Chapter 19

21.5K 520 7
                                    

Chapter 19

Matapos tingnan ni Dr San Diego si Amanda ay nagbilin itong painumin ng gamot every 4 hours ang dalaga.

Nag prisinta na si Bryan na ito nalang ang magbabantay at magpapainom dito ng gamot.

***

Amanda's POV

Naalimpungatan ako sa mahinang boses na tumatawag sa akin

Hindi ko alam kung panaginip ba o totoo pero dahil pagbukas ko ng aking mata ay mukha ni Bryan agad ang bumungad sa akin.

"Bry" mahina kong tawag dito. Hindi ito nagsasalita, nakatingin lang ito sa akin.

So panaginip lang ito?

Iniangat ko ang aking kamay at hinaplos ang mukha nito. It felt so real.. Napapikit ulit ako.

"Mandy, kaya mo bang bumangon saglit? You need to take your medicine." Malumanay nitong wika.

Napadilat ulit ang aking mata.

"Bryan?" Halos paos kong tawag dito. "Anung ginagawa mo dito?" Iniikot ko ang paningin ko sa madilim na kwarto at doon Ko napagtanto na nasa ibang kwarto ako. Anung nangyari?

"Nawalan ka ng malay kanina dahil sa taas ng lagnat mo." Tila nabasa nito ang aking iniisip. "Sabi ng doctor, hindi na kinaya ng katawan mo ang pagod kaya bumigay ang katawan mo." Nag uusig ang boses nito. "Come on drink your medicine at magpahinga ka na ulit."

Inalalayan ako nitong bumangon bago abutan ng dalawang tabletang gamot at isang basong tubig. Bigla akong nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan ng makita ko ang tubig.

"Thank you." Ngumiti lang ito at tumango.

"Ahm Bry ok na ang pakiramdam Ko magpahinga kana rin."

SumulyAp ako sa wall clock at nanlaki ang aking mata ng marealize ko kung anong oras na. Tiningnan ko ito at nakangiti itong tumango sa akin.

"Happy Birthday Bry." Kahit medyo nangangalos ay pilit akong bumangon at niyakap ito.

"Thanks Mandy akala ko nakalimutan mo na sa taas ng lagnat mo." Mahina itong tumawa at gumanti rin ng yakap sa akin.

"Ikaw lang naman ang nakakalimot Bry." Wala sa sariling naiusal ko na pinagsisihan ko din agad ng naramdaman kong nanigas ito.

What am I thinking? Bakit kailangan Ko pa ungkatin ngayon yun mga bagay na matagal na syang humingi ng tawad. Nakaka guilty.

"Sorry." yun lang ang tanging naiusal ko.

Kumalas ito sa pagkakayakap at humarap sa akin. Umiling ito at ngumiti. "You don't need to say sorry kasi totoo naman yun, at hanggang ngayon everytime na maalala ko yun gusto kong gulpihin ang sarili Ko." Mababakas ang pagsisisi at lungkot sa tinig nito.

"Kalimutan na natin yun Bry. Alam mo bang masaya ako na kagaya nun mga nakaraang taon, ako ang unang bumati sa Birthday mo?"

Natawa ito ng mahina bago ako nito hinila pahiga ulit sa kama na nahiga na rin sa katabi ko.

"And I'm glad too.."Tumagilid ito upang mapaharap sa akin bago hinimas ang pisngi ko. "Come let's sleep, kailangan magpahinga ng bestfriend ko dahil ipagluluto mo pa ako ng special mandy's pancake for my breakfast tomorrow." Pabiro nitong sabi.

"Kaya mo pala ako inaalagaan ngayon manghihingi kana agad ng kapalit?" Kunwari ay nagtatampo kong sagot dito.

"I'm just kidding. Halika nga dito." Wala na akong nagawa ng yakapin ako nito at idantay ang mga hita nito sa akin. Oh how I missed this. How I missed him.

But I Sent You away, Oh Mandy (completed)Where stories live. Discover now