Chapter 42

20.9K 477 7
                                    

Chapter 42

Amanda's POV

Hindi ko mapigilang mapaluha nang pumasok kami sa mansyon ng mga Guevarra.
Parang kelan lang dito ako nakatira at nagsisilbi sa kanila.
Walang ipinagbago dito, ganun pa rin kagaya noon.

Sa tinutuluyan kong kwarto noon kami pinatuloy ni senyora at nagulat ako dahil ganon pa rin ang itsura nito nang umalis ako. Malinis ito at nandito pa rin ang mga gamit ko.

"Regular kong ipinalilinis ang kwarto mo hija. Nandyan pa rin ang mga damit mo kung sakaling gusto mong magpalit, nag utos na rin si Fernan na ibili ng damit ang mga bata." Nagsalita si senyora na nasa likuran ko pala.

"Thank you po." Masyado akong speechless sa ipinararamdam nila sa akin. Pakiramdam ko ay napaka halaga ko sa kanila para gawin ang mga bagay na ito.

Dumating na rin ang doctor na ipinatawag ni tito Fernan para matingnan si Adryan.
SAlamat at simpleng lagnat lamang ito.

Matapos makatulog ng kambal ay nagdesisyon akong kamustahin sina manang Lydia.

Umiiyak na niyakap ako nina manang Lydia at ate Martha na hindi makapaniwalang buhay pa ako.

Pagkatapos ng kamustahan ay pumunta ako sa living room kung saan nakaupo ang mag ina. Wala si tita Mabel dahil pinuntahan daw ang mag ina ni kuya Lawrence.
Nakakatuwang isipin na silang dalawa ang nagka tuluyan.

"I see na nakatulog na ang mga bata?"
Ngumiti ang senyora na pinaupo ako.

Saglit namayani ang katahimikan bago ako nagpasyang ikwento sa kanila ang nangyari noong umalis ako. Pakiramdam ko ay kailangan nila ng explanation.
Ang pagpunta ko sa ampunan, ang pagkakakilala namin ni Rosie at ang dahilan kung bakit suot nito ang kwintas ko at ang tungkol sa pamilya ng inay ko. Hindi ko na sinabi ang tungkol sa ginawa ni mam Allysa na itinago nito at sinabing naglayas ako nang mamatay ang inay. Kapamilya pa rin nila ito at ayokong ma guilty sila dahil sa mga ginawa nito.

Taas baba ang dibdib ni tito Fernan sa paghinga hanggang sa matapos akong magkwento habang ang senyora naman ay umiiyak na naman.

"Nagkaroon po ng mabuting pangyayari sa pag alis ko at hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kanya dahil sinaktan nya ako." Alam kong alam nila kung sino ang tinutukoy ko.

"Akala ko nun sinabi ni Adelle ang del Rio ay may asawa ka na hija."

Ngumiti ako dito.

"Sa tulong na rin po ng pamilya ko ay mabilis pong napalitan ang family name ko. At ngayong alam na po ninyo ang totoo ay gusto ko pong papalitan ang pangalan ng inay sa puntod nito at ganun din po si Rosie at ang anak nito."

"Kung ganon ay handa ka na rin makausap si Bryan hija? Magtataka iyon kung makikita nyang pinalitan ang pangalan mo" Tanong ni senyora. Napansin kong malalim ang iniisip ni tito Fernan kaya tahimik lang ito.
Pumupunta pala sya sa cemetery?

"May karapatan syang malaman na buhay ka at lalo na sa mga anak ninyo."
Nagulat ako sa sinabi nito.
Alam nila?

Tumango ito na parang nahulaan ang nasa isip ko.

"Pero kahit hindi siguro namin alam hija ay malalaman agad namin dahil kamukhang kamukha ni Adryan si Bryan."

"Pasensya na po pero kailangan ko ba talagang ipaalam sa kanya? Ayokong magulo ang pamilya nila ni Annalise?" Kahit ang pagbanggit sa pangalan ng babaeng iyon ay nagdudulot ng pait sa aking bibig.

Tanggap ko na ang lahat ng nangyari sa amin pero hanggat maaari ay ayokong magkaroon ito ng kaugnayan sa mga anak ko.

"Hindi sila nagpakasal hija, nun araw ng engagement party ay umalis si Bryan para hanapin ka nang sabihin ni Heleina na buntis ka."
Alam nya din?
Parang puputok ang ulo ko sa mga nalalaman ko. Paano nagawa ni Lei na ipagkanulo ako?
Siguro ay kailangan na talaga namin umalis pag maayos na ang pakiramdam ni Adryan.

But I Sent You away, Oh Mandy (completed)Where stories live. Discover now