Chapter 30

5.6K 259 32
                                    

Nang iwan ako ni Maksimillian sa loob ng kwarto, agad akong nagpunta sa bathroom para maligo. Pagkatapos ay sinuot ko ang roba bago lumabas.

"Tangina!" Sigaw ko dahil sa gulat. Napatingin sa akin ang dalawang tao sa loob ng suite pagkatapos ay ngumiti. Sino sila?! At paano sila nakapasok sa cabin ko?

Naglakad sila palapit sa akin. Ang isa ay bakla at ang isa naman ay babaeng maganda.

"S-sino po kayo?" Tanong ko. Pero mukha naman silang hindi mga Pilipino!

"Good evening, Miss Mariano. We'll be your make up artists for tonight's event. Please let us--" Umiwas ako saglit nang tangka nila akong hawakan.

Ngitian ko sila ng alanganin. "Ah eh? Are you sure it is me?"

Tumango sila.

"Yes, Miss. Mr. Kinsley hired us for you." Sagot ng babae.

Bigla ko namang napagtanto ang mga sinabi niya sa akin kanina na huwag akong mag-alala sa make-up at sa lahat. Planado na rin pala niya ang lahat, mula sa susuotin ko at sa ayos ko.

Izmael Maksimillian Kinsley, seryoso?!

Bumuntong hininga ako. Wala rin naman na akong choice. Hindi ko rin alam ayusan ang sarili ko. Kung tutuusin ay ngayon lang ata ako malalagyan ng make up!

"Okay. Can you wait for a while then? I'll just wear something underneath."

Ngumiti sila sa akin at tumango. Napansin ko rin na nakaayos na ang mga gagamitin may malaking salamin na rin at lights.

Ang bongga ba talaga ng sinasabi nilang elegant night para mag-ayos kami ng ganito?

Pagkatapos kong magsuot ng underwear sa banyo, ipinatong ko ulit ang roba ko bago lumabas.

Iginaya nila ako sa upuan, sa harap ng may malaking salamin na may ilaw sa mg edges nito.

Tinuyo nila ang buhok ko at nagsimula na silang pakialaman ang mukha ko at buhok. Hinayaan ko nalang sila dahil wala naman akong alam tungkol dito.

Pagkatapos ng mahigit isang oras ay sinabihan nila akong ayos na. Nakangiti sa akin ang dalawa.

Nginitian ko alng din sila ng tipid, bago ako tumingin sa salamin. At napamura nalang ako sa isip dahil parang hindi ko nakilala ang sarili ko.

"Ako ba talaga to?!"

"You look so beautiful Miss. You have an angelic face and we enhance it a bit." Sabi ng bakla na nagpakilala kanina na si Antoinette. Habang ang babae naman ay si Giselle. Parehas silang American.

"I look so good." Actually hindi ko alam kung paano ko idedescribe ang itsura ko. Basta maganda. Hindi ko alam na ganito pala ako kaganda pag naayusan?

"Thank you to the both of you, wow you guys are amazing!"

"No problem, Miss Mariano. You look so gorgeous and I'm pretty sure Mr. Kinsley will ogle once he sees you." Komento ni Giselle na walang halong echos.

"Agreed!" Sigaw ni bakla habang pumalakpak pa.

"Thanks mga sis!" Natawa ako.

"Miss Ria, can I go with you then for you to wear your gown?"

Tumango nalang ako sa tanong ni Giselle, kakailanganin ko naman talaga ng kasama dahil may zipper sa likod ang gown at hindi ko ito makakayang abutin.

Namangha na naman ako dahil para talaga kong sinukatan bago tahiin ang gown na 'to.  Hindi siya sobrang haba na pinag-aalala ko kanina. Hindi rin siya sobrang luwag. Sa katunayan ay hapit ito sa akin at tamang tama lahat ng sukat.

Mafia Boss 4: Captured By HimWhere stories live. Discover now