Chapter 26

4K 85 9
                                    

Sinalubong niya ang araw at mga buwan na punong puno nang pag asa. Hanggang maging taon na hindi nagbago ang kanyang pagiging determinado na matupad ang pangarap. Sa araw masaya siya, pero sa gabi nangungulila siya kay Thiago. Ang binata ang laman nang kanyang isip, bago matulog sa gabi at pag gising sa umaga.

Hindi na niya nakita si Thiago, kahit sa mga espesyal na okasyon tulad nang birthday nang mga magulang nito. At kahit nang pasko o bagong taon. Tinupad nito ang pakiusap niya na hindi magpapakita sa kanya.

" What happened to Thiago? Hindi siya umuuwi na nang Villa?"

Parang hindi makapaniwala na tanong ni Ezah sa mga magulang na kasalo sa hapag kainan.
Ang mag asawa na Sib at Ysa ay pabalik balik dito at sa Spain. Ganun din si Ezah.

" Let him be. Marahil alam niyang he will not have the same freedom sa susunod na taon."

Balewala naman na sabi nang ama ni Ezah na si Senyor Sib. Agad naman nalungkot si Ezah sa narinig.

"Si Lola talaga. She should understand na iba na ang panahon ngayon."

Naka simangot pa nitong sabi habang nilalaro nang tinidor ang pagkain.

" Wala naman girlfriend si Thiago. And he knows that from the beginning ."

Sagot naman ni Senyora Ysa ang ina nang mga ito. Hindi niya naiintindihan ang usapan pero ang malaman na walang kasintahan si Thiago ay mas nakapag pasaya sa kanya.

Napansin naman siya nito nang ilagay niya ang panghimagas sa mesa.

" How are you, Ella? Malapit na ang graduation mo."

Bati nang ginang na nakangiti sa kanya, alanganin man ay ginantihan niya ito nang ngiti. Ilang buwan na lang at makaka graduate na din siya.

" Yes, po ma'am. Malapit na at maraming salamat."

Malaki ang ngiti niyang baling dito, sa taon na nilagi niya sa Villa. Nakilala na niya ang pagiging mabait nang mga ito.

" That's good! Ako na ang bahala sa work mo after you graduate. Or gusto mo muna mag rest nang few months?"

Tanong nito pero mas gusto niya na makapag work agad. Dahil may nais siyang makita.

" Okay lang po, I prefer to work after my graduation."

Sagot niya, tumikhim naman si Senyor Sib.Kaya napatingin ang lahat nang nasa hapag dito.

" Halos wala kang pahinga.Kasabay nang pag aaral mo ang pag ta trabaho mo dito. You should have at least one or two months' leave bago ka mag-apply sa Mondragon Airline."

Suhestiyon ni Senyor Sib. Pero magalang siyang tumanggi.

" Samalat po nang marami, pero hindi na po ako makapag hintay makapag trabaho. Alam ko kasi magiging ground stewardess muna ako bago maging flight stewardess. I'm looking forward po maging flight stewardess."

Nakangiti niyang sabi sa mag asawa na nakikinig sa kanya.

" Gustong gusto mo siguro makapunta sa iba ibang lugar."

Sabi ni Senyorita Ysa na may totoong ngiti sa mga labi.

" I love doing that. Well, kung gusto mo talagang maka travel. I will give you a graduation gift that you will like."

" Sobra na pong regalo na ipagpapasalamat ko sa buong buhay ko sa inyo ang pagtatapos ko nang pag aaral."

Nahihiya niyang sabi sa mga ito. Tunay na mabait ang pamilya nito.

" Kung nahihiya ka, samahan mo na lang ako Ella. I want to spend the summer on Cayman Island. Wag kang tumanggi."

Singit ni Ezah, at napa maang siya dito.

" Meron kaming vacation house doon. It's settled then. You will spend a vacation in Cayman Island with Ezah."

Pinal na sabi ni Senyorito Sib at pumalakpak naman si Ezah. Hindi niya maitago ang saya sa mukha. Sa unang pagkakataon ay makakasakay siya nang eroplano at international flight pa.

" Salamat nang marami po."

Nakangiti niyang sabi sa mga ito at magalang na nagpaalam na babalik na siya nang kusina.

" Hindi ako makapaniwala! Makakasakay na ako nang eroplano."

Masaya niyang sabi kay Morena niyugyog pa ang mga braso nito.

" Maswerte ka Ella. Pinag hirapan mo din naman ang lahat nang iyan."

Sabi nito, at pasalamat din siya sa mga kasambahay nang mga ito dahil walang na inggit sa kanya. Sa halip naka suporta ang mga ito sa kanya.

Kaya halos hilahin niya ang araw kung kailan siya ay tatanggap nang diploma.

" Congratulations, Anak."

Mangiyak ngiyak na sabi nang kanyang mga magulang. Pero alam niya na iyak iyon nang sobrang galak.

" I'm so proud of you ate!"

Mahigpit na siyang niyakap ni Marinel.At gumanti siya dito nang yakap. Ganun din ang ginawa niya sa kanyang mga magulang.

" Sobra kaming masaya para sa iyo, Ella."

Sabi nang kanyang ina at hinagod hagod ang kanyang likod.

" Ang lahat nang ito ay para sa inyo, Inay at Itay. Saka sa iyo Marinel, mag tapos ka din nang pag aaral."

Sabi niya sa kapatid at hinawakan ito sa ulo na mabilis na umiwas.

" Syempre, idol kita ate."

Tipid niya itong nginitian.

" May kaunti kaming handa para sa iyo, Ella. Mag daos tayo bago ka magbakasyon kasama ni Ma'am Ezah."

" Sige po, tatay. Uwi na tayo."

Iginiya siya nang mga ito sa isang van na nirentahan nang mga ito.

" Iyan ang regalo ni Manuel sa iyo. Siya nagbayad niyan."

Sabi nang kanyang ina sa kanya. Kaya napa buntong hininga siya.

" Hindi na masama ang loob ko sa kanya inay. Saka kung sapat na ang maging sahod ko. Pwede niyang ipagpatuloy ang pag aaral niya."

" Salamat anak, pero nagtutulong naman ang mag asawa. Baka sa susunod na taon makabalik si Manuel sa pag aaral."

Sabi nang kanyang ama. Kung may magandang nangyari sa buhay ni Manuel sa maagang pag aasawa nito iyon ay ang naging responsable at masikap ito.

" Mabuti, basta tutulong ako sa abot nang akong maka kaya."

Sabi niya kaya naman, mas naging masaya ang kanyang mga magulang. Pero mas may sasaya pa ba sa kanya?

Ang matupad ang pangarap niya ay sapat na compensation sa panahon na hindi niya nakita si Thiago. Dahil alam niya sa uri nang trabaho na papasukan niya, mag ku krus ulit ang landas nila ng binata.

At sa pagkakataon na iyon, marahil hindi na niya pipigilan ang sarili. Pagbibigyan niya ang bulong nang kanyang puso. Walang iba kundi si Thiago! SA nagdaan na panahon umaasam siyang makita ito. At mabigyan nang pangalawang pagkakataon ang sarili, na maramdaman ang pagmamahal nito!

Boss Against All Odds Love AffairWo Geschichten leben. Entdecke jetzt