Chapter 46

4K 91 13
                                    

" What's up, Thiago?"

Nilingon niya ang tumapik sa kanyang mga balikat.

" Hey, Ava."

Bati niya sa pinsan na tumabi sa kanya sa mataas na stool ng bar.

" Long time no see! Anong dahilan at bumalik ka ng Pilipinas?"

Natatawa nitong tanong sa kanya. Uminom muna siya ng gin tonic bago ito hinarap.

" My special delivery lang ako sa isang ka kilala.Ikaw kumusta na?"

Tanong niya dito na sumisimsim ng margarita.

" I'm good. May lakad ka ba sa weekend?"

Saglit siyang nag isip kung may balak ba siyang magliwaliw o sisimulan ang paniningil kay Xander.

" Baka gusto mong sumama sa Thailand? Mag weekend getaway kami ni Aidan. Be our pilot Thiago."

Naiiling na lang siya sa klase ng ngiti na ibinigay nito sa kanya.

" Don't use your charm on me, Ava."

Sabi niya dito at humingi pa ng panibagong shot ng gin tonic.

" Sige na, nandun ang lahat ng pinsan natin. Saka hindi ka ba napa pagod na puro ka na lang work?"

Tanong nito na tinawanan lang niya.

" Hindi libre ha? You know I'm saving money para pag itakwil ako I can start a business."

Sabi niya dito na tinawanan nito ng malakas.

" Joker ka na pala ngayon, Kapitan Thiago."

Hinampas pa siya nito sa balikat.Sa akalang pagbibiro niya.

" Hindi ako nagbibiro. But I will give you discount."

Seryoso niyang sabi kaya huminto ito sa pagtawa.At saka tiningnan siyang parang hindi makapaniwala.

" Is it about the arrange marriage?"

Tumango na lang siya. Kaya napa iling iling na lang ito.

" Well, no problem Thiago. Si Aidan ang bahala sa PF mo."

Ang kambal nito ang tinutukoy. Siguro nga mas mabuti na sumama siya. Nag simula siya sa Asia na hanapin si Maria, pero hindi niya ito nakita. At sa loob ng halos dalawang taon,nalibot na niya ang Europe wala pa din siyang trace ng dalaga.

" I need a short vacation also."

Sabi niya kaya masayang napapalakpak si Ava.

" Alright! It's all set then."

Ilang sandali silang nag usap nito, bago siya lumabas ng bar. Nagtuloy siya sa condo nila ni Maria. He still doesn't give up the place. Kahit na pagpumapasok siya dito ay nakakadama lang siya ng matinding kalungkutan.

Lahat ng parte ng bahay na ito ay puno ng alaala nila ng dalaga. Masasaya at masasarap na alaala.

" Maria."

Bago niya ipikit ang mga mata ay awtomatikong lumalabas iyon sa kanyang bibig. God knows how much he missed her.

" Makikita pa ba kita?"

Hindi niya napigilan na tanong sa sarili. Paano kung huli na? Meron na itong iba?

Ang kanyang diwa na naglalakbay sa alala ni Maria ay biglang nagising sa tawag sa kanyang cellphone.

Boss Against All Odds Love AffairUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum