"Oh gosh! I hate that girl! Hindi ko makakalimutan na tinapunan niya ng wine iyong bago kong Louis Vuitton noong girlfriend pa siya ni Kuya Zel! Tapos ako pa ang inaway ni Kuya!" tili ni Liona kaya hinatak ng kaibigan niya ang buhok niya.

"You bitch! How dare you?!" singhal ni Liona sa kaibigan niyang si Everleigh pero nginisian lang siya ng babae. Napailing na lang sila at parang sanay na sa eksenang iyon.

"Mabalik tayo sa'yo, Eos. We all know that there's something special between you and Zel pero nasa in denial stage pa kayo. Ang sa amin lang naman, you shouldn't just say Yes na lang palagi." sabi ni Yell at tumango naman silang lahat.

Napabuntong hininga ako at isa-isa silang tinignan.

"Aaminin ko. Gusto ko si Zel pero hindi sapat iyon na basehan para lang hindi ako sumunod sa gusto ng tatay niya. Wala naman din kaming relasyon ni Zel eh. Komplikado lang ang naging relasyon namin at matagal na din naman simula noong putulin namin iyon. Wala din naman sapat na dahilan ang tatay niya para paghiwalayin kami ng anak niya kasi walang kami ni Zel." mahabang paliwanag ko kahit parang paulit-ulit lang naman iyon.

Natahimik silang lahat at para bang malalim ang iniisip.

"Bakit sapul ako doon?" biglang wika ni Everleigh kaya napatingin kami sa kanya.

"Hindi naman kayo pinaghihiwalay ni Tito Dion ha? Boto nga sila sa'yo eh." nakangising wika ni Liona at kinurot nito ang kaibigan.

"Walang kami. Asa ka pa sa manhid na iyon." nag-iwas ng tingin si Everleigh.

"Don't worry, Eos. I'm sure naman kikilos ang mokong naming kaibigan soon. We like you to be our amiga, not that evil girl." irap ni Yell.

Napabuntong hininga ako. Ilang sandali lang din ay nakarating na kami sa tapat ng building.

"Salamat sa pagsabay sa akin. Pasensya na ulit sa abala."

"Ano ka ba, girl. Wala yun 'no. You can always count on us. Before I forget, can you give me your number? Sama ka sa amin this Friday, kung gusto mo lang naman." sabi ni Pia at inabot sa akin iyong phone niya.

"Ah sige, ok lang naman kaso 6pm pa ang out ko eh."

"Don't worry, we can wait for you since wala naman kaming ibang gagawin." sabi ni Xiara at nginitian ako.

"Sige, salamat ulit ha." pagkababa ko ay hinintay ko muna sila makaalis bago ako pumasok sa building.

Kaka-scan ko pa lang ng ID ko pero nakita ko na agad ang mga tao sa paligid ko na nagbubulungan habang nakatingin sa akin.

Naiilang ako at hindi ako mapakali kaya nagmamadali akong pumunta sa locker area. Papasok pa lang ako pero agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko at bakas ang pag-aalala sa mukha nila.

"Bakit?" tanong ko sa kanila pero agad nila akong hinatak papunta sa CR at ni-lock iyon.

"Girl! Usap-usapan ka sa buong opisina! May nagkalat na mga mahadera tungkol sa pagkatanggal mo sa trabaho at pinagkalat na nilalandi mo daw si Sir Zel!" gigil na kwento ni Habi.

"Naku! Sinasabi ko sa inyo! Malaman ko lang kung sino iyon, makakatikim talaga sa akin!" gigil na wila ni Adel.

Ramdam ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko at ang pagpait ng sikmura ko sa nalaman. Pakiramdam ko ay nanlalata ako sa nangyayari.

Heto na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ako magtataka kung isang araw malalaman nila ang lahat.

Napakagat ako sa labi ko at napayuko.

"P-paano kung kumalat din ang tungkol sa trabaho ko noon? Baka madamay pati kayo." nag-aalala kong tanong sa kanila.

Kumunot ang noo nila at nameywang sa harap ko.

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Where stories live. Discover now