Chapter 2

7.2K 140 1
                                    

" Hindi ako nangangain nang tao."

May halong pagka pilyo nitong sabi sa kanya.Hindi niya alam pero buong buhay na yatang hindi mawawala sa isipan niya ang nakita.

"S- Sir?"

Nauutal niyang tingin, napaka gwapo nito sa malapitan.Hindi na siya magtataka kung bakit kahit saan saan lang papayag na ang babae na maikama nito.

" Bago ka dito?"

Tanong nito sa kanya na alangan siya sa tingin nito.

"Amm, sa hacienda po talaga kami nag work sa grape farm. Kailangan lang nang tao dito sa villa kaya po kami nandito."

Nakatungo niyang sabi dahil mataman siya nitong tinitingnan.

" Give me juice."

Sabi nito kaya maingat niya itong ibinaba sa mesa nito na hindi pa din tumitingin.

"What's your name?"

Tanong pa nito kaya napasulyap siya dito na nabilang na yata ang bilang nang kanyang hinga dahil hindi siya nito hinihiwalayan nang tingin.

" Maristella Ria, Sir. Pero Ella po ang tawag sa akin nang karamihan."

Aniya dito at handa na siyang talikuran ito.

" Maria, I like your name."

Nakangiti nitong sabi.

" Ella sir."

Pagtatama niya sa sinabi nito.

" No, I prefer Maria. It suits you."

Sabi pa nito, bolero pala talaga ito.Hindi na lang siya nag salita at tumango. Saka sa tagal na nilang nag trabaho sa grape farm hindi naman niya ito nakakasalamuha. Kung hindi lang masama ang pakiramdam nang kanyang ina wala naman sana siya dito.

"First-time makakita nang ganun?"

Alam niya nag init ang kanyang mukha at tenga pag banggit nito sa eksena kani kanina lang. Mabuti na lang natural na kayumanggi ang kanyang kulay kaya hindi nito halata na nag blush siya.

Narinig na lang niya ang mahina nitong pagtawa marahil sa reaksiyon niya.

" Wag mong ipamalita ang nakita mo okay? It's just a secret between us."

Tumayo ito at dinampian nang masuyong haplos ang kanyang pisngi. Agad naman siyang napa atras sa ginawa nito.

" Wag kang matakot hindi ako nangangain nang tao. Iba ang kinakain ko."

Bulong nito sa kanyang taenga na halos hindi niya marinig sa lakas nang tibok nang kanyang puso sa simpleng paglapit nito. Sobrang bango nito, samantalang baby cologne lang ang gamit niya na alam niya na wala na sa katawan niya.

Kaya nga siya bumalik sa quarter para mag pulbos dahil sa napawisan na siya sa dami nang trabaho dito. Nanlalagkit ang kanyang pakiramdam. Pero sa inabutan na eksena para siyang binuhusan nang isang timba nang yelo.

Malapad na likod na lang nito ang nakita niya nang lingunin ito.

" Ella, pakuha pa ako nang ibang inumin."

Utos sa kanya ni Manang Gloria, ito ang nag sama sa kaniya dito. Para sa extra niyang kita. Walang kibo siyang sumunod dito. Ito ang buhay niya, utusan. Dahil mahirap lang sila. Nasa ikalawang taon na siya sa kursong BS Tourism dahil gusto niyang maging flight stewardess.

Nais niyang mag travel sa ibat ibat bansa at hindi niya magagawa iyon dahil mahirap lang sila. Pagiging flight attendant ang passport niya para matupad ang pangarap. Sa kasamaan na palad hindi sapat ang kita nang kanyang mga magulang sa hacienda para pag aralin silang mag ka kapatid.

Nag maka awa ang kanyang ama na ang sumunod sa kanyang lalaki muna ang mag aral. Dahil nais nitong pumasok bilang pulis. Wala siyang nagawa, kundi pagbigyan ang ama.

May mentalidad din kasi ang mga ito na lalaki dapat ang may maayos na trabaho dahil ito ang magdadala nang pamilya. Samantalang siya dahil babae, mahihirapan siyang makatulong sa pamilya pag nag asawa na siya.

Natapos ang party at pagal ang katawan na pumasok siya sa kwarto na pansamantala niyang tutulugan dito. Pero natigilan siya sa bunk bed dahil kanina lang nakaupo dito si Thiago.

Ipinilig niya ang ulo at pumasok siya banyo at naligo. It's almost past midnight at halos gusto niyang bumagsak sa pagod at puyat. Madiin ang hawak niya sa tuwalya nang lumabas siya nang banyo. Hihikab hikab pa siya, pero nawala ang antok niya nang makita si Thiago sa loob nang kwarto na iyon.

" Shit!"

Hindi niya napigilan na sambit, at mas humigpit ang kapit niya sa tuwalya. Tumaas ang kilay ni Thiago sa kanya.

" I'm looking for my wallet. Baka dito nahulog."

Sabi nito at hindi inaalis ang tingin sa kanya.

" Wala akong bulsa kaya hindi mo makikita sa akin ang hinahanap mo. Wag kang sa akin tumingin."

Mainit ang ulo niyang sabi dito, hindi na niya naisip na amo niya ito. Biglang lumapit si Thiago sa kanya. Napaatras naman siya sa ginawa nito hanggang huminto ito. Nakatingala siya dito habang mahigpit pa din niya ang hawak sa tuwalya.

" I'm just amazed at your looks."

Sabi nito at bigla siyang nitong sininghot.

" I didn't know I will be fascinated with the smell of plain soap."

Hindi siya makapag salita. Dahil sa lapit nito sa kanya naamoy niya ang alak sa hininga nito. That's what he did the whole time  in the party. Drink and socialize. Nagtataka nga siya bakit nakaka lakad pa ito.

Mabilis siyang nilagpasan ito at siya na ang nag hanap nang wallet nito sa kama. Pero wala ito doon. Sa kagustuhan na mahanap na nito ang wallet nitong hinahanap, lumuhod siya sa sahig at sumilip sa ilalim nang kama.

" Alam mo sigurong that's the same spot Shennaz knelt?"

Tanong nito na ang boses ay malapit sa kanya. Hanggang maupo ito sa bunkbed.

Sinamaan niya lang ito nang tingin, ihinaba lang niya ang kamay ay kinapa ang ilalim nang bunkbed hanggang may maabot ang kanyang kamay.

Mabilis siyang tumayo at iniabot dito ang pitaka na nahulog nga sa ilalim nang kama.

" Ito ang hinahanap ninyo Sir. Kung maari lang gusto ko nang magpahinga."

Hindi niya itinago ang pagod sa tinig na sabi niya. Tumayo naman si Thiago at muli siyang tinapunan nang tingin.

" Salamat."

Sabi nito na kinunutan niya nang noo. Marunong palang mag pasalamat ang lalaki na ito.

Naglakad na ito palapit sa pinto nang muli siya nitong lingunin.

" I hope I can see you again Maria."

Sabi nito na hindi niya kayang I paliwanag ang klase nang sulyap nito sa kanya. Hindi siya sumagot dahil ayaw niya itong makita pa.

Boss Against All Odds Love AffairWhere stories live. Discover now