Chapter 37

5K 210 19
                                    

Nagising ako at pagmumukha ni Maksimillian ang nasilayan ko. Ngumiti ulit siya sa akin.

"You're awake."

"Ate! Kamusta anong nararamdaman mo?" Biglang sulpot ni Agapito tapos maya-maya ay nakita ko na rin sila Nanay at Tatay nandito din si Kuya Hulyo at Kuya Marion.

"Nagugutom." Sabi ko.

"Tamang tama kakabili lang din ng mga kuya ng makakain."

Naramdaman ko ang gasa sa ulo ko. Hindi ko alam kung ilang oras ang inilagi ng biopsy.

"Let's call her Doctors first po." Sumang-ayon sila sa sinabi ni Maksimillian. At ilang minuto lang din ay nagpakita na ang isa sa mga tatlo kong doktor tapos isang nurse din.

Sinabi niya na ang tissue specimens or ang biopsy samples na nakuha nila sa tumor ko ay ineexamine na for pathology testing sa laboratory para malaman kung ano iyon bago ako operahan. The result will be out after two days. Pagkatapos ay may mga gamot na tinurok sa akin at maghintay nalang kami ng resulta bago pag-usapan ulit ang gagawing surgery kung pwede ba nilang tanggalin ang kabuoan ng tumor o hindi at marami pang iba. Sa takot ay hindi na ako nakinig ng mabuti.

Tangina, sinong mag-aakala na bubuksan ang parte ng bungo ko? Nakakatakot 'yon, maaring magkaroon ng problema during ng operation pero iniisip ko nalang na magagaling na doktor ang tumitingin sa akin at mag-oopera kaya hindi dapat ako matakot. Pero tangina talaga.

Kumain kami ng tanghalian, isang oras lang din pala ang tinagal ng needle biopsy at halos isang oras lang din akong tulog dahil sa general anesthesia.

"Kanina ka pa tahimik." Sabi sa akin ni Maksimillian.

Hindi nga ako nagsasalita, tulad ng dati na kaya ko pang itago ang kaba o takot ko sa pamamagitan ng pakikipagdaldalan pero ngayon parang nalunok ko ang dila ko dahil sa takot sa maaaring resulta at takot para sa dadating na surgery at takot ulit sa mga bagay na hindi pa man nangyayari. Kung posibleng cancer, at kapag natapos ang surgery ay buhay pa ako, hindi pa doon magtatapos ang lahat dahil katulad ng sinabi ng mga doktor ko ay pwede akong sumailalaim sa radiation therapy at chemotherapy, at habang iniisip ko iyon ay parang ang hirap hirap. Nakakapanghina na agad. Ang laki-laki na naman ng gastos at nakakahiya kay Maksimillian kahit sinabi ko naman na babayaran ko kapag gumaling ako. Pero paano na kung hindi ako gumaling?

Agad niyang hinawakan ang kamay ko katulad ng lagi niyang ginagawa nitong mga nakaraang araw.

"Tell me, hmm?"

"Kinakabahan lang."

"We're here. You're not alone."

Alam ko pero hindi talaga mawala ang takot sa aking sistema.

"Nahanap na ba si Nikolay?" Tanong ko para ibahin ang usapan. Hindi siya nakasagot agad pero marahan niya lang na iniling ang ulo niya.

"That is why, there are securities around the vicinity. I will not take the risk to leave you all here without guards. Pero huwag kang mag-alala hindi niyo naman sila mapapansin para hindi rin kayo matakot."

Tuamango ako. "Salamat."

Iyon din kasi ang inaalala ko, pabalik balik sila Nanay at ang pamilya ko sa ospital at bahay, nag-aalala ako na baka makatunog si Nikolay at gumawa na naman ng karahasan sa pamilya ko.

"May mga nagbabantay din sa pamilya mo even your brothers and their family."

"Ang dami mo nang nagawa para sa amin at sa akin Maksimillian. Hindi ko rin alam kung paano na kapag wala ka."

Ngumiti siya.

"I love you and I'm just here hindi ako mawawala. Ako na ang bahala kay Nikolay huwag ka ng mag-isip diyan."

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon