Chapter 49

25.2K 551 15
                                    

Chapter 49

Amanda's POV

Hindi ko alam kung totoo ba ang nangyayari o nanaginip ba ako.

Paano ba naman, si Bryan, hindi ko alam kung anong nakain at masyadong nakadikit sa akin.
Hindi sa hindi ko gusto, syempre natutuwa ako pero nakakapagtaka lang talaga.

"Hey, hindi ako makalapit sayo ah, masyadong kang gwardyado." Pabirong wika ni Xavier na lumapit sa akin. Wala ngayon si Bry dahil may dumating na kamag anak na taga America sina lola at tinawag ito saglit.

Nagsisimula na ang konting pagsasalo salo na request ni mam Alyssa para sa kanya.
Dumating na rin si Mark at Celine kasama si Lei, na halos kasunod lang ni Lyndon kasama ang anak nito at isang babae, samantalang ang nga kaibigan ni kuya Lawrence na si kuya James at Lloyd ay medyo gagabihin daw.
Magkakaroon daw kami ng parang reunion mamayang gabi ayon na rin kay Bryan.
Naalala ko tuloy yun birthday nya na ginanap din dito five years ago.

"I don't know Xave nawiwirduhan na ako sa kanya. All of a sudden nagbago sya ng pakikitungo.

"Maybe your lover boy got his balls back. I told you it will work." Nag wink pa ito sa akin at pinitik na naman ang ilong ko.

"Xave! Masakit yun ha!" Hinampas ko ito ng malakas pero ako rin ang nasaktan ng salagin nito iyon.

Damn muscle.. Ang tigas!

Natawa ito ng malakas ng makita nito ang pagsimangot ko.

"Pero sa tingin mo Xave, hindi kaya dahil lang sa mga bata kaya sya ganyan?"

"He's obviously jealous, gusto mo I-try?"
Bago pa ako nakasagot ay hinawakan ako nito sa magkabilang pisngi at hinalikan sa may gilid ng lips ko.

Napailing ako.
Hindi kaya gusto lang maka tsansing nitong lalake na to?

Nagulat ako ng biglang umangat si Xave sa inuupuan nito.

"Touch her again, and you're dead."

Si Bry, hawak sa kuwelyo si Xave na nagtatangis ang bagang.

"Then I'll be dead." Ngumisi si Xave na tinabig ang kamay ni Bry bago bumaling sa akin. "I'll see you later babe." Nangingislap ang mata nito na para bang sinasabing 'see? I told you!' bago tumalikod.

Napasapo na lang ako sa mukha ko pero gusto kong ngumiti.

Nagseselos ba talaga sya?
Touch her again and you'll be dead my face!
Siya itong maraming babaeng nilalandi hindi ba?
Akala mo pag aari nya ako kung maka asta.
At si Xave naman lalo pa yatang pinagulo. Babe daw?

Kahit kinikilig ako na baka nga nagseselos ito ay naiinis din ako nang maalala ko yun Cassandra na dumating noon sa office nya.

"What's your problem Bryan? Hindi mo dapat ginanon si Xave, bisita ko yun tao." Nakatitig lang ito ng ilang saglit sa akin habang matigas pa rin ang anyo bago ako nito tinalikuran at naglakad palayo.

Napabuga na lang ako ng hangin.
Dyan ka naman magaling, ang mag walk out..
Bwisit!

Natanaw kong kumaway pa sa akin si Xave na pinapanood pala ako sa di kalayuan.

Parang mas lalong nagiging komplikado ang sitwasyon namin ngayon nakisawsaw itong lalaking ito.

__________
Bryan's POV

What's my problem?
Hindi ba obvious na nagseselos ako?

Ang sarap lunurin at ipaagos sa dagat ang walangyang lalaking iyon.

But I Sent You away, Oh Mandy (completed)Where stories live. Discover now