Chapter 32

3.9K 88 9
                                    

" Ella, may na hingi nang extra blanket sa business class."

Bumaling siya sa kanilang team leader.Sinabi nito ang seat number.

" Okay, po Ma'am."

Nakangiti niyang sabi at matapos kunin ang extra blanket na kailangan sa business class ay pumunta na siya.

" Sir."

Kuha niya nang atensyon sa lalaking prenting naka upo. Ang mata nito at may takip na eye cover. She can see his proud nose and his kissable lips. Napakunot noo siya dahil parang pamilyar sa kanya ang mga labi na iyon.

" Maria."

Tawag sa kanya kasabay nang pag angat nito sa eye cover.

" Thiago?!"

Gulat niyang sabi. Anong ginagawa nito dito? He's supposed to be on a European flight.

" I miss you, babe."

Sabi nito at hinatak siya para maupo sa kandungan nito at yakapin.

" What is this Thiago? Akala ko ba three weeks ka sa Europe?"

Nagtataka niyang tanong. Dalawang linggo pa lang silang hindi nagkikita.

" Na miss kita. And when it came to my knowledge you're going to Japan. Lalo kitang na miss. I know a beautiful place to visit."

" Thiago nasa work ako."

Sabi niya at nagpipilit na tumayo.

" At nasa eroplano kita. I'm the boss at walang silang pakialam."

Sabi nito na hindi siya pinayagan na makawala sa kandungan nito.

" Eh, kaya na chi chismis ako eh. Ayan tuloy halos sunugin na ako nang mga babae na may crush sa iyo."

Nakanguso niyang sabi dito. Thiago just chuckled. Isinubsob nito ang mukha sa kanyang leeg.

" I miss you, Maria."

He even groans as he caresses her back.

" I miss you too, Thiago. Pero hindi dito okay. Here's your blanket."

Sabi niya at ipinatong sa dibdib nito ang blanket na hiningi nito.

" I want a human blanket, Maria."

Sabi nito at tumingin sa kanya na parang gusto na siyang hubaran.

Mabilis niya itong hinalikan sa labi. Pagkatapos ay kumawala dito.

" I miss you too, Thiago. But not here okay?"

She's pleading. Nagpawala nang buntong hininga si Thiago at binitiwan siya.

"Okay, you win! I will see you later."

Matamis niya itong nginitian. At hinaplos ang gwapo nitong mukha.Wala itong nagawa kundi ang hawakan ang kamay niya at halikan iyon.

" Later."

Sabi niya at iniwan na ito. Para tuloy siyang lumulutang sa sobrang saya habang nasa byahe. Isa sa pasahero nila si Thiago. Pero hindi naman na ito nag kulit. Maybe he knows how difficult it is to become a cabin crew.

Kaya naman muli niya itong nakita nang nasa labas ito nang airport. Kahit may provide na ang airlines na hotel para sa kanila. Hindi paawat si Thiago. Naka sandal ito sa hood nang isang sasakyan na marahil ni rentahan nito.

" Captain!"

Agad na lumapit kay Thiago ang kanilang Captain at co-pilot. Hindi niya alam
kung paano ito lalapitan.

" Let's go, Ella."

Hinawakan siya sa braso ni Rabel at wala siyang nagawa kundi sumunod dito. Paglingon niya nakasalubong nang kanyang mata ang galit na anyo ni Thiago.

Pero naiipit siya sa sitwasyon. Kaya sumakay na din siya sa coaster. Umalis na ang sasakyan nila na para sa cabin crew. Iba ang coaster na para sa pilot at ibang staff nang airline.

Hindi niya alam ang sasabihin kay Thiago. Ngayon pa lang niya itong nakita na galit sa kanya.

" Here's your key card, Ella."

Inabot ni Rabel ang keycard sa kanya pero ibang kamay ang dumampot noon.

"You are coming with me."

Walang ngiti at madilim nitong sabi sa kanya. Ibinalik nito ang keycard kay Rabel na hindi makahuma sa ginawa ni Thiago.

" T-Thiago."

Mag protesta sana siya dahil dumating na din ang iba pang crew nang flight na iyon. Matiim lang siyang tiningnan ni Thiago. Hinawakan sa kamay at ito na ang naghila nang kanyang luggage.

" Captain Fernandez,ibalik ko na lang siya before your next flight."

Isang tipid na ngiti at tango lang ang sagot nito kay Thiago. Nahihiya siya dahil sa klase nang tingin na alam niyang nasa kanya nang oras na iyon.

" Amm, Thiago."

Walang salita si Thiago ni hindi siya binalingan nang tingin. Mahigpit lang ang hawak nito sa kanyang kamay.

" Get in, Maria."

Madiin nitong utos nang buksan nito ang passenger side nang sasakyan. Ayaw niyang dagdagan ang galit nito kaya sumunod siya. Ipinasok naman ni Thiago ang kanyang luggage sa compartment.

Nang pumasok ito ay pabagsak nitong isinara ang pinto nang driver side. Hindi na lang siya kumibo.Walang bumasag sa kanilang katahimikan. Hinayaan na lang siyang dalhin ni Thiago kung saan.

Hanggang matapos ang ilang saglit ay huminto ang sasakyan nito sa isang guesthouse. Isang typical at traditional na bahay sa japan.

" Baba na."

Iyon lang ang sinabi ni Thiago at nauna na itong bumaba nang sasakyan. Nagtuloy ito sa compartment at ibinaba ang kanilang mga luggage. Siya naman ay nagtuloy sa loob nang guesthouse.

" Ang ganda naman."

Hindi niya napigilan na paghanga. Kimono na lang ang kulang para sa complete Japanese experience niya.Nilampasan siya ni Thiago at nagtuloy ito sa loob. Ang tradisyonal na bahay na iyon ay walang sofa o kama.

" Thiago."

Tawag niya dito at sumunod sa binata na pumasok sa isang silid. Nasulyapan niyang marahil ay bedroom dahil sa comforter naka patong sa tatami floor. Parang wala itong narinig na humiga sa kama na nasa sahig at agad na ipinatong ang isang braso sa noo at pumikit.

"Thiago, let's talk."

Aniya na naupo sa gilid nito. Pero para itong bata na tumalikod sa kanya. Kaya tumabi siya dito at idinantay and kanyang isang binti dito habang nakayakap dito mula sa likod nito. She lightly kisses his nape at bumulong.

" I'm sorry, Thiago. Let's talk please."

Pakiusap niya dito habang pinapagapang ang kanyang palad sa braso nito. Wala pa din itong reaksiyon. Kaya hinalikan niya ito sa likod nang tenga.

" Thiago naman, ayaw kung magalit ka. Bati na tayo. Pakinggan mo ako."

Sabi niya dito habang ang palad niyang humihimas sa braso nito ay inilipat niya sa mga dibdib nito pababa sa tiyan nito.Narinig niya ang paghugot nito nang malalim na paghinga pero hindi pa din ito nag sasalita.

"Maghuhubad ako pag hindi mo pa din ako kinausap, Thiago!'

Banta niya dito,pero wala pa din itong reaksiyon kaya tumayo siya at isa isang hinubad ang damit.Sinuguro niyang nasa deriksiyon nang mata nito ang bagsak nang kanyang mga damit.

Boss Against All Odds Love AffairWhere stories live. Discover now