Chapter 11

4.8K 84 8
                                    

" Maria!"

Kasabay nang kanyang pagtawag sa pangalan nang dalaga ang paggalaw nang kanyang paa. May narinig siyang ingay at nagmulat siya nang mga mata.

Nasa balkonahe siya at mag isa lang.Sinilip niya ang lata nang beer na kanyang nasipa.

" Punyeta!"

Mahina niyang usal nang mapag tanto na naginip siya. Walang kape at walang Maria. Ang kanyang maong na pantalon ay nakasara. Pero ang kanyang pagkalalaki ay alam niyang galit.

Ilang ulit muna siyang bumuntong hininga. Pinakalma ang sarili saka sinilip ang orasan. Malapit na mag hating gabi.

Tumayo siya mula sa upuan at pumasok sa loob nang cottage. Naabutan niya ang dalaga na nakatulog na naka subsob sa mesa habang nasa harap ang libro at notebook.

Natakot marahil itong mahiga sa kama dahil iisa lang ang kama dito.

Maingat niya itong nilapitan, at sinilip ang mukha nito. Hinawi niya ang buhok nitong tumatabing sa maganda nitong mukha. Maging ang labi nito na bahagyang naka awang.

" Kung ano ano na ang naiisip ko sa labi mo na iyan, Maria."

Aniya sa sarili habang nakatingin sa mga labi nito. Pinigilan niya ang sarili na haplusin ang mga labi nito katulad nang ginawa niya sa panaginip.

" Right time will come."

Konsolasyon niya sa sarili matapos na maingat itong buhatin at ilipat sa kama. Kinumutan niya ito at pumasok siya nang banyo. Matapos na umihi ay lumapit siya sa sink mayroon nang isang toothbrush na bukas. Kinuha niya ang isang hindi pa gamit at nag toothbrush. Naghilamos din siya nang mukha at lumabas na nang banyo.

Hinubad niya ang sapatos at tumabi kay Maria na nakatigilid na ngayon itong matulog. Tumagilid din siya nang higa paharap dito. At iniyakap ang mag braso sa beywang nito.

" Hmmm."

Parang naalimpungatan nitong sabi. Pero hindi siya nagsalita. Subukan lang nitong gumising o mag reklamo. Itutuloy niya ang masarap na panaginip niya sa labas. At sisiguruhin niyang ito ang sisigaw nang pangalan niya.

He just smiled when he felt her even breathing. Tanda na bumalik ito sa pagtulog, kaya ipinikit niya ang mga mata. May ngiti sa labi habang nakayakap dito.

Sikat nang araw mula sa bintana ang nagpa mulat sa kanyang mga mata. Hindi niya maigalaw ang kanyang kaliwang braso. Kaya lumingon siya at nakaunan sa kanya si Maria. Tulog pa din ito at ang binti nito ay naka dantay sa kanyang binti. Nakatihaya na ito ngayon matulog.

Gumalaw ito patagilid sa kanya at ang kamay ay dumapo sa kanyang tiyan. Pumikit siya nang mata at nagtulog tulugan. Naramdaman niya ang paggalaw pa nang mga palad nito parang may kinakapa. Hanggang marinig niya ang mahina nitong pag singhap.

" Oh, my God!"

Usal pa nito at inalis ang binti nito sa pagkakadantay sa kanyang binti. Maging ang mga kamay nito sa kanyang katawan ay inalis na parang napaso.Pero ang ulo nito ay nanatili sa kanyang mga braso. At ilang minuto itong hindi gumalaw. Pero naramdaman niya ang mga titig nito.Hanggang pati ang mga palad nito ay maramdaman niya sa kanyang pisngi.

Hindi niya napigilan ang mapangiti, kaya agad nitong inalis ang mga palad sa kanyang pisngi. Mabilis itong tumalikod at balak na bumangon pero maagap niyang inabot ang mga braso nito.

" Saan ka pupunta?"

Tanong niya dito na muling napahiga ito sa kama.

" Sir Thiago, umaga na. Kailangan na nating bumalik sa villa."

Sabi nito na umiiwas nang tingin. Marahil nahihiya ito sa ginawa.

" Mamaya pang hapon ang klase mo. We still have time. Saka don't call me Sir, Maria."

Hinapit niya ito at isiniksik ang kanyang mukha sa leeg nito.Nanuot sa kanyang ilong ang natural nitong amoy.

"What a beautiful morning it is."

Sabi niya habang nakayakap dito.Humawak ito sa kanyang braso at pilit na binabaklas iyon.

" Thiago."

Parang nahihirapan nitong sabi sa kanya.Napangiti siya sa pagtawag nito sa kanyang pangalan.

" Stay still, Maria. Ilang minuto lang."

Ungot niya dito at mas hinigpitan pa ang pag yakap dito.

" Bitiwan mo na ako Thiago, naiihi na ako."

Pinitik pa nito ang kanyang kamay na nasa beywang nito.

" Nanakit ka, Maria."

Sabi niya dito na mas hinigpitan pa ang hawak dito.

" Kasi bitiwan mo ako. I need to pee."

Pilit itong kumawala sa kanya kaya hinayaan niya.

" Pasalamat ka at ibang away  ang gusto ko pag gumigising ako."

Sabi niya dito habang habol ito nang tingin na bumababa sa kama.

" Hindi ako nakikipag away sa iyo Thiago. Ayaw mo kasi akong bitiwan, kaya ko ginawa iyon."

Sabi nito na nakatayo na sa tabi nang kama. Pinameywangan siya, at napangiti siya sa hitsura nito. Para tuloy siyang senesermunan nito.

" Akala ko gusto mo nang wrestling, pagbibigyan sana kita."

May pilyong ngiti siya sa mga labi.Lalo naman sumama ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.

" Wrestling? Hindi ganun kalakas ang katawan ko para makipag wrestling sa iyo."

Napatawa na lang siya sa sagot nito. Mukhang hindi siya nito nakuha sa nais niyang iparating.

" Ibang iba ka talaga sa Maria na nakasama ko kagabi sa labas nang terrace."

Sabi niya at sumandal siya sa headboard nang kama.Lalo nangunot ang noo nito sa sinabi niya.

" Hindi ako lumabas dito, anong sinasabi mo?"

Punong puno ito nang pagtataka sa kanyang sinabi kaya sinabi niya dito ang panaginip. Maliban sa malaswang parte.

" Magkatabi tayo sa labas habang umiinom nang kape at nakikinig sa iPod ko."

" Hmm, baka ibang elemento ang kasama mo. Natural iyon sa ganitong lugar."

Sabi nito at nanlaki ang mga mata niya.

" Baka natipuhan ka kaya dinalaw ka sa pag tulog mo. Ang mga gwapo hindi dapat pakalat kalat."

" Malapit na akong matakot sa sinasabi mo Maria. Pero dahil sa sinabi mo na gwapo ako,
I'm good now. Maybe, pinipigilan lang nang conscious na Maria ang kanyang sarili pero nagliliwaliw ang subconscious mo papunta sa akin. You nearly rape me, I just cry for help!"

Sabi niya dito na may nakakalokong mga ngiti sa labi. Tinapunan siya nito nang masamang tingin.

" Hindi ako naniniwala sa sinabi mo Thiago.Ikaw ang pinaka huling lalaki who will cry rape!"

" Yeah, right! Lalo na kung ikaw ang babae, Maria."

Hindi ito makatingin sa klase nang sulyap na binigay niya dito.Walang salita na tinalikuran siya at pumasok ito nang banyo.

Siya naman ay tumawag sa reception at nag order nang kanilang pagkain.

Boss Against All Odds Love AffairWhere stories live. Discover now