Chapter 26 : Decoy

Start from the beginning
                                    

AAAHHH! “ napasigaw kami ni Rain at dali-dali kaming tumakbo.

Napakabilis ng pagtakbo namin ni Rain. Pakiramdam koy sasabog na ang puso ko sa takot. Sa buong buhay ko , ngayon lang ako nakatakbo ng ganito ka bilis.

“Run bitch , RUN! “ sigaw ni Jacob na tumatawa pa habang hinahabol kami.

Napakadilim ng paligid pero hindi namin to iniinda ni Rain.

masakit na ang paa at siko ko dahil parati akong bumabangga sa mga kagamitang hindi ko nakikita.

habang tumatakbo kami ay nakakita ako ng isang tagong daanan kayat lumiko kami doon. Napansin naming wala si Jacob sa likuran namin kayat nagtago muna kami at hinabol ang hininga namin.

Hindi kami maliligtas kung takbo lang kami ng takbo.

bigla kong natandaan ang highway. Kaya naming takbuhin ito pero mahihirapan kami kung dalawa kami dahil siguradong susundan kami ni Jacob.

Think lexi! think!

Fvck! we need a decoy...

napatingin ako sa kwartong kinaroroonan namin. May maliit itong bintana kayat kakasya kami palabas.

agad ko itong nilapitan at binuksan kayat nakalabas kami mula sa horror house.

Madilim ang paligid. Wala na yung mga ilaw kanina. Tanging ang buwan nalang ang nagsisilbing gabay sa amin. Malakas parin ang buhos ng ulan.

         

 "ALEXIS! NASAAN KA NA BA? WAG KA NA KASING MAGTAGO! MAHAHANAP DIN KITA!" biglang sigaw ni Jacob mula sa loob ng horror house.

tama , Decoy lang ang tanging paraan para may makaalis ang isa sa amin dito.

agad akong humarap kay Rain at hinawakan ang magkabilang pisngi niya gamit ang dalawang kamay ko.

"I want you to run okay? Run as fast as you can" mahinang bulong ko sa kanya

nakunot ang noo ni Rain at tumulo agad ang luha niya. Halatang naguguluhan siya sa mga sinasabi ko. Pero maging ako hindi ko sigurado sa kung ano ang gagawin ko.

"No! No! Ano yang pinagsasabi mo?! " pasigaw na bulong sa akin ni Rain

[Pasigaw na bulong. nyahahaha :D pero na gets nyo siguro ang ibig kong sabihin. haha.... And decoy means Bitag/Pain.]

Our Deadly PactWhere stories live. Discover now