Chapter 44

3.9K 86 12
                                    

"Grabe,hindi halatang excited."

Hindi mapigilan ni Rabel na asarin siya ng makita ang kaniyang maleta na naka handa na.Mga pasalubong niya kasi iyon sa kanyang anak at pamilya.

"Next week pa ang bakasyon mo. Baka mamay mag unpack na naman dahil may ilalagay ka pa."

Natatawa nitong sabi dahil,nakailan beses na din niyang ginawa sa kanyang bagahe para mapag kasya ang mga pinamili na pasalubong.

"Hayaan mo na ako, para feel na feel ko na uuwi ako."

Sabi niya at isinara na ang kanyang maleta at hinila sa gilid nang pinto. Hinawakan nito ang picture frame ng kanyang anak.

"Ang bilis ng panahon, mag isang taon na siya ngayon."

Sabi nito na tinitigan ang mukha ng kanyang anak na parang pinag aaralan kung sino ang kamukha.

"Kamukha talaga niya si Kapitan Thiago, kahit ang kulay ng kanyang balat."

Komento nito na kahit proud siya sa pagiging morena, masaya siya at nagmana kay Thiago ang kulay ng anak.

"Tsk. Bitiwan mo na iyan. Salamat pala sa regalo mo sa kanya.Sayang wala ka,ninong ka pa naman."

Nilingon siya nito at matiim na tinitigan. Pagkatapos malungkot na ibinaba ang picture frame.

"Mukhang walang balak kang maghanap ng bagong ama ng anak mo. But, I'm willing Ella."

Sabi nito na hindi niya alam kung nagbibiro.

"Tsk. Ano isa na naman iyan sa distraction mo sa akin para hindi ako ma homesick?"

Nangiti niyang tanong nito,pero seryoso itong nakatingin sa kanya.

"Magka ibigan tayo Rabel.At mananatili tayong ganun.Dahil tama ka,hindi ako naghahanap ng bagong ama para kay Mara."

Tumango tango ito.Bago humawak sa kanyang kamay at pinisil.

"Kung magbago ang isip mo.Nandito lang ako, para sa iyo at para sa anak mo."

Hindi siya nakapag salita.Narinig na lang niya ang pagsara ng pinto ng kanyang kwarto.Ipinilig niya ang ulo.Pero kaibigan lang ang nararamdaman niya para dito.

Ilang araw na parang iniiwasan siya nito.Hindi niya alam kung nahihiya o gusto talaga siyang iwasan.Pero hindi siya makatiis kaya nilapitan niya ito.

"Rabel,labas tayo."

Pagyaya niya sa binata ng mag out siya.Bukas na din kasi ang kanyang flight pabalik sa Pilipinas para magbakasyon ng ilang araw.

Alanganin pa itong sumagot pero pumulupot na ang braso niya sa braso nito at hinila ito palabas ng lobby ng hotel. Dinala niya ito sa outside bar.

"Dito tayo, para may employee discount tayo."

Sabi niya at nag order Spritz para sa sarili,dahil ayaw niya ng mataas na alcohol content. At ang paborito nitong iniinom na Negroni,isang simple three ingredient cocktail.

"Ano ito,treat mo bago ang final verdict mo?"

Sinamahan nito ng mahinang tawa ang sinabi,pero halata niya ang pagiging alangan nito.

"Bakit mo ba ako iniiwasan? Ayaw mo ba akong maging kaibigan?"

Tanong niya dito at nagsimula siyang sumisimsim sa inabot na cocktail sa kanya.

"Hanggang magkaibigan lang ba talaga ang kaya mong ibigay?"

Malungkot nitong tanong.Tumango lang siya dito.Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.Hanggang marinig niya itong muling magsalita.

"Well,hindi porke at mahal natin ang tao mamahalin na din tayo."

"Rabel,hindi ko kayang magmahal pa ng iba."

Sabi niya na hindi tumitingin dito.

"Umaasa ka pa din ba kay Kapitan Thiago?"

Sinilip siya nito.Pero hindi niya alam ang isasagot dito.Dahil alam niya mahal din siya ni Thiago.

"Mahal niya ako pero hindi kami pwede iyon ang totoo, Rabel."

"Hindi mo pala theme song ang You and Me Against the world."

Biro nito sa kanya,dahil nakita nito ang lungkot na lumukob sa kanyang mukha. Ito ang gusto nya Rabel,ayaw nitong nalulungkot siya.

"Ang theme song ko yata Paubaya."

"Hindi din. Mas tamang yong may lyrics na why do you hurt the one you love? Kasi iyon ang ginawa mo kay Thiago, Ella. You did not even give him a chance."

Hindi siya nakapag salita.At agad na bumalik sa alaala ang araw na hinanap siya nito sa apartment ni, Bianca.Alam niya ang hirap at pagod nito.Ang pag iyak nito sa gitna ng ulan.

"You give him up, Ella.Pero hindi mo naman siya inaalis sa sistema mo."

Napahigpit ang hawak niya sa baso ng inumin.

"Ang hirap kasi ng sitwasyon ko, Rabel. At noon iyon ang alam kung tama para kay Thiago."

Umangat ang kamay nito at humagod sa kanyang likod.

"Tsk. Wag na lang natin pag usapan.Ayaw kong nahihirapan ang kalooban mo."

Sabi nito, kaya tumango siya.Dahil ayaw niyang alalahanin ang araw na iniwan niya si Thiago.

"Napakabuti mong kaibigan, Rabel. At gusto kong manatili lang tayong ganito. Dahil sa ganito nating relasyon,mananatili ang pagsasama natin."

"Andito lang ako para sa iyo, Ella.Bilang kaibigan,o pag kailangan ng ama ni Tamara."

Alam niya ang buong katapatan sa sinabi nito,

"Salamat Rabel."

Iyon lang ang nasabi niya dahil,wala siyang plano na saktan ang kaibigan.Dahil hindi nagbabago ang pagtingin niya kay Thiago. He is still in her heart, parang haring naka luklok doon.

"Thank you for flying with us."

Malaki ang ngiti ng flight stewardess habang palabas sila ng aircraft. At kahit siya malaki ang ngiti sa mga labi dahil makikita na niya ulit ang anak niya.Bago pumila sa immigration ay dumain muna siya ng comfort room. Matapos umihi ay sinipat niya ang sarili sa salamin, nag lagay siya ng lipstick at pressed powder. Nginitian pa niya ang repleksiyon niya sa salamin bago tuluyang lumabas.

"Salamat!"

Pasalamat niya sa immigration officer at nagtuloy sa conveyor para sa kanyang mga bagahe.Katapat nila pala ang isang flight na galing sa Barcelona. Agad siyang kinabahan,pero sinansala niya ang sarili.Hindi naman siya pag lalaruan ng tadhana.

"Bossing!"

Isang tawag na lahat ng atensiyon ay nakuha nito. Hindi dahil sa malakas nitong pagtawag kundi dahil sa gwapong lalaki na may ari ng tinig.

"Xander."

Mahina niyang usal at hinayon ng tingin ang tinitingnan nito.Awtomatikong napatingin siya at halos daklutin niya ang puso sa matinding sakit na nadama.Parang huminto ang lahat sa paggalaw kahit ang conveyor na patuloy na umiikot.

"Thiago."

Usal niya sa pangalan nito habang nakahawak sa braso nito si Lyra.Malaki ang ngiti ng dalawa habang sinasalubong ni Xander. Saka lang niya napag tutuonan ng pansin ang maumbok na tiyan ni Lyra. Buntis na ito marahil nasa last trimester na. Agad siyang tumalikod dahil biglang namasa ang kanyang mga pisngi.

"Martinez, make sure hindi ka na matatakasan nito ha?"

Narinig niyang sabi ni Thiago na tumatawa.Mukhang masaya ito.Ito naman ang gusto niya diba?Ang maging masaya ito kahit wala siya. Pero bakit ang sakit pala na makita itong may kasamang iba?

A/N: 😭😭😭. Iyak ka muna Maria. I will make you happy later😅

Boss Against All Odds Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon