Chapter 30

20.5K 471 14
                                    

Chapter 30

Senyora Sylvia's POV

Umiiyak na yumakap sa akin si Allysa.

"He's hurting ma pero alam kong mas masasaktan sya kung malalaman nyang hindi sya Guevarra. Marami na rin sakit na naranasan ang anak ko mula ng mag divorce kami ng daddy nya at ayoko nang dagdagan iyon."

"Sa tingin mo mas masasaktan sya o sadyang pinili mong saktan sila ni Amanda dahil sa hindi ko maintindihang galit mo sa bata?"

"No mama! Alam mong minahal ko rin si Amanda nun musmos pa lang sya at wala akong anuman intensyon na saktan siya pero ina ako at ayokong dagdagan pa ang sakit ni Bryan. Makakalimutan nya rin si Amanda mama, mga bata pa sila marami pang dadating sa buhay nila." Pagtanggi nito.

"Sana nga Allysa, dahil ayoko magsisi muli sa bandang huli nang dahil lang sa isang kasinungalingan. Marami na bigat dito sa konsensya ko ng dahil sa pagtatago ng sikreto sa pagkatao ni Amanda at alam kong habang buhay ko itong dadalhin dahil hindi man lang ako nakahingi ng tawad kay Veronica." Malaki rin ang kasalanan ko kay Allysa dahil kung noon pa man ay sinabi ko na ang tungkol kay Amanda ay hindi ito maghihinala na may relasyon si Miguel at Veronica nang makita nitong magkayakap ang mga ito. Inisip nito nang mga oras na iyon na hindi posible na anak ni Miguel kay Veronica si Amanda dahil walang lalakeng napalapit noon sa matalik na kaibigan. At akong duwag ay nanahimik pa rin.

"Ako rin mama, sobrang naging malupit ako sa mag ina simula ng mag divorce kami ni Miguel." Humagulgol na ito. "Sa kabila ng lahat ng pagbibigay at pagpaparaya sa akin ni Veronica simula noon pa man sa ampunan.. Ako lagi ang iniisip nya bago ang sarili nya pero naging makasarili ako."

Ako nagsalita at niyakap ko lang ito. Hindi pa huli ang lahat. Maraming oras para bumawi sya sa anak ng matalik nyang kaibigan.

Kumalas ito ng yakap ng tumunog ang telepeno nito.
Tiningnan nito ang screen ng cellphone bago kunot noong sinagot iyon.

"Hello Annalise?"

__________
Bryan's POV

"Bryan? Anak please kailangan nating mag usap." Narinig ko ang boses ni mama pero hindi ko ito pinansin. Bakit ba hindi na lang nila ako pabayaang mapag isa?

"Hijo I'm sorry alam kong nasasaktan ka pero may dahilan ang lahat kaya ito nangyayari." Umupo ito sa higaan ko at hinaplos ang aking kamay. Dinig sa boses nito na nahihirapan ito.
Gusto kong yakapin ito at Sabihin sa kanya kung gaano ako nasasaktan.
Matagal na panahon na rin na distant at malamig si mama sa mga tao sa paligid nya. Maging sa akin na sariling anak nya.

"Ma please, I just want to be alone." Ayokong makita nito kung gaano ako kahina at nasasaktan ngayon.

"No Bryan kailangan nating mag usap tungkol kay Annalise."
Bigla nakuha nito ang atensyon ko.
What about her?

"She called earlier and she's claiming you as the father of her child."

"What? It can't be Ma, maingat ako palagi."

Except with her!

"Anak mag usap kayo mamaya, parating na sila ng pamilya nya para makapag usap kayo. I'm so sorry, galit na galit si Mr dela Vega sa nangyari sa anak nya." Mahinahon wika ni mama

Nandito sila sa LA?

Great! Hindi na ba matatapos ang problema ko?
Napasapo ako sa ulo ko.
Paano nangyari iyon?

"Anak siguro ito ang dahilan kung bakit kayo hindi pwede ni Amanda, because you're destined to be with Annalise, don't you think?"

I don't think so!

But I Sent You away, Oh Mandy (completed)Where stories live. Discover now