Chapter 27

4K 94 12
                                    

" Ella, do you think. I'm too young to have an intimate moment?"

Tanong sa kanya ni Ezah, nasa porch sila nang vacation house nang mga ito sa Cayman. Para siyang nasa alapaap sa sobrang saya.

Pareho sila sumisimsim nang punch na gawa ni Ezah. Lasa lang naman na juice para sa kanya,pero mapula na ang pisngi nang dalagita. Marahil dahil naarawan ito, at likas, na mestiza.

" High school ka pa lang, bata ka pa. Wag muna."

Sabi niya dito, hindi niya alam pero nagpawala ito nang buntong hininga.

" Kahit gustong gusto mo ang lalaki?"

Tanong pa nito, kaya natawa siya dito.Mukhang umiibig na ang bata nitong puso.

" Yes! Kahit gustong gusto mo. May tamang panahon ang lahat."

Sabi niya dito, bumaling naman sa kanya si Ezah.

" So, hindi ka pa naki kiss?"

Tanong nito kaya natawa siya dito. Marahil gusto nito nang may mapagsabihan.

" Na kiss na."

Sabi niya at sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi sa pag alala sa mga halik na pinag saluhan nila ni Thiago.

" May boyfriend ka na?"

Nanlalaki ang matang tanong nito.

" Wala! Noon iyon, matagal na."

Nasa labi pa din niya ang ngiti dahil mas nabuhay ang kuryusidad nito.

" Ay ano, yong ganun?"

Tanong nito muli sa kanya, mas namula ang pisngi nito sa nais malaman sa kanya.

" Secret na lang iyon."

Sagot niya dito, pero pasalamat siya at hindi na ito nagpilit.

" Secret lang din natin. Nakipag kiss na din ako."

Sabi nito na kinikilig. Napakaganda nito nang ngumiti kasabay nang pag pula nang pisngi nito.

" May boyfriend ka na?"

Siya naman ang nagtanong dito. Pero umiling ito.

" Wala. Bata pa kasi ako, tapos siya ka edad na ni Kuya Finn. I used to call him Kuya, pero crush na crush ko siya eh."

Pag kwento nito. Wala naman siyang idea kung sino iyon dahil madaming barkada si Finn.

" Malay mo kayo pala. Maghintay ka lang. Kung para sa iyo para sa iyo."

" Do you believe in that?"

Tanong nito sa kanya na inubos ang laman nang tall glass nito at muling nagsalin.

" Oo."

Maiksi niyang sagot pero punong puno nang kahulugan.

" You want to know my other secret?"

Tanong nito sa kanya na ngayon ay tumayo na habang hawak pa din ang tall glass.

" Mahina ako sa inom. Now I'm already drunk. Sorry, Ella pero hindi kita masamahan sa pag langoy."

Hingi nito nang pasensiya at wala siyang magawa nang pumasok na ito sa loob nang vacation house.

Naiwan siya porch at napatingin na lang sa dagat. Sayang naman naka panlangoy na siya.
Habang inuubos niya ang punch ay tinitimbang niya sa sarili kung maglalangoy ba siya.

" Don't miss your chance, Ella. Ano ka ba?"

Sabi niya sa sarili at tumayo na. Dahil dapit hapon napakaganda nang kulay nang dagat na nasisinagan nang papalubog na araw. Saka naka panlangoy na din siya, two-piece bikini na pinili ni Ezah. Bagay na bagay daw sa kulay niya.

Hinubad niya ang nakapatong na manipis na tela sa kanyang suot na panlangoy. At bilib siya sa taste nito, it really fits her well. Sabi nga ni Ezah pwede siyang maging cover nang panglalaking magazine.

" Aw, ang sarap naman."

Tili niya nang lumusong siya sa dagat. Kahit ang buhangin ay pinong pino. Pinagsawa niya ang sarili sa paglalangoy. Hanggang abutin siya nang tuluyan na paglubog nang araw.

Kaya umahon na siya sa dagat. Ang kanyang pansapin sa swimsuit ay basta na lang niya binitbit. Malamlam ang ilaw sa porch dahil hindi ang main na ilaw ang nakabukas. Pero napaka ganda pa din tinggnan nang malaking vacation house nang mga Mondragon.

Kumakanta pa siya habang papasok sa loob nang vacation house nang may magsalita mula sa madilim na bahagi nang porch.

" Akala ko wala ka nang balak umahon. I am tempted to join you, Maria."

Agad siyang baling sa nagsalita. He said, Maria! Iisa lang ang taong tumatawag noon.

" Thiago?!"

Tumayo si Thiago mula sa pagkaka upo sa barandilya nang porch at naglakad palapit sa kanya.

" Kumusta ka na, Maria?"

Tanong nito nang makalapit sa kanya. Sobrang lapit nito na amoy niya ang mabango nitong halimuyak. Oh, God knows how much she misses this man!

" Thiago..."

Ulit niya sa pagtawag sa pangalan nito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Ang tagal niyang hindi ito nakita. Kaya humarap siya dito at pinagmasdan ang mukha nito. Ganun pa din napaka gwapo, bumaba ang tingin niya sa labi nito na naka ngiti.

" Yeah, I missed you too!"

Sabi nito at niyakap siya, hindi siya pumalag. Pero sa mahinang tinig ay nagsalita.

" Wala akong sinasabi."

Tumawa lang nang mahina si Thiago.

" Hindi mo kailangan sabihin.Nakita ko sa klase nang tingin mo."

Ilang saglit siyang nagpa kulong sa mga bisig nito. Pagkatapos ay kumawala at tumingala dito.

" Bakit nandito ka? I mean, kumusta ka na?"

Halos magkanda utal utal niyang tanong nito.

" Masaya ako at nakita na kita ulit. At nandito ako dahil dito ako nag stay pansamantala. Minsan sa Switzerland and sometimes sa Spain."

Pag sagot nito sa tanong niya. Pero habang nagsasalita ito at humagod ang tingin nito sa kanyang katawan. Kaya balak niyang isuot ang bitbit na tela pero inagaw iyon ni Thiago sa kanya.

" Tayo lang dalawa dito, Maria. And you are so sexy. I already memorized every inched of you. Pero sa nakikita ko sa iyo, maturity suits you well. You can make every man go crazy over you."

Nag init ang kanyang mukha sa klase nang sulyap nito. At mga salita na binitiwan nito.

" I- I..."

Hindi niya maapuhap ang mga salita na gusto niyang sabihin.

" I want to kiss you."

Pag dugtong ni Thiago sa kanyang salita. Nanlaki ang kanyang mga mata na nakatingin dito.

Nang hawakan nito ang beywang niya ay para siyang matutunaw. Agad na nanlambot ang kanyang mga tuhod.

" Thiago."

Mahinang sambit niya sa pangalan nito. Kung consent ba iyon para sa binata ay hindi na niya alam. Basta ang alam niya, nanabik siyang muling madampian nang mga labi nito.

" I terribly missed you, Maria."

Mga salita ni Thiago bago bumaba ang mga labi nito para halikan siya.Hindi man niya sinagot, pero buong puso niyang tinanggap ang mga halik nito.

Hanggang maging agresibo silang pareho. Kung paanong naglalandas ang mga palad nito sa halos hubad niyang katawan. Ganun din niya dinadama ang katawan nito. He is sexy and so damn hot!

Hanggang maramdaman niya ang pag angat niya sa sahig habang patuloy pa din na magkahinang ang kanilang mga labi.

A/N: Welcome sex is waving😂

Boss Against All Odds Love AffairWhere stories live. Discover now