si Cassandra. Alam kong magpinsan ang dalawa dahil doon kami nagkakilala noon sa turnover party ni Lloyd sa company ng daddy niya.

Sh*t!

Agad lumipad ang tingin ko kay Mandy na masamang nakatingin sa akin.
Nagbaba ako ng tingin. Bakit naman napaka wrong timing ni Lloyd?
Ang magselos si Mandy ang.. Wait she's jealous?

"Bryan baby, I'm so sorry about your mom. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Lloyd hindi ko malalaman." Nakalapit na sa akin si Cassandra at bago pa ako maka iwas ay nahalikan na ako nito sa lips at niyakap ako.

The fvck! "Ahm.. Thanks." Kinalas ko ang kamay nito sa akin at medyo umusog sa kinauupuan ko para malaman nitong hindi ako interesado sa kanya. Ayoko namang maging bastos dito dahil nakatingin si Lloyd at ayokong dagdagan pa ang eksena na ginawa kanina ni Lyndon.

Umupo ito sa naging bakanteng space sa tabi ko.
"Thanks baby."

"Shut up Cassandra, what are you doing here?" Mahina kong bulong dito.

Hindi ako nito pinansin nang may mag abot dito ng shot ng tequila, lemon and salt.

"Body shot? Oh I love this!" She squealed. Bumaling ito sa akin.

"Don't you dare." Mahina pero matigas kong banta, but knowing a bitch like her ay tumawa lang ito.

"You will babe. " iniabot nito sa akin ang shot at salt saka inilagay sa sariling bibig ang slice ng lemon at saka hinawi ang buhok nya at iniumang sa akin ang leeg nya.

So, shot ko pala? Natawa ako.
"Sure." Kinuha ko ang shot sa kanya at tumayo. Lumapit ako kay Mandy na nakatingin din sa akin.

"Can I?"

Fvck! Paano kung tumanggi sya? Wrong choice of words. Nawawalan ako ng confidence pagdating sa kanya.
Tumingin muna ito sa kinaroroonan ni Cassandra.

Tumaas ang isang kilay nito at ngumisi.

"Sure." Tumingin ito akin na parang nanghahamon bago ininom ng straight ang laman ng can beer nito na hindi inaalis ang tingin sa akin.

Narinig kong nagsalita ng italian yun Xavier at kasunod noon ang mahinang pagtawa ng pinsan ni Mandy na nagsalita rin ng italian pero hindi ako nag aksayang tingnan ang mga ito.

Saglit na tumingin si Mandy sa mga ito. "Va al diavolo!"(go to hell!) Masama nitong tiningnan ang dalawA bago bumaling ulit sa akin.

It's showtime dickhead! Pakiramdam ko ay ginagago ako ng mga gago.

Suicide attempt ito sa akin, what if magalit si Mandy sa akin? but I want the fvcking Dick to back off and leave my girl alone!

Narinig ko rin ang grupo ni Lawrence na nagchi cheer sa akin.

But I Sent You away, Oh Mandy (completed)Where stories live. Discover now