Chapter 28

22.6K 500 5
                                    

Chapter 28

Amanda's POV

Dear diary,

Nagsusulat ako ngayon sa diary ko, nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Bry na mukhang kararating lang. Naka suot pa ito ng basketball jersey nito. Medyo pawisan din ito pero hindi iyon nakabawas sa appeal nito.

Agad kong itinago iyon sa ilalim ng aking unan.

It's been two weeks mula nang may mangyari sa amin ni Bry. Mas lalo syang naging caring at kuntento na muna ako doon. Ilang beses din iyon naulit at wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari.

"Hi." He greeted me pero parang medyo tense ang itsura nito.

"Hey. Are you ok?" Bumuntong hiningang napasuklay ang kamay nito sa sariling buhok na lumapit sa akin.

"Lawrence called. Lola's cousin just died at kailangan kami doon." Malungkot nitong balita.

Alam kong close sila sa mga kamag anak nila sa states at alam kong apektado din ito sa pagkamatay sa nasabing pinsan ni senyora Sylvia.

"Oh..I'm sorry. Kailan ang alis nyo?" Hindi ko ipinahalatang nalulungkot ako dahil ayokong dagdagan pa ang sakit na nararamdaman nito.

"Tomorrow night. Me, Lawrence and Maya. I wish you can come too, kaso biglaan at mahirap kumuha ng visa mo. Kung pwede lang sanang magpaiwan nalang dito, but you know lola need us there." Hinawakan nito ang aking kamay at dinala iyon sa labi niya.

Kahit sa mga ganitong simpleng gesture ay hindi ko maiwasang mas ma inlove sa kanya.
Tumungo ako ng maramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko.

"Ilan days kayo doon? Do you want me to pack your things?" Tumawa ito ng mahina sa hindi ako malamang dahilan.

"Maybe a week or so? And yes please help me to pack, you know I hate doing that." Pinigilan kong huwag maging emotional. Alam ko sobrang ka dramahan kung iiyak ako, pero hindi ko mapigil. I'll miss him. Yun nga isang araw na halos hindi kami nagkikita sa dahil sobrang busy ng schedule nito sa school ay nami miss ko ito, yun pa kayang one week?

"Hey?" Iniangat nito ang mukha ko nang marinig nito ang paghikbi ko. "Do you want me to stay? Alam ko maiintindihan ni lola kung hindi na lang ako pupunta___

"No, please go. Sorry, it's just that... I will miss you." Anu bang nangyayari sa akin at sobrang iyakin ko?

Ngumiti ito at mabilis na dinampian ng halik ang labi ko.
"I'll miss you more. Can you sleep with me tonight?" Tumango ako na niyakap ito.

"Take care Bry. Please send my hug and kisses to tito Fernan and senyora."
Sobrang miss ko na rin ang mga iyon kahit pa paminsan minsan ay personal ang mga itong tumatawag sa akin ay iba pa rin ang presensya nila dito sa mansyon.

"I will... For you I will.." Kumalas ito sa yakap at hinalikan ako sa noo.

"Let's have a dinner date? My treat.."

"I love the idea but I think I can pay a romantic dinner for my woman." Wika nito sa naiinsultong tono.

My woman! Napangiti ako sa sinabi nya at hindi pinansin ang naging reaksyon nito.

"Ok dinner date it is. What should I wear?" Tanong ko dito.

He pursed his lips.

"Hmmm. Anything you want as long as it's not short, tight body hugging dress." Seryoso nitong sagot.

Kahit nalulungkot ako sa pag Alis nito ay hindi ko maiwasang matawa dito.
Iyon ang isa sa ayaw nito sa akin, ang magsuot ng tight at maiksi tuwing lalabas kami. Pero dito sa loob ng mansyon ay gusto nito na naka short lang akong maiksi habang suot ang jersey nitong pang itaas.

Tiningnan ko ang oras alas sais pa lang ng hapon.

"Paalam muna ako kay manang Lydia. Mag shower kana rin at amoy pawis ka." Tumayo ako at hinatak ito palabas ng kwarto ko.

"Hey! Hindi pa ako mabaho!" Napatili ako ng niyakap ako nito at ikiniskis pang mabuti ang pawisan nitong katawan sa akin.

"Bry! Katatapos ko pa lang mag shower, kainis naman to."
Kinikilig ako sa totoo lang kasi hindi naman sya mabaho.
Amoy Bryan. Very manly na mas nakakadagdag ng sex appeal nya.

"We can shower together." Kumindat ito sa akin na parang may ipinapa alala.

Nah init ang pisngi ko sa sinabi nito.

Isang beses namin yun ginawa noong unang beses na may mangyari sa amin. Ipinilit nitong sumabay dahil male late na daw kami sa school kung iintayin nya pa akong matapos.

Humalakhak itong pinisil ang pisngi ko.
"I love it when you blush." Ninakawan ako nito ng halik sa labi bago lumabas ng kwarto ko. Tulala lang akong nakatitig sa pintong nilabasan nito.

Ano kayang mangyayari sa amin kapag bumalik na ang pamilya niya? Alam kong mahal ako ng mga ito pero syempre ibang usapan kung si Bryan na ang involve. Tututol kaya sila?

Bumuntong hininga akong naglakad pababa. As long as nandyan si Bryan at hindi nya ako itutulak palayo ay kakayanin ko kung anuman ang maging reaksyon ng pamilya nya.

_________
Bryan's POV

How I wish na masabi ko kung gaano ko sya kamahal. Gusto ko sana magpaalam kina tito Fernan at lola ang tungkol sa amin ni mandy kaya hindi ko pa masabi dito. Alam kong mahal ako nito at sapat na muna iyon para mapanatag ang loob kong hindi sya mawawala sa akin.

At ito na ang pagkakataon. Kahit na ang pagpunta namin sa America ay dulot ng isang malungkot na balita ay sasamantalahin ko na ang pagkakataon para makausap ang mga ito.

Hindi pa man ako nakaka alis ay nami miss ko na agad ito.
Kung pwede lang pakasalan ko na agad ito ay gagawin ko, pero alam kong marami pa itong pangarap at gusto ko rin munang may patunayan sa kanya bago ko sya pakasalan. Alam kong sobrang mabilis ang mga nangyayari sa amin pero wala akong control sa sarili ko ngayon.

I'm happy and contented.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko matapos ang mahihinang katok at pumasok ang babaeng laging laman ng isip ko.

"I'm ready__ oh my gosh! Sorry akala ko bihis kana." Tumalikod ito at akmang lalabas ng kwarto ko.
She's wearing a simple moss green knee-length floral dress. Simple but still sexy.

"It's ok.. You can pack my things habang nagbibihis ako." Pabiro kong wika dito.

"I'll do it later pag uwi natin Bry." Sagot nito na hindi pa rin humaharap sa akin.
I'm still on my towel dahil katatapos ko lang maligo. Inuna ko muna ang pag aasikaso ng one week na magiging absence ko sa school kaya natagalan ako bago mag shower.

"I'm just teasing you Mandy, you can stay here if you want."

"It's ok I'll wait na lang sa living room."
Lalabas na sana ito ng tawagin ko.
Hindi ako makatiis na lumapit dito at niyapap ito mula sa likuran.

"Just give me a minute." I'll miss you big time.." Bulong ko dito.

"Nandito lang ako Bry, iintayin kita." Humarap ito sa akin at hinalikan ako sa lips. "Get ready Bry I'll wait." Kinalas nito ang pagkakayakap ko sa kanya at bahagyang ngumiti bago umalis.

Napabuntong hininga akong naglakad papunta sa closet ko para magbihis.
Bakit parang ayokong umalis papuntang America?
Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari kapag umalis ako.

Ipinilig ko ang aking ulo sa mga negative thoughts na iyon.
Marahil ay sobrang mahal ko lang sya kaya ako nakakaramdam ng ganito.

Dinala ko ito sa isang five star hotel.
Ngayon ko lang naisip na first date namin ito.. At kung hindi pa ito ang nag aya ay hindi ito mangyayari!
Hindi sa hindi ko sya gustong idate. Tuwing magkasama kasi kami ay walang ibang nasa utak ko kundi ang makasama lang ito sa mansyon.
Mag movie marathon, makinig sa kanya habang naggi guitar habang kumakanta, kulitin ito, and my favorite is cuddling with her sa gabi.

Promise mandy pagbalik ko babawi ako.

But I Sent You away, Oh Mandy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon