Chapter 32

5.1K 251 23
                                    


"Okay na ako." Ngumiti ako para maniwala siya.

"Can I sleep here, beside you?" Kumunot ang noo ko. Ano na namang nasa isip ng lalaking 'to. 

"Hoy ikaw ah!"

"What why?" He shrugged his shoulder.

"May kwarto ka naman?" 

"Wala gusto lang kitang bantayan."

Huminga ako ng malalim. Mukhang nag-alala nga ito ng sobra dahil sa hinimatay ako kanina. 

"Don't worry, I won't do anything you will not like." Tumango nalang ako. Dapat lang dahil hindi ako magdadalawang isip na sapakin siya if ever. 

"Paano si Nikolay?" Kanina kasi iyon ang sinabi niya kaya siya aalis, kaya siya nagpaalam sa akin. Ayoko namang ako pa ang maging dahilan kung bakit hindi pa matuloy ang misyon niya. 

Pero hinihiling ko nga rin na sana hindi siya umalis. Ayokong mapahamak siya, kung pwede nga lang na samahan ko siya eh kaso sabi niya hindi pwede. At alam ko namng sa sitwasyon ko ngayon mukha ngang wala akong maitutulong baka maging pabigat at problema pa nila ako. 

"They're still tracing him. Bukas sana may report na, so that everything will be okay."

"Sana nga.." Napatingin naman ako sa suot ko at naka-gown pa rin ako.

"I didn't remove it, baka sapakin mo ako. But I removed your make-up, Mawi." Napangiti nalang ako sa isip. 

"You did the right thing."

Humalakhak lang siya.

"Teka aong oras na ba at ilang oras akong walang malay?"

"It's pass 2 am. You've been out for 20 minutes I guess at kapag hindi ka pa nagising ng 30 minutes, I'll take you to infirmary of the ship. There are Doctors and nurses on board."

"Pero gising na ako."

"Yeah better. Why did you pass out by the way? Kapag may nararamdaman ka tell me, you're gonna kill me."

Kinurot ko nalang ang pisngi niya. "Okay lang ako, baka pagod o dahil sa alak."

Hindi naman na siya nag-usisa pa kahit na naguguluhan pa rin. 

 Nagpaalam naman ako na maliligo muna. Nakaligo na rin kasi siya at naka-pantulog na. Kaya dumeretso ako ng banyo at naligo saglit, paglabas ko ay nakabihis na ako, pinapatuyo ko nalang ang buhok gamit ang tuwalya. Nasa kama pa rin si Maksimillian at nagtitipa sa kanyang laptop, tapos titingin sa cellphone. Ang busy nito, kahit kunot ang noo ay ang gwapo niya pa rin. Kaya pala sa paningin ko ay hindi siya pure Pinoy dahil isa pala siyang Russian at American din.

Nagpunta nalang ako sa balcony ng suite. Nasa gitna pa rin kami ng karagatan, malamig ang hangin at napatingin nalang ako sa nagkikislapang mga bituin sa kalangitan. Maya-maya ay naramdaman ko naman si Maksimillian sa tabi ko, inabot niya sa akin ang isang tasa ng kape.

"Gaano kahirap mamahala ng cruise line?" Tanong ko.

"Very hard."

"Mas mahirap pa sa pagiging Mafia Boss?"

"Nah, I'd prefer working in a cruise line than in a mafia world, kung pwede lang na talikuran ang pagiging parte nito matagal ko na sanang ginawa, but it will never be that easy. There's no easy escape for us. My world is so dangerous, Mawi."

"Dahil posibleng balikan ka ng mga kalaban kapag nalamang wala ka na sa mafia?"

"Yes, there's a high chance. One of the advantages of being part of this world is that, you're not alone. Tutulungan ka ng mga allies kapag hindi na talaga kaya. The Big Boss will also step in, if that time comes. Rex will help you in any possible way as long as you're part of the Rex Infernum."

Mafia Boss 4: Captured By HimWhere stories live. Discover now