Chapter 39

5.1K 193 41
                                    

Ilang tests pa ulit ang ginawa sa akin para masigurong pwede na akong isalang sa craniatomy at sinabi na rin kung kailan ang operasyon ko. Bukas na iyon. Sa ngayon ay kailangan nilang i-shave ang buhok ko. Si Aga na ang nagpresinta na gumupit sa akin at kalbuhin ito. Malalagasan din naman ako ng buhok kapag sumailalim ako sa radiation at chemotheraphy kaya mas pinili ko nalang na magpakalbo na.

Noong araw na nalaman ko ang resulta hindi ako makakain pero ayokong nalulungkot ang pamilya ko at si Maksimillian kaya kahit mahirap lunukin ang pagkain ay pinilit ko. Mahirap maging okay pero ganon talaga,  siguro kung wala silang lahat para sa akin mas mahirap lalo para sa akin ang pinagdadaanan ko.

Sobrang lungkot ko pa rin, natatakot, kinakabahan, hindi ko kasi alam kung anong mangyayari. Sana kayanin ko. Sana kayanin ng katawan ko ang lahat.

"Hindi na kita masasabunutan, Maria Marian." Komento ni Aga. Umirap ako kahit hindi niya naman ako nakikita dahil nasa likod ko siya. Mahaba ang buhok ko hanggang bewang kaya inipitan niya muna ako bago gupitin iyon ng maikli.

Sila Nanay at Tatay ay bumalik muna sa bahay para kumuha ng ilang gamit. Si Maksimillian ay nasa tabi ko lang nakatayo at pinapanood kami ni Aga.

"Sisimulan ko nang i-razor ha?" Sabi niya. Tumango lang ako. Naramdaman ko ang paghawak ni Maksimillian sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Buhok lang naman 'to, tutubo ulit at hahaba rin, iyon ay kung gagaling ako. Pero magiging maganda pa ba ako sa mata niya kapag kalbo na ako?

"You're the most beautiful girl to me." Sagot niya na parang nabasa ang nasa isip ko. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya kaya yumuko ako dahil feeling ko pinamulahan na ako ng mukha.

Hinayaan ko lang si Aga na i-shave ang buhok ko, pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ito. Pinagpag niya rin ang damit ko. Hinawakan ko ang ulo ko, wala na talaga, kalbo na ako.

Nasa harap ko na ang dalawa. Hinihintay ko silang tumawa pero hindi nangyari.

"Kamukhang kamukha na kita, sis. Kung nandito lang si Kuya Agosto triplets na tayo." Sinapak ko si Aga sa braso. Sa aming magkakapatid kaming tatlo nga ang magkamukha.

"Pero syempre para kambal na kita, magpapakalbo din ako." Kumindat pa ang loko. "Kuya Maksimillian marunong ka bang gumamit ng razor?" Tanong niya.

"Hoy! Para kang tanga, tumigil ka nga." Suway ko.

"Ayoko nga. Magpapakalbo din ako sa ayaw at sa gusto mo. Tapos pwede na tayo mag audition sa shaolin soccer." Tumawa siya, gago talaga.

"I was about to tell you the same thing. Magpapa-kalbo din ako."

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi. Ngumiti lang siya sa akin at kumindat din.

"Yun oh!" Sigaw ni Aga na parang tuwang-tuwa talaga na magmumukha kaming itlog pugo na tatlo.

"Sige Kuya, ikaw na muna unahin ko. Pagtapos mo ako rin ah."

Nagfist bump silang dalawa, napailing lang ako.

"Sigurado ka ba diyan?" Taong ko kay Maksimillian.

"Never been this sure, Mawi. Para couple tayo." Kinurot ko siya sa tagiliran, ang daming alam.

"Para kayong mga ewan, bahala nga kayo sa buhay niyo."

"Yes, Master." Sagot nilang pareho.

Matapos nilang kalbuhin ang isa't-isa ay ako naman ang natawa saglit. Dahil para na talaga kaming mga itlog ngayon. Iyon nga lang itong si Maksimillian ay nag-uumapaw pa rin ang kagwapuhan. Mas naging kapansin pansin ang pagiging Russian niya kapag kalbo. Si Aga para lang akong nakatingin sa repleksyon ko.

Mafia Boss 4: Captured By HimWhere stories live. Discover now