Chapter 38

3.8K 90 10
                                    

"Anong ginawa ninyo kay, Maria? Nasaan siya?"

Halos magbaga ang kanyang mata sa galit nang bumalik siya mula sa pag entertain sa pamilya nang Valencia ay wala na si Maria sa kanilang condo. Walang notes hindi na niya ito ka contact.Kahit sa airline ay nag resign ito. Ang tatlong araw na paalam niya ay naging limang araw. Dahil sa request nang kanyang Lola na hindi niya mahindian. Pero ang pag entertain lang sa mga ito ang hanggang kaya niyang gawin.

" Thiago, we will talk about it later."

Ang kanyang ama ang sumagot at alanganin na ngumiti sa mga kaharap sa hapag. Ang pamilya nang Valencia na ma impluwensiya sa Barcelona. Nasa mining at politics ang pamilya nang mga ito.

" No! I want it now. What did you do? Binayaran nyo ba siya para layuan ako?"

Frustrated niyang tanong sa mga magulang dahil kahit ang pamilya ni Maria ay wala na din sa farm. Lahat nang mata ay natuon sa kanya. Hindi niya maitago ang galit. And he doesn't care. May pagtatanong sa mga mata nang mga bisita nila na hindi maintindihan ang kanyang lenggwahe.

" Cual es tu problema, Thiago?"
( what's your problem, Thiago)

Singit nang kaniyang Lola na masama ang tingin sa kanya. Noon naman tumayo ang kanyang ama at ina.

" Mama, please. We'll handle this. Excuse us."

Paalam nang kaniyang ina sa mga bisita at hinatak na siya nang kanyang mga magulang sa study room.

" Thiago! Will you please calm down?"

Agad na sabi nang kanyang ama sa kanyang nagtatangis ang mga bagang. Hindi niya maitago ang matinding galit.

" How can I calm down? Nawawala is Maria? At alam ko may kinalaman kayo doon!"

Madiin niyang baling sa mga magulang. Alam niya na nagpipigil lang ang mga ito na sabayan ang kanyang galit na nararamdaman.

" It's not like that, Thiago."

Mahinahon na sabi nang kanyang ina.

" Then what mama?"

Tanong niya dito. She let out a deep sigh before facing him and utter a word.

" We just want you, to give it a try. Magka kilala kayo ni Lyra.Hindi pwede tayo basta umatras sa kasunduan. Alam mo naman iyon Thiago noon pa!"

Frustration is written all over his mother's beautiful face.

" Goodness Mama!Anong silbi nang kasunduan? Granted magpakasal kami, and then what? Maghihiwalay din kami. I have known Lyra since we were teens. Kung naramdaman ko sa kanya ang nararamdaman ko para kay Maria. Hindi na kayo magdadalawang salita. Pakakasalan ko siya sa lahat nang simbahan!"

Siniguro niyang makita nang mga ito ang kanyang tunay na damdamin.

" Thiago, you may lose everything. Ang posisyon mo sa Mondragon Airlines at ang pagiging Soler mo."

Sabi nang kanyang ama na. Lalong siyang napatiim bagang.

" Sinabi din ba ninyo iyan kay Maria?"

Walang salita sa mga ito pero marahil ito ang dahilan kaya siya iniwasan nang dalaga. Ayaw nitong mawala ang lahat nang iyon sa buhay niya.

" Well, I don't care. Take everything from me! As long as Maria is with me!"

Matigas niyang sabi at lumabas sa study room. Binalewala ang pagtawag nang mga magulang sa kanya. Kailangan niyang mahanap si Maria.

" What do you mean, hindi pwede?"

Napa taas ang boses niya nang tumanggi si Logan na magbigay nang tao para hanapin si Maria.

" Thiago, kinausap ni Tita Ysa si Daddy. I'm sorry."

Hingi nito nang pasensya sa kanya. Ang kayang ina at ama ni Logan ay mag pinsan.Kaya madali para dito ang himingi ng pabor.

" Damn it, Logan!"

Naiinis niyang sabi at ibinaba ang tawag. Marahil gagamitin nga nang mga ito ang koneksiyon para hindi niya makita si Maria. Kahit sa embassy alam niyang magagawan din nang mga ito nang paraan. Kaya hindi niya ma trace kung nakalabas na ba nang bansa ang dalaga.

"Mama, naiintindihan mo naman ako di ba? Talk to Papa to call off the engagement?"

Malungkot siyang tiningnan nang kanyang ina.

" I do, Thiago. Have I been there, pero tinggnan mo kami nang papa mo? Kasi binigyan ko siya nang pagkakataon na makilala."

He let out a frustrated sigh. His parents were arranged and yet they fell in love. Hanggang ngayon, hindi mo mapag hiwalay.

" Dahil ba mahirap lang si Maria?"

Deritso nitong tanong sa ina. Ang kanyang kulay brown an mga mata ay tuluyang nagkaroon nang lambong.

" Dahil napagkasunduan na ang kasal ninyo ni Lyra. It's about our family's word of honor. Lalo na sa Lola mo. It's her idea, and you agreed with that! Mawawalan tayo nang palabra de honor."

Sabi nang kanyang ina na hindi nag baba nang tingin. Sinalubong nito ang nang aakusa niyang mga mata.

" I've known Ella, Thiago. And I have nothing against her. Mabuti siyang babae at anak. Mayaman na tayo kahit mga anak nang anak mo ay hindi maghihirap.For having Mondragon and Soler in your name."

Dugtong pa nito at alam niya iyon.

" Ganun naman pala, then why do you have to send her away?"

Parang sobrang nahahapo na naupo siya sa gilid nang kama. Sa silid nang magulang siya pumunta matapos makipag usap kay Logan.

" Kahit si Logan kailangan pa ninyong kausapin?"

" Thiago, It's not that we send her away. Kinausap lang namin siya about your situation.Kung pinili niyang hindi makipag kita sa iyo. Still, that's her final decision."

Muli siyang napatayo sa narinig, at kababakasan nang disbelief sa tinig.

" It's the same thing, Mama! She's been grateful to this family. How she will go against us? Lalo na ikaw, Mama. Ikaw ang tumulong makapag aral at maka hanap siya nang trabaho. Of course, iiwan niya ako para mapa saya kayong lahat!"

Nakadama siya nang matinding awa para kay Maria. Alam niya mahirap ang naging desisyon nito. At sigurado siyang nasasaktan ito sa mga panahong ito.

" Thiago, why not go with the flow?"

Nag mamakaawa na pakiusap nang kanyang ina.

" I will not! I love Maria. Kung mag pa pakasal ako kay Maria iyon."

Madiin at pinal niyang sabi bago nagtungo sa pinto upang lumabas.

" Thiago, pagbigyan mo ang Lola mo! Don't make things more difficult for all of us!"

Pahabol nang kanyang ina na hindi niya pinansin. Dahil kung may mahirap para sa kanya ay iyon ang kaalaman na nasasaktan si Maria ngayon.

At kung may mas hihirap pa, ay iyon ang katotohanan na baka hindi na niya makita si Maria. Pero gagawin niya ang lahat wag lang mawala ang dalaga sa buhay niya. Kahit ang katumbas noon ay kanyang pagiging Mondragon at Soler. He is Thiago and having Maria is enough for him to live!

A/N: Kaya love ko si Thiago eh🥰😂

Boss Against All Odds Love AffairWhere stories live. Discover now