Chapter 4

7.3K 303 29
                                    

"Taga-saan ka ulit?"

Iminulat ko ang mga mata ko sa tanong niya pagkatapos makapasok ulit sa loob ng sasakyan. Nandito na rin ako sa shotgun seat. Dahil ayoko namang magmukha siyang driver kung nag stay ako sa likod.

"Ibaba mo nalang ako sa kanto. Magta-taxi nalang ako." Ipinag-krus ko ang mga braso ko.

Hindi na siya nagsalita pa. Namuo ang katahimikan sa loob. Nakakabingi. Wala man lang music.

Nakatingin lang ako sa tinatahak niyang daan. May mga taxi na rin na nagdaraan sa parteng ito.

"Pakibaba nalang ako rito."

Pero hindi siya nagsalita. Sumulyap lang siya sa akin.

"Hoy!"

"No."

"At bakit?!"

"146 Norvioric St. West 2--"

"Alam mo kinikilabutan ako sayo kanina pa ha. Pina-imbestigahan mo ba talaga ako? Paano mo nalaman ang buong pangalan ko, ang trabaho ko at kung saan ako nakatira?!"

"I know more than that. I told you, I have my ways."

"Pero bakit?"

Sumulyap ulit siya sa akin at nag-smirk lang.

"Your fault. You meddled with my business, sinira mo ito so I'm just trying to make sure that..."

Umiling siya at hindi na ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Basta." Tumawa siya ng peke. "You really have a big family huh? Only girl?"

Nagsimula na namang tumambol ang puso ko. Shit! Sino ba kasing hindi kikilabutan sa pinagsasabi ng lalaking 'to?

"Tangina. Ano bang gusto mong gago ka?"

"Don't you talk to me like that."

Wala akong pakialam!

"Ano pang alam mo?!"

Bumuga siya ng hangin. He drummed his fingers on the steering wheel.

"Every member of your family..."

Itinikom ko ang mga kamao ko. Pamilya ko na ang usapan dito.

"Huwag na huwag mo silang papakialaman."

Tumango-tango siya.

"Of course, unless you tell me the truth."

"At ano namang sasabihin ko sayo?"

Nagsimulang naging malikot ang mga mata niya sa harapan at sa rear view mirror.

"Fuck!" Sigaw niya at binilisan ang pagmamaneho. Napakapit ako sa seatbelt.

"Hindi ako natatakot... Kahit na magpatakbo ka pa ng mabilis. Ngayon sabihin mo sa akin kung anong gusto mong malaman!"

Sigaw ko.

"Not now!" Sigaw din niya. "Magtago ka bilis!"

Doon lang ako natauhan ng may tumama sa right side mirror at nabasag ito. Ano na namang kagaguhan ito?!

"Shit!" Sigaw ng kasama ko. At kung ilan pang mura ang sinasabi habang pinapa-ulanan kami ng bala.

Tangina na naman, wala na bang mas-ikamamalas ang araw na 'to? Kasalanan talaga ito ng lalaking kasama ko eh.

"Bakit may putukan?!"

"Just fucking do your best not to get shot!"

"Tangina ka naman pala eh! Papatayin mo ako."

Mafia Boss 4: Captured By HimWhere stories live. Discover now