Kabanata 11: Ang Sakit sa Ulo

Start from the beginning
                                    

"Okay! Doon na tayo sa grocery!" sigaw niya 'tapos naglakad siya na parang zombie na nakalahad ang mga kamay sa harapan.

Cute nga si Lyn pero grabe siya. Nakakatakot kasama. Parang gusto laging gumagawa ng eskandalo.

"Tigilan mo 'yan, Lyn, mukha kang timang." Hinabol ko siya at ibinaba ko ang mga kamay niya. Parang timang talaga. Akala ko, masakit na sa ulo si Gen. Doble pala 'to!

"Why?" malakas pa niyang tanong. "Alam mo, sobrang serious m—"

Inilibot ko agad ang braso ko sa balikat niya saka ko tinakpan ang bibig. Napakaingay!

"Tama na, tama na. Magsasalita pa e."

Tangay-tangay ko si Alyna papasok ng grocery habang dakma-dakma ang mukha niya. Siguro, kung pakakawalan ko 'to, bigla 'tong pupulas 'tapos magkakalat sa loob. Hindi kaya mahuli kami ng guard nito?

Mahina siyang humahagikgik pagpasok namin sa loob. Dumaan agad kami sa bandang harapan, doon sa hilera ng mga gatas ng baby na malapit sa mga bilihan din ng gamit ng bata.

"Alam mo, Lyn, puwede kang mag-behave. Oo, alam mo 'yon?" Pagtapat namin sa stall, dumampot agad ako ng isang box.

"Tatluhin mo na!" sabi agad niya 'tapos kumuha pa ng dalawang box.

"Wala 'kong pera!"

"Gift ko kay Baby Chamee!"

"Gift? Kutos, gusto mo?" Umamba ako ng kutos sa kanya saka ko inagaw yung dalawang box para isauli. "Ikaw, mabuti hindi ka pinagagalitan, ang likot-likot mo."

"Basta akin 'to!" Isang box ang bagong inagaw niya na nasa dulo ng stall. "Gift ko sa baby."

Natirik lang ang mata ko kasi ang tigas ng ulo. "Bahala ka diyan." Napailing ako. "Mabuti nakabili ka ng laptop mo. Akala ko ba, galing kang Batanes? Saan ka kumuha ng pera? Nag-credit card ka?"

Umiling agad siya. "Nakapag-withdraw naman ako kanina."

"Magkano, kalahating milyon?"

"200 lang. Over ka naman."

Kapag si Alyna ang nagbabanggit ng salitang lang, parang gusto ko na lang mag-amok dito 'tapos magdedeklara ako ng holdup sa kanya.

"Ang gastos mo," nakangiwi kong sinabi saka pumunta papuntang counter 7.

"Ito lang bibilhin mo? Hindi ka maggo-grocery?"

"Kaka-grocery lang namin noong Miyerkules. Saka puwede ba, 'wag kang bili nang bili ng hindi mo naman kailangan."

Ito si Alyna, crush ko talaga 'to. Ang cute kasi, 'tang ina, ang sarap gawing keychain ta's ibubulsa ko lagi.

Kaso nga lang, natatakot ako rito. Tanga lang ang babangga rito kahit mukha 'tong manika e. Siya yung masarap kaibiganin pero ayokong kaibiganin talaga. Ang cute nitong maging syota pero baka kapag inaya ko ng date 'to sa karinderya, bilhin nito buong karinderya e. Saka matigas ang ulo. Kung ano ang gusto niya, 'yon ang masusunod. Hindi mo makokontrol kahit gustuhin mo. Kabaligtaran pa nga. Gusto niya, ikaw ang susunod sa kanya. Kapag hindi ka sumunod, bahala ka sa buhay mo, hindi ka kawalan.

Ang tagal ko nang under ng team niya, buntis pa lang si Gen. Pota, luhod kung luhod kami rito e. Pero hindi naman niya ipinararamdaman na bossy siya o dapat respetuhin siya nang sobra gaya ng mama niyang boss din namin. Para lang siyang spoiled brat na batang pinasusuweldo kaming lahat.

Mabait naman siya. Sobra nga kung tutuusin. May toxic traits lang talaga na hindi bagay sa mga ma-ego kasi tatablahin at tatablahin talaga niya. Kung hindi lang ako alipin ng pera, hindi ko talaga kakausapin 'to nang matagal e. Kinikilabutan kasi ako kapag nasa gitna na kami ng usapan. Parang kayang bumili ng kaluluwa ng tao kapag ginusto niya.

The Wayward Son in AklanWhere stories live. Discover now