Chapter 4 Iniingatang Sikreto

29.1K 596 12
                                    

Chapter 4

Amanda's POV

Pagkarating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ng Lola ni Bryan.

" O hija kamusta ang first day sa school?" Magiliw nitong bati nito sa akin.

"Ok naman po senyora." Napatingin ako kay Bryan na nakangiting pinapanood kami ng kanyang Lola..

"Lola ako ba hindi mo kakamustahin? kunwari nagtatampong sabi nito.

"Tumigil ka nga sa kaartehan mo bata ka, hala may hinanda si Lydia ' ng mirienda kumain muna kayo." taboy nito sa amin.

...

Masayang pinagmasdan ng matanda ang dalawa hanggang mawala ito sa paningin.

Sobra itong nasasaktAn sa tuwing tinatawag siyang senyora ni Amanda.

Kung madali lang sana ang lahat at walang masasaktan ay matagal na nitong isinaliwalat ang lahat ng kanyang nalalaman.

Ang pagbAlik ng alaala ni Fernan nalang ang kanyang laging hinihiling sa Diyos..

Katulong sa mansyon ang Ina ni Amanda na si Veronica. Maganda ito at mestiza. Halata na hindi ito purong pilipino.

Isa itong orphan at nang nagdalaga ay namasukan bilang katulong sa mansyon ng mga Guevarra.

Nang panahong iyon ay bagong kasal si Fernan sa asawa nitong si Maribel. Isa itong arranged marriage na pinagkasunduan ng namayapang asawang si senyor Bernardo at ng kaibigan nito na ama ni Maribel.

Hindi lingid sa kanya ang namuong pagtitinginan ng anak at ni Veronica.

Kahit alam nyang mali ay binalewala niya dahil alam niyang hindi mahal ng anak ang asawa.. Sobrang masunurin si Fernan sa lahat ng kagustuhan ng ama kaya hangga't kaya nya magbulag bulagan ay ginawa niya dahil alam niyang masaya ito kahit sa mga nakaw na saglit nito kapiling ang taong tunay na minamahal.

Apat na taon ang lumipas.

Naaksidente si Fernan at nagroon ng temporary amnesia.

Ayon sa mga doktor babalik ang alaala nito in time ngunit mayroon din iba na tuluyang nang makakalimutan.. Meron din daw case na after 15 years 30 years bago muling bumalik ang iba nitong alaala.

Isa si Veronica sa kanyang nakalimutan..

Saksi siya sa bawat pagluha ng dalaga..

Lalu na tuwing makikita nito si Fernan at ang asawa kasama ang munting si Lawrence.

Luha para sa sarili at para sa batang kanyang dinadala..

Labing isang taon si Amanda ng atakihin sa puso ang kanyang Ina.

Tuwing makikita nya itong umiiyak ay para na rin tinatarakan na kutsilyo ang kanyang puso.

Ang sariling dugo't laman nya.

Nasasaktan pero wala syang magawa dahil isa siyang duwag. Takot na mas maraming masasaktan kaya nanahimik siya.

Ngunit sabi nga nila mararamdaman ang lukso ng dugo.

Naging mailap ito sa mga tao maliban kay Fernan..

..

Annalise POV

Nagulat talaga ako sa babaeng nakabangga ko kanina, ang kapal ng mukha. Nakakainis!

Agad kong inalam sa registrar kung anong pangalan at anung course ng babaeng yon at nalaman kong tourism student din sya kagaya ko.

Kapag sinuswerte nga naman..

Humanda ka Amanda Mendez....

"OMG Anna look at those guys, ang gwapo nilang tatlo! " Si Celine bestfriend ko na halos mamilipit na sa kakiligan habang itinutro ang kamay sa direksyon ng tatlong lalaki na naglalakad sa hallway..

Hmm, gwapo nga at type ko yung pinakamatangkad.. Same course din kaya namin sila?

Napangiti ako.. I'm going to make him mine..

Naglakad ako papunta sa kanila ng biglang nagsalita yun guy na type ko

"Hey Mandy kanina ka pa ba?"

Tiningnan ko ang direksyon ng tinitingnan nya at ganon na lang ang pagkainis ko nang makitang si Amanda Mendez ang kanyang tinatawag..

What the hell?

Boyfriend nya?

"Hey Bry, bat natagalan ka?"

Bawat student na magdaan sa hallway ay napapalingon sa kanila..

Masyadong attention seeker!! Mas maganda ako sa kanya no.

You're going to pay for this bitch!

"Celine, bukas na bukas magpapa palit tayo ng schedule." I said with with evil smile..

See you tomorrow classmate, Amanda Mendez....

...

Please vote and comment

A/N

Pinalitan ko po yung title kasi masyado na palang maraming stories na kaparehas ng old title nito.. (Kung ako na lang sana)

Thank you kay Barry Manilow lol

"Mandy" favorite kong kantahin sa videoke. :))

Please follow me(^_^)

But I Sent You away, Oh Mandy (completed)Where stories live. Discover now