Chapter 7

21.7K 665 4
                                    

Chapter 7

Amanda's POV

Maaga akong umuwi sa mansyon.

Nag excuse ako sa last prof namin na medyo masama nag pakiramdam ko..

Buti na lang mabait ito at hindi na nag usisa nang kung ano ano pa.

"Amanda hija, ang aga mo yata ngayon?" salubong sa akin ni senyora Sylvia.
Araw araw na lang yata nakaabang ito sa pag uwi namin ni Bryan. Siguro nalunglungkot ito kasi wala syang ibang kasama dito sa mansyon kundi ang mga katulong lang..

"Opo senyora medyo masama po kasi yung pakiramdam ko kaya nag excuse na po ako sa prof ko na kung pwede nang umuwi."

"Ganun ba, o sya magpahinga ka na muna sa kwarto mo at wag ka na tumulong Kay Lydia." nag aalala pa nitong hinipo ang aking noo para I check kung may lagnat ba ako..

"Thank you po." Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla ko itong niyakap na ginantihan din nito ng mas mahigpit.

"Pasensya na po bigla ko lang po kasi na miss ang inay ko, nun hinawakan nyo yun noo ko.." nahihiya ko ng sabi..

Pero medyo gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa ko.

"Anytime hija. Hindi mo ba kasabay si Bryan?" tumingin ito sa likod ko para tiyakin kung kasama ko ba itong umuwi..

"Hindi po,may practice po ng basketball."
Grabe lang.. ang dami ko na kasinungalingan sinasabi..

Pasensya na po senyora, bulong ko sa sarili ko..

Dumiretso ako sa inookupahan kong kwarto..
Dati noong nabubuhay pa ang inay ko ay dun sa isang maliit na bahay na nakatayo sa likod ng mansyon kami.. Kasama ang iba pang mga katulong dito. Sabi ni senyora kailangan din namin ng privacy kahit mga naninilbihan lang kami..
Nung mamatay ang inay ay ipinalipat ako ni tito Fernan sa guest room ng mansyon..
Inokupa na rin ng bagong pumalit kay inay yung dati naming kwarto kaya naging permanente na ako sa guest room..

Nakasalubong ko si manang Lydia sa may living room

"Manang, pasensya na po medyo masama po pakiramdam ko kaya magpapahinga po muna ako.. " kakasabi ko na masama ang pakiramdam ko ayan parang naging totoo na.. masakit ang ulo ko.

"Ganun ba anak, magpahinga ka na nga wag kang mag alala sa mga gawaing bahay at dalawa naman kami ni Martha.. "

"Thank you po nang." yun lang nagdiretso na ako sa kwarto at doon inilabas ang lahat ng luha na kanina ko pa pinipigilan.


Bryan's POV


Nalaman ko kay Heleina na maaga umuwi si Mandy.
Maghapon na kami hindi nagkikita at aaminin ko sobra ko syang nami miss..
Ilang beses ko din tinangkang tawagan ito pero naka off ang cp nya.

Inihatid ko na din si Annalise sa condo nya.

Alas syete na ng gabi nang makauwi ako sa mansyon. Nag aya pa kasi si Annalise na manood ng movie sa condo nya na hindi ko matanggihan, kahit gustong gusto ko nang umuwi..

Naabutan ko si Lola at mama na kumakain na ng dinner..

"Hijo kamusta ang practice?" bungad na bati ni Lola..

"Practice?" Ah,naalala ko na yun nga pala ang sinabi ko kay manang kaninang umaga..

"Ok naman po La." Lumapit ako dito at humalik sa pingi nito..
I did the same to my mom.

Tumingin ako sa bandang kusina.. Nasaan si Mandy?

"Hijo sumabay ka na sa Amin ni mama.." mama

"Later na Ma, I'll take a bath first.. Btw where's Mandy?" tumingin ako kay manang..

But I Sent You away, Oh Mandy (completed)Where stories live. Discover now