Chapter 39

20.2K 497 23
                                    

Chapter 39
Amanda's POV

Hindi ko alam kung namamalik mata ba ako pero kahit ilang beses akong kumurap ay ganun pa rin, sya pa rin ang nakikita ko.

"Inay?" Wala sa loob na naiusal ko.

"No cara. I'm your tita Mercedes your mothers twin." Lumapit ito sa akin at naluluhang niyakap ako. Hindi ako makagalaw sa pagkabigla pero pakiramdam ko ay nasa bisig uli ako ng ina ko.

Nang makabawi ako ay bumitiw ako dito at pinakatitigan ito. Magka mukhang magkamukha sila.

Mula sa likod ni tita Mercedes ay may dalawang taong lumapit sa amin.

"Can you give us a hug too apo?" Nanginginig ang bibig ng matandang babae na kinuha ako kay tita Mercedes at niyakap din ako. I'm your lola Ynes and this old man is your lolo Francis." Umiiyak nitong wika habang pinaluguan ako ng halik sa aking noo at sa magkabilang pisngi ko.

Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari. In one snap of a finger ay nagkaroon ako ng pamilya. Hindi lang basta pamilya kundi malaking pamilya dahil napag alaman kong tatlong pares ng kambal ang mga anak nina lola Ynes at Lolo Francis. Dalawang pares ng lalake at si inay at tita Mercedes. Kambal din daw ang Anak ni tita, babae't lalake naman habang ang mga kapatid nitong lalake ay may mga anak din pero hindi kambal. Ang dami dami nilang sinabi na halos hindi ko matandaan ang mga pangalan ng mga anak nila at iba pa.

"It's ok cara, you have your lifetime para makilala mo kaming lahat." Yun ang sinabi sa akin ni tita.

Nag usap pa kami ng matAgal bago ang mga ito nagpasalamat at nagpaalam kay Nanay Sol na isasama ako sa kanila.

Panibagong iyakan ang nangyari sa amin ng mga bata at kay Rosie nang mAgpaalam ako sa mga ito.

"Rosie, mahalin mo ang anak mo ha. Tandaan mo wala syang kasalanan sa kahayupan ng amain mo. May dahilan ang Diyos sa lahat ng bagay na nagyayari sa atin." Tumango ito na nagpahid ng luha.

"Masaya akong nakilala kita ate Amanda, good luck sa bago mong pamilya." Malungkot nitong pamamaalam sa akin.

Habang lulan kamo ng sasakyan papuntang Laguna ay ikinwento ni tita Mercedes kung paano napunta sa ampunan ang inay. Ayon dito ay ang abogado ng pamilya nila ang may pakana ng lahat. Galit ito kay Lolo Francis dahil ito ang pinili ni lola at hindi ito kaya nang isilang ni Lola ang bunsong kambal ay ninakaw nito ang isang sanggol na sa kasamaang palad ay si inay, at dinala ito sa ampunan.

Umiyak lang ako.
Umiyak ako para sa inay ko na pinagkaitan ng tadhana na makapiling ang mga magulang ay kapatid.

Umiyak ako para kina lola na hindi nabigyan ng pagkakataong makasama ang inay kahit sa huling hininga nito.

Napaka unfair ng buhay ng inay ko.

Kung sana buhay pa siya ay masaya kaming lahat bilang pamilya.. At madadagdagan pa ng isa.

Napahawak ako sa aking tiyan.

Anak hindi man tayo mabubuhay kasama ang pamilyang nararapat sa'yo, pero ipinapangako kong magiging masaya ka sa piling ng bago kong pamilya.

"Tita Mercedes, I'm pregnant.." Mahina kong pag amin sa kalagayan ko. Hindi ko alam kung huhusgahan nila ako pero kailangan kong sabihin sa kanila ang kalagayan ko para kung sakaling hindi nila ito tanggapin ay hindi pa magiging ganun kasakit.

Napabaling ang tingin sa akin ng dalawang matanda.
Nagbaba ako ng tingin sa takot na makita ang disgusto sa mga mata ng mga ito.

Imbis na magsalita ay muli akong kinabig ni tita sa bisig nito at tahimik na niyakap. Walang anumang salitang namutawi dito na ipinagpasalamat ko.

But I Sent You away, Oh Mandy (completed)Where stories live. Discover now