Chapter 54

4.4K 107 6
                                    

Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Thiago sa kanyang mga palad. Nakatingin ito kay Tamara na kalong ng kanyang ina.

Si Tamara naman ay nakatingin din kay Thiago. Pagkalipas ng ilang saglit ay ngumiti si Tamara. She extended her small hands, na para bang nagpapabuhat.Nilingon naman siya ni Thiago at namamasa ang mga mata nito.Tinanguan niya ito habang naiiyak siya.

Lumapit si Thiago at binuhat si Tamara na sumama naman dito.Saglit na nagtitigan ang dalawa,hanggang mukhang hindi napigilan ni Thiago ang damdamin. Niyakap nito si Tamara habang hindi napigilan nito ang pagtulo ng mga luha.

" I'm sorry darling. I didn't know."

Masuyo nitong sabi sa kanilang anak. Hinaplos haplos nito ang likod ng kanilang anak na walang muwang kung ano ang nangyayari.

" Mama!"

Narinig nilang sabi ni Tami at lumingon sa kanya. Mataktika naman na iniwan sila ng kanilang ina. Habang nasa labas din ng bahay ang kanyang ama at si Marinel.

Pinigilan niyang umiyak dahil alam niya na iiyak din si, Tami. Kaya ngumiti siya dito, kahit namamasa ang kanyang mga mata.

" Tami, baby."

Lumapit siya sa kanyang mag ama at niyakap niya pareho.

" Maria, I can't hold my tears."

Sabi ni Thiago na punong puno ng damdamin habang buhat pa din ang anak nila. Bahagya pa nitong sinisilip ang mukha ni Tami.

" I understand, Thiago. I'm sorry din kung inilayo ko siya sa iyo."

Masuyo niyang hinagod ang likod ni Thiago. Si Tami naman ay sa kanya nag pabuhat, kaya kinuha niya ito sa bisig ng kanyang asawa.

" Mama."

Ulit nito. Sa pagkakataon na iyon sila pareho ang niyakap ni Thiago. Pagkatapos ay tumingin kay Tami at ngumiti.

" Say, Papa."

Hiling nito. Tiningnan ni Tami si Thiago at pagkatapos ay ngumiti ang kanilang anak. Kumislap ang mga mata ni Thiago sa reaksiyon ni Tami.

" Mabuti na lang kamukha kita. Hindi ka maitatanggi ng mama mo."

Hinaplos nito ang namumula na pisngi ni Tami na muling ngumiti kay Thiago.

" Argh! She knows how to bend my knees, Maria. This is a disaster for me."

"Nginingitian ka lang ganyan na reaksiyon mo? Paano pa kung tawagin ka na niyang Papa?"

Tanong niya na natatawa,sa fondness ni Thiago sa kanilang anak.

" Papa."

Biglang sabi ni Tami at nanlalaki ang mga mata nilang nagka tinginan. Sabay silang bumaling sa kanilang anak na cute na cute na nakangiti. Habang ang mata ay na kay Thiago.

" Oh, God! I'm more in love with both of you."

Masayang sabi ni Thiago na yumakap sa kanilang dalawa.

" I love you Thiago. At masayang masaya ako, dahil akala ko hindi ko na makikita ang ganitong pagkakataon sa buhay ni, Tami."

Pilit niyang pinipigilan ang maluha. Dahil ayaw niyang masira ang mood ni Tami.

" I promise Maria. I will do everything, wag lang kayo mawala sa tabi ko. Mahal na mahal ko kayo."

Noon naman tumikhim ang kanyang ama kaya napalingon sila sa bukana ng pinto kung saan ito nakatayo.

" Tay, lalabas na po kami."

Sabi niya at nilingon si Thiago na tumango naman ito. Muling pinisil ang kanyang mga palad. Mukhang tensyonado ito.

Boss Against All Odds Love AffairOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz