Chapter 60

7.5K 152 33
                                    

" Bakit ang sabi mo next month pa ang anak ni Ella?"

Agad na ngumiti si Thiago sa kanyang ina at malambing na yumakap.

"Napaaga 'Ma.Premature."

Pagadadahilan ni Thiago na gusto niyang matawa.

"Premature? Three-kilo baby?"

Hindi makapaniwala ng ina nito na nakasanayan na din niyang tawagin na Mama.

Nanganak siya noong isang linggo pa. At ibinalita lang ni Thiago ng tuluyan na nitong makuha ang birth certificate ni Alphie. He name our son Aplhie dahil naniniwala itong nabuo sa honeymoon nila sa Switzerland. Kinuha niya ang pangalan sa pamosong Swiss Alps.

Hinayaan na lang niya si Thiago, kahit na hindi ko naman talaga ma trace kailan na buo si Alphie. After ng kasal dinala siya ni Thiago sa farm resort sa Batangas kung saan una silang natulog ng mag katabi. At ang kanilang unang halik ay doon nangyari.

Sinabi nito na napanaginipan siya nito that they had sex on the balcony of the cottage. Kaya hindi ito pumayag na hindi nila gawin ang nasa panaginip nito noon.

Natatawa na lang sila, sa eksena sa balkon ng bahay kubo. Habang nakikipag contest ang mga kuliglig at ingay ng palaka sa ungol nila ni Thiago.

Pagkatapos ng isang linggo pumunta sila sa Spain. At doon naiwan si Tami habang nasa Switzerland sila for honeymoon.

Well, Alphie is a much better name than Tasyo kong sa Spain o kaya something about farm or nature na pangalan.

Tumawa na lang si Thiago at hinalikan sa noo ang kanyang ina.

" Don't worry Mama, pag nagka anak si Finn. Doon mo ipangalan ang Basilyo na gusto ninyo."

Sabi ni Thiago at kinuha ang kanyang anak sa kanyang bisig at inabot sa Mama nito na agad naman nawala ang tampo.

" Hmm, I knew it. Hindi ninyo gusto ang pangalan ninyo."

Tumawa na din ang ama nito dahil aminado itong ang asawa ang nagpangalan sa lahat ng mga anak nila.

" And it's not Basilyo! Bassy Leo!"

Inirapan nito si Thiago na malakas na natawa.

" Maybe Ezah, Mama, or Finn. They will love that name."

" Iyong dalawa pa na iyon hindi din sinasabi kailan ang due date nila.Lalo na si Ezah."

" Ma, pangalanan mo ba naman ng Sisa? Syempre magtatago talaga iyon."

Hindi na din niya mapigil ang mahinang pagtawa. Ang asawa nito ay mahinang tumapik sa balikat nito, habang may sinusupil na ngiti sa labi.

" It's not Sisa! It's Cezah!"

" Still sounds like Sisa. Saka hindi naman lagi bitbit ni Ezah ang birthday certificate niya para ipakita ang spelling ng name niya."

Natatawa pa din na sabi ni Thiago. Na ngayon ay kalong naman ang kanilang panganay na si Tami na bagong gising at agad na kumandong sa Papa nito.

" Hi, cutie pie."

Bati dito ng ama ni Thiago na malapit din kay, Tami.

" Hi, Grandpa."

Ganting bati nito na humalik pa sa pisngi bago bumalik sa kandungan ni Thiago.

" Not Grandpa. I'm not old already. How about..."

" Lolo."

Sabi ni Tami na napahalakhak naman kami sa sinabi nito.

" Admit it, Sib. We're old already. Kahit gusto ko pa ng baby Bassy Leo wala na tayong chance."

Boss Against All Odds Love AffairWhere stories live. Discover now