Chapter 12

4.7K 90 6
                                    

" Ready ka na ba sa exam or pwede kong pakiusapan ang subject teacher mo na bigyan ka lang nang special exam?"

Nag angat siya nang mukha mula sa plato nang pagkain at napa sulyap dito. Bakit ba sa harapan niya ito naka upo? Kung tutuusin mas magandang nakaupo sa tabi niya dahil nakaharap sila sa labas nang terasa. Maganda ang view sa farm resort na iyon.

" Paano mo gagawin iyon?"

Tanong na lang niya dito na patuloy sa pagkain. Umaga pa lang kinawawa na nito ang rice. Isang Filipino breakfast ang kanilang pinag saluhan. Pritong itlog, longganisa, tocino at mainit na kape.

" Well, pag aari nang Mondragon ang school na pinapasukan mo, Maria.And I'm Mondragon too."

Napaawang na lang ang kanyang mga labi, bukod nga pala sa airline, hospital at medical school na pag daan nang panahon ay nagbukas din nang ibang kurso ang pag aari nang pamilya Mondragon.

" Kaya madali sa iyo ang maka pasok doon kahit matagal na nag simula ang klase. And I know someone who can help you with your exams..."

"No! Sapat na nakapasok ako.Salamat pero gagawin ko ang lahat dahil sa pag pursige ko at hindi sa tulong o koneksiyon mo, lalo na pagdating sa exams ko."

Mabilis niyang putol sa nakakalula na alok nito. Naramdaman niya ang pag titig ni Thiago sa kanya.

" Determinado ka talaga?"

Maya maya ay tanong nito.

" Yes! So please don't come my way, Thiago. Alam mo na ang ibig kung sabihin."

Seryoso siyang tumitingin dito at sinalubong naman ang kanyang tingin.

" Okay, lalayo ako sa iyo para hindi ka ma in love sa akin at makapag concentrate ka sa pag aaral mo."

" Salamat, Thia...Ano?!"

Tinawanan na lang siya nito dahil napahigpit ang hawak niya sa hawak na kutsara at tinidor.Habang masama ang tingin dito.Napaka lakas talaga nang loob nang lalaki na ito.

" Just kidding, Maria. Hindi mo naman talaga ako madalas makikita. I'm busy with my work. At pag magbago ang route ng flight ko, mas matagal akong umuwi."

Sabi nito kaya lumuwag ang dibdib niya. Dahil sa ginagawa nito hindi magtatagal at makukuha nito ang kanyang puso.

" Nakakahiya man. I really appreciate you being nice to me. Gusto ko sana na maging magka ibigan tayo pero hindi ako komportable. Ito nga lang na magkasama tayo nahihiya na ako sa sarili ko."

" Well, I hope time will come na hindi ka na mahihiya sa akin Maria."

Sabi nito sa kanya, gusto niyang sabihin na sinong hindi mahihiya sa sitwasyon nila? Isa pa sa gwapo nito at sa pagsulyap sulyap nito sa kanya natutunaw na siya.

" Marunong lang akong lumugar."

" I will remember that, Maria. Finished your food para makabalik na tayo. Para hindi ko na magamit ang koneksiyon ko dahil ayaw mo."

Sa sinabi nito, binilisan nga niya ang pagkain. Hindi na niya pinansin ang panonood nito sa kanya sa pagitan nang paghigop nang kape. Wala din siyang pakialam kung nakatitig ito sa kanyang bibig na abala sa pag nguya.

"Mag toothbrush lang ako."

Paalam niya nang maka tapos at agad na tumayo. Pumasok siya nang banyo at nag toothbrush, sinuklay niya ang buhok at lumabas na nang banyo.

Paglabas niya si Thiago naman ang pumasok at gumamit nang banyo.Agad naman niyang inilagay ang kanyang mga libro at notebook sa kanyang bag.

" Are you ready?"

Tanong ni Thiago sa kanya na nakatayo na sa labas nang banyo. Tinanguan lang niya ito.
Nauna na itong lumabas nang cottage at sumunod siya pagkatapos nang ilang saglit.

Nakaka ilang baitang pa siya nang madulas siya dahil sa basa ang mga baitang nang hagdan.

" Ayyy!"

Tili niya kasunod nang pagpikit nang mariin nang mga mata. Inaasahan na niya ang pag tama nang kanyang katawan sa barandilya o baitang nang hagdan. Pero katawan ni Thiago ang naramdaman niyang dumikit sa kanya.

" Careful."

Tinig nito na malapit sa kanya, kaya nagmulat siya nang mga mata.Nasa beywang niya ang matigas nitong braso at bahagya itong nakayukod sa kanya. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa barandilya nang hagdanan.

Sobrang lapit nito sa kanya at napalunok laway na lang siya. She can feel his breathing fanning on her face, amoy niya ang minty breath nito.

" Thiago..."

Bahagya niya itong itinulak sa dibdib, dahil bahagya siyang nakaliyad at nakayuko naman ito sa kanya.

" Maria, I deserve a reward for saving you."

Mabilis pa sa alas kwatro ay nasa labi na
niya ang mga labi nito. Para siyang tinamaan nang kidlat sa kuryente na kanyang nadama.

Ganito pala ang halik? Napapikit siya at nagpatangay sa bawat galaw nito. Naramdaman niya ang pag tuwid nang tayo ni Thiago kasama siya pero dahil nasa mas mataas siyang baytang.Nakatungo siya dito ngayon at ito naman ay bahagyang nakatingala.Isa lang ang sigurado niya, their lips met and enjoying each other kiss kahit anong posisyon pa sila ngayon!

Napahawak siya sa mag kabilang braso nito nang maramdaman ang dila nito sa loob nang kanyang bibig. How he can still taste so sweet? Kahit ang dami na nitong nahalikan. Sa isipin na iyon, agad siyang nag mulat nang mata at kumawala dito.

She's panting and catching her breath while avoiding his eyes.

" Siguro sapat na kabayaran na iyon para sa bali o pasa sa katawan na naiwasan ko dahil sa iyo."

Sabi niya at maingat na bumaba nang hagdan. Nilagpasan niya ito na nanatili na katayo sa gilid.

" First kiss mo?"

Sa halip sagot nito at naramdaman niya na nagsimula na din itong maglakad kasunod niya. Hindi siya sumagot.

" Tell me honestly, what did you think about my kiss?"

Tanong nito sa kanya at umagapay sa kanya sa paglalakad.

" Importante ba iyon?"

Sagot niyang hindi pa din tumitingin dito.

" Considering it's your first kiss, ayaw kong masira ang perception mo about kiss."

Bigla siyang huminto at hinarap ito, at sana hindi na lang niya ginawa. Dahil nakita niya ang pag kislap nang mga mata nito habang may matamis na ngiti sa mga labi.

" Paano mo nasabi na first kiss ko iyon?"

Tinabunan niya nang pagtataray ang paghanga niya dito. He is more handsome with his playful grin.

" I can tell."

" Sa dami mo nahalikan marahil nga masasabi mo ang expert at inexperienced na katulad ko. And I'm wondering myself why your lips is still sweet kahit ang dami na nakahalik sa iyo!"

Walang preno niyang sabi na nakapag pahalakhak dito. Good lord! The view of this place and his laughter makes everything perfect for her at that moment!

Boss Against All Odds Love AffairWhere stories live. Discover now