Chapter 23

5.1K 256 36
                                    

W/N: Promote ko lang 😂 baka gusto niyo rin po magbasa ng fantasy story entitled "The Beginning" written by your favorite ate, ateEmp. Hahahah!
-

"Hindi ayoko. Sasama ako sayo. Isama mo na ako please? Tutulungan kita."

Lumingon siya sa akin. 

"I don't need your help."

Tumango-tango ako. Pero may kailangan lang akong kumpirmahin.

Binuksan ko ang cellphone ko at pinakita ang mukha ni Trevor.

"Siya si Trevor na sinasabi ko. S-Siya ba ang nakita mo kanina?" Tanong ko.

Gusto kong malaman kung siya nga iyon. Memoryado ko ang boses ni Trevor at kahit magsalita pa siya gamit ang ibang lengwahe ay malalaman ko pa rin at makikilala na siya nga iyon.

Alam kong ibinalita sa akin na patay na siya. Pero bakit narinig ko siya kanina?

Hindi ako pwedeng magkamali.

"Sagutin mo ako."

Lumapit siya sa akin, kinuha ang cellphone ko tinignan saglit at binato sa kung saan.

"He's not Trevor. He's Nikolay Orlovsky."

Bago pa ako magsalita ay hinila niya ako papasok sa mansion niya. Dumeretso kami hanggang sa rooftop ng kabilang building na konektado sa bahay niya at doon naghihintay ang chopper.

Tumigil ako sa paglalakad kaya napatingin ulit siya sa akin.

"Walang lalapagan ang helicopter mo sa bahay." Sabi ko.

"Sinabi ko bang doon kita dadalhin?"

"Saan mo ako dadalhin?"

"I am going to capture you again, Marian Marian Mariana. You're always pissing me off."

Hinila niya ulit ako at sumakay kami doon. Sina Daryl at Green ay nakasunod, at kasama naming lumulan ng chopper.

Inilagay niya sa ulo ko ang headphone.

Buong puso akong sumama sa kanya dahil alam kong tungkol na naman ito sa nangyari. Papatunayan ko na namang inosente ako at wala akong alam sa nangyari. Dahil iyon ang totoo. At baka ngayon, ay isasama niya na ulit ako sa paghanap kay Trevor.

Trevor...

Akala ko siya na ang pinakamabait na taong nakilala ko. Pero bakit pineke niya ang pagkamatay niya? At bakit nakipag barilan siya kay Maksimillian. Bakita kasama niya ang mga taong dahilan ng aksidente niya?

Wala akong maintindihan. Ano ba talaga ang totoo?

Natawa ako ng pagak. Naramdaman kong tumingin sa akin ang tatlo at naguguluhan sa inakto ko.

"He's not Trevor?"

Alam kong narinig ko na iyon na sinabi niya. Gusto ko lang ulit kumpirmahin.

"Mamaya ka na magtanong."

Sagot niya, tumango lang ako.

Pagkaraan ng ilang minuto, akala ko sa isla kami lalapag. Pero parang sa airport kami lumapag.

Bumaba kaming apat may naghihintay na private plane at doon kami tumungo.

Nilingon ko si Maksimillian sa gilid ko at lumingon din sa akin.

"Saan tayo pupunta?"

"Somewhere." Tipid niyang sagot.

"Pwede munang makikitawag? Binato mo cellphone ko."

Mafia Boss 4: Captured By HimWhere stories live. Discover now