Chapter 31

18.5K 493 12
                                    

Chapter 31

Amanda's POV

Nagising akong mabigat ang pakiramdam. Siguro ay dahil dalawang gabi na akong walang ginawa kundi ang umiyak. Hindi pa rin bumabalik si Bryan at hindi pa rin ito tumatawag sa akin.

Pumunta ako sa bathroom para mag shower at maghanda sa school.
Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at napailing ako sa hitsura ko.
Pugto ang aking mata at medyo hupyak ang aking mukha.

Sa ilang araw na pag iisip ko sa kanya ay malaki ang inihulog ng katawan ko.

"Hija papasok kana ba? Bungad sa akin ni senyora Sylvia nang makita ako nito sa may bukana ng pinto palabas. "Magpahatid ka na kay Carding."

Ngumiti ako at umiling.
"Hindi na po senyora, salamat na lang." Lumapit ako dito at hinalikan ito sa pisngi. "Alis na po ako." Paalam ko dito.
Dapat ay dadaanan ako ni Lei ngayon pero tumanggi ako. Gusto kong mapag isa kahit sandali lang.

___
"Girl!" Niyakap ako ni Lei pagbungad ko pa lang sa entrance ng University. Kasama nito si Lyndon, Mark at Celine at mukhang iniintay talaga ako.

"Lei hindi ako makahinga." Kinalas ko ang braso nito at isa isa silang pinagmasdan.
Anong meron at pakiramdam ko ay weird ang mga kilos nila.

"Are you ok cupcake?" Lumapit sa akin si lyndon at nag aalalang hinaplos ang pisngi ko.

"Of course I'm okay." Bukod sa medyo masama ang pakiramdam ko ay okay naman ako.

Nagkatinginan ang mga ito na parang nag uusap ang mga mata.

"Let's go." Inakay na ako ni Lei papunta sa tourism building. Lumapit din si Celine at kumapit sa kabila kong kamay katulad ng ginawa ni Lei.

"Girls parang feel kong mag skip ng school today, tara gimik na lang tayo? Libre ko." Wika ni Celine nang malapit na kami sa first period namin.

"Naisip ko din yan! Tara minsan lang naman." Segunda naman ni Lei.

Kahit nawiwirduhan ako sa ikinikilos ng mga ito ay tumango nalang ako. Sa tingin ko ay ito ang kailangan ko ngayon.

Nakaramdam ako ng panlalabo ng paningin at pagbaliktad ng sikmura kaya napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Lei.

"Girl, ok ka lang ba?" Nag aalala nitong tanong sa akin.

Tumango ako. Marahil ay dahil sa puyat at isama pa na hindi ako nakapag breakfast kanina kaya nahilo ako.

"I'm ok. Daan muna ako sa comport room." Iniwan ko ang mga ito at mabilis na tinahak ang daan papunta sa comfort room.

Pagpasok ko pa lang sa isang cubicle ay agad bumaligtad ang sikmura ko.
Hinang hina akong pinagpawisan ng malamig na pakiramdam ko ay papanawan ako ng ulirat. Dinig ko ang pag uusap ng ilang mga studyanteng naglalabas masok sa CR pero parang wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila.
Saglit ako umupo at pumikit para mapawi ang pangangapal na nararamdaman ko sa aking mukha. Dinig ko ang malakas na tibok ng aking puso.

Nag aalalang mukha ni Celine at Lei ang bumungad sa akin matapos kong lumabas sa cubicle. Nakatingin lang ang mga ito sa akin.

"I'm sorry medyo sumama lang ang pakiramdam ko." Pag amin ko sa kanila matapos kong linisin ang bibig ko at maghilamos para maibsan ang nararamdaman ko.

"Let's go?" Umuna na akong humakbang palabas pero pinigilan ako ng dalawa.

"Kanina ko pa kayo napapansin, ang weird nyo. May problema ba?"

"Wala!"
"Wala!"

Sabay nilang wika.
May problema nga.

"Look girls, masama ang pakiramdam ko at uuwi na lang ako. Kung anuman yan problema nyo na parang hindi nyo mai share sa akin I'm ok with that." Bigla akong nakaramdam ng inis sa mga ito which is weird din sa akin. Hindi ako kahit kailan nainis kay lei at ganun din kay Celine simula ng maging kaibigan Ko ito.
Mabilis akong lumabas ng CR para lamang ma surprise sa lalaking nakasandal sa wall na parang may hinihintay.

But I Sent You away, Oh Mandy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon