Chapter 4

6.2K 127 4
                                    

Nagsimula na ang anihan na hinihintay niya. Dahil pagkatapos dito magsimula na siyang mag-apply sa mall sa bayan. At kung papayagan siya sa, Baguio siya mag-apply baka may pagkakataon na maipagpatuloy niya ang pag aaral.

Abala siya sa pagpitas nang mga ubas at paglalagay niyon sa crate. Hindi niya alintana ang sikat nang araw. Mayroon lang siyang suot na malaking buri hat.

Mayroon na area kung saan nakatoka sa kanya. Malawak ang plantasyon nang ubas dito at aabot nang marahil isang linggo ang pag aani, katulad noon.

" Tubig?"

Kasunod nang salita nito ang pagsulpot nang bottled water sa kanyang harapan. Naamoy niya ang mabango nitong amoy.She must be dreaming, pero nilingon pa din niya ito.

" Hi!"

Bati nito sa kanya na laki niyang pagtataka. Gwapong  gwapo ito kahit naka puti lang itong t-shirt na suot at cargo pants at mamahalin na rubber shoes. Nakasuot ito nang itim na sunglasses, habang nakangiti sa kanya.

Ilang ulit niya pang kinurap kurap ang mga mata niya dahil baka panaginip lang ang lahat. Kasi napapadalas ang pag pasyal nito sa kanyang pag tulog.

" Anong ginagawa mo dito?"

Maang niyang tanong dito.

" Sa amin ang grape farm na ito. Anong masama na pumasyal?"

Ganti nitong tanong. Wala siyang nasabi tiningnan lang niya ito na hindi makapaniwala.

" Hindi ka yata makapaniwala."

Natatawa nitong sabi at kinuha sa kanya ang cutter at nag simula na mag ani nang mga ubas.

" Ang tagal ko na itong ginagawa, hindi ka man lang naliligaw dito. Ngayon lang."

Sabi niya at inagaw dito ang cutter.

" Akin na iyan, baka masugatan ka."

Hindi naman ito nag pilit.

" Nagbabago ang interest nang tao."

Sabi na lang nito na pinapanood siya sa kanyang ginagawa.

" Hindi ang farm ang pamamahalaan mo, ayon na din sa mga kumakalat na balita."

" I came here hindi para pamahalaan ang farm or wine factory. Finn and Czesah can have them. I came here for a different reason."

Sinulyapan lang niya ito saglit at muling itinuloy ang ginagawa.

" Ilang taon ka na Maria?"

Tanong nito nang hindi siya magsalita.

" Ella, wag mo nga akong tawagin na Maria."

Pagtatama niya dito.

" Other people can call you Ella, but for me your Maria. I like it."

Sabi pa niya na nakangiti.

" Wag mo ngang sabihin iyan na para bang sasambahin mo ako. Call me Ella, please lang."

Naiinis na niyang sabi dito.

" Gusto ko ang sinabi mo. Papayag ka ba?"

Tanong nito at inalis nito ang mga salamin sa mga mata. Kita niya ang pag kislap nang mga mata nito. Ang mga labi ay may naka plaster na ngiti.

" Sir Thiago, kung ayos lang sa inyo. Nakakaabala kayo sa akin. Nakita ninyo ang lahat nang ito? Hanggang doon?"

Turo niya sa lugar kung saan siya ang mag ani. Tumango naman ito.

" Kailangan ko itong matapos sa loob nang limang araw. At ang pag ani dito ay pakyawan. Kailangan matapos sa nakatakdang araw."

Paliwanag niya dito.

Boss Against All Odds Love AffairWhere stories live. Discover now