Chapter 14

21.1K 549 4
                                    

Chapter 14

Amanda's POV

Ang bilis talaga ng araw, akalain mo three months na ang lumipas. Next week Birthday na ni Bryan at hindi ko alam kung anong ireregalo ko sa kanya.

Medyo natanggap ko na rin na kahit kailan ay hindi nya ako mamahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Hindi ko na rin sya nakakasama sa mga lakad ko, masyado itong Inlove kay Annalise sa tingin ko.

Si Annalise naman..

Ganun pa rin kapag kaharap si Bryan ay maganda ang pakikitungo nya sa akin,pero kapag wala ito ay sagad ang ang panlalait nito sa akin. Hinahayaan ko na lang ito na ikinagagalit ni Lei.

Si Lyndon at Mark naman ay mas lalong napalapit sa akin. Dahil masyado ngang busy si Bryan sa girlfriend nya, kaya ako ang laging
kinakaladkad sa mga kalokohan nila. "pwede na din pagtyagaan" ika nga ni Lyndon.

"Hijo Bryan, why don't you celebrate your birthday sa beach resort natin sa Palawan? Tutal sem break naman, invite your friends at mag relax muna kayo doon." Sabi ni senyora Sylvia.

Kasalukuyan kaming nagdi dinner. Yes, kasama nila ako mag dinner kapag nandito si tito Fernan. Kahit si senyora Sylvia din ay lagi akong pinasasabay pero kay tito Fernan lang ako hindi makatanggi, Ewan ko ba hindi ko kayang sumama ang loob nito sa akin.

"Oy sama ko dyan ha pati si Maya sama ko na din, kelangan ko din mag relax." Si kuya Lawrence na mukang bagong dating lang dahil may dala pa itong traveling bag. Hindi na ito madalas nakakauwi dahil busy ito sa kompanya nila. Freshly graduate pa lang ito pero sinasanay na ito ni tito Fernan na patakbuhin ang kanilang kompanya.

"Thanks Lola, kelangan ko nga siguro mag relax." tumingin ito kay kuya Lawrence bago nagpatuloy. "Invite mo din si James at Lloyd, tagal ko na hindi nakikita yung dalawang yon,mas masaya kung marami."

"Kiddo sama ka rin ha!" Lumapit ito sa akin at humalik sa pisngi ko bago pa lumapit sa mama nya, kay mam Allysa at mama nya. Nakakahiya talaga to si kuya Lawrence, sa akin pa talaga una humalik?

Napatingin ako sa mga kasama ko Sa Mesa, na inaantay ang sagot ko. Masama na naman ang tingin ng mama ni Bryan..

"Kuya may trabaho ako dito sa mansyon tsaka tuwing ganitong wala pasok na nga lang po ako nakakatulong kay ate Martha at manang kaya wag na lang."Kahit gusto kong sabihin na gusto ko sumama ay tinablan naman ako ng hiya.

Umupo ito sa bakanteng silya sa tabi ko.

"None sense, sasama ka sa ayaw at as gusto mo. Ayokong awayin ako ni Maya dahil hindi ka kasama."

"Oo nga naman hija, wag mong isipin yun trabaho mo, kailangan mo din mag relax. Sang ayon ni tito Fernan.

Wala na akong nagawa kundi ang manahimik. Hindi naman ako mananalo sa mag amang ito.
Napatungo ako nang magtama ang paningin namin ni mam Allysa.

Bryan's POV

Hindi ako nakapagsalita nang tumanggi si Mandy na sumama, mabuti na lang at dumating si Lawrence.
Medyo hindi na kami nakakapag bonding dahil masyadong selosa si Anna at pati si ito ay pinagseselosan. Kasama naman ang mga kaibigan ko kaya walang magiging problema kay Anna.

Sem break na at nandito na kami sa airport papuntang Palawan.
Three days pa bago ang Birthday ko at sinabi ni mama na susunod daw sila sa mismong araw ng birthday ko.
Labing isa kami lahat na mauuna sa Palawan. Si Lawrence at si Maya kasama ang dalawa nitong best buddies na kaibigan ko din. Si Lloyd at James.
Kasama din si Heleina, Celine, Lyndon at Mark.

"Cupcake, virgin ka pala sa airplane?" pasakay na kami nang marinig kong inaalaska ni Lyndon si Mandy.

Noon ko lang na realize na takot nga pala ito sa heights. Lumingon ako sa likod ko at nag alala agad sa itsura nito. Maputla ito at parang napako sa kinatatayuan.
Lalapit na sana ako ng lumapit sa kanila si Mark at umakbay dito. Bumulong din ito kay Mandy na sumagot lang ng tango.

"Babe let's go?" Hinatak na ako ni Anna pasakay sa loob ng eroplano.

Tumingin muna uli ako sa direksyon
nila. Nagtama ang mga mata namin.
Saglit kaming natigilan na nakatingin lamang sa isa't isa. Sobrang bilis din ng tibok ng Puso ko. Marahil ay kinakabahan ako para sa kanya.

I'm ok. She mouthed and smiled. Parang alam nya ang tinatakbo utak ko.

I smiled back.

"Babe anu ba let's go!" Naramdaman ko uli ang paghatak ni Anna.

"Let's go?" Bumaling ako sa kanya at kitang kita ko ang masamang tingin nya kay Mandy. She's jealous.

Typical Annalise..

Hindi naman sya dati ganito ah. Ngayon kalimitan sa nagiging tampuhan namin ay ang selos nito kay Mandy. Kaya nga dumistansya na ako sa best friend ko para wala nang gulo, pero minsan hindi Ko maiwasan hindi mainis kay Anna.

"Anna, I'm just worried sa best friend ko ok? So stop glaring." Pinipigilan kong magtaas ng boses.

"Whatever." then she walked away. Napabuntong hininga nalang akong sinundan ito.

*****

Amanda's POV

"Kami na lang ni sugar ang magkasama sa room, diba sugar?" Ngumisi si Lyndon sa pulang pulang Lei bago ito akbayan.
Dumating kami dito mga past 1pm at ngayon nga ay kasalukuyan kaming pupunta sa kwarto naming titigilan.

Malaki itong rest house ng mga Guevarra dito sa Palawan, it has 12 rooms, pero dahil nga sa susunod sila mam Allysa ay kailangan mag share share kami sa kwarto.

First time kong makarating dito dahil dati kahit isinasama ako nila senyora Sylvia ay tumatanggi ako. Nakakahiya. Hindi lang naman ang mga Guevarra sa mansyon ang nagbabakasyon dito, pati na rin ang iba nilang kamag anak sa ibang bansa kaya mas lalong ayokong sumama dati. masyadong nakakailang.

At least ngayon kami kami lang magkakaibigan.

"Tumigil kang manyak ka! Kami ni girl ang share sa room.!" kumawala ito sa mga braso ni Lyndon.

"Alam mo bang mas nakaka turn on ka pag nagagalit ka sugar?" Kinagat pa ni Lyndon ang sariling labi na parang inaakit si Lei.

Haha! Sobrang loko talaga itong si Lyndon. Si Lei naman kunwari pa pero mamaya sa room tiyak na gugulong na naman yan sa kakiligan.

Bale ako, si Celine at Heleina ang magkakasama sa kwarto.
Si kuya Lloyd at kuya James then si Mark at Lyndon. Si Bryan at kuya Lawrence naman ay kasama ang mga girlfriend nila sa kani kamiyang kwarto.

"Guys magpahinga muna tayo, alam kong pagod kayo sa byahe, magpapahanda ako ng food para mamaya." sabi ni kuya Lawrence. Pumunta na kami sa kanya kanyang kwarto tutuluyan namin.

Bago ako pumasok sa kwarto ay naabot pa ng aking paningin si Bryan at Annalise papasok sa kwarto nila.

Ang sakit pa rin..


No. Sobrang sakit..

***
Please vote and comment!!

Thank you for reading!

Follow me...

lovingly_yours007

But I Sent You away, Oh Mandy (completed)Where stories live. Discover now