Chapter 9

6.2K 269 63
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko pero kasabay non ay ang pag-ikot ng paligid ko. Dali-dali akong humanap ng pinto ng banyo o pinto palabas habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko.

Nasusuka ako.

Pinihit ko ang isa sa mga pinto at sinalubong ako ng malakas na hangin. Hindi ko halos makita kung nasaan ako dahil umiikot talaga ang paningin ko. Hilong-hilo ako.

May humawak sa siko ko at pinaharap. Hindi na ako nakatiis at tuluyan ng sumuka sa harap ng lalaking 'yon. Dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay nasukahan ko ang dibdib niya. Nabasa ang damit naming dalawa pareho. Ugh, tangina.

"Fuck!" Malutong pero mahina niyang mura.

Naupos ako sa kinatatayuan ko, at sumuka pa rin ng sumuka.

Habol-habol ko ang hininga.

"Mawi..."

Mawi? Dalawang tao lang naman ang tumatawag sa akin non. Si Israela at si Maksimillian. At bakit naman siya nakikigaya sa nickname na binigay sa akin ni Israela? Walang originality, tsk.

At higit sa lahat bakit kasama ko ang lalaking 'to?

Doon ako nag-angat ng tingin. Nakaluhod ang isa niyang tuhod at nakatingin sa akin. Iyong isa niyang kamay ay nasa balikat ko.

Luminaw na ulit ang paningin ko.

"You looked like a mess."

Hinawi ko ang kamay niyang nasa balikat ko.

Tumayo ako pero muntik nang matumba. Inalalayan niya naman ako agad. Tumingin ako sa paligid, pero wala akong makita kundi kadiliman bukod sa parang nasa sasakyang pandagat kami.

Shit, yate ba ang kinaroroonan namin?

Anong ginagawa ko rito?

"Nasaan ako? At anong ginagawa ko rito?"

Tapos doon ko naalala na pinatulog na naman ako habang nag-uusap kami kanina. Kota na ako sa pampatulog at karayom na 'yan. Bwiset.

"I captured you, Maria Marian Mariana."

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Ano raw?!

"Kinidnap mo ako?!"

"Yeah. Ang tigas kasi ng ulo mo."

"Tang--"

"Hep, stop right there. I'll explain. Pero can you please fix yourself first?" Tumingin din siya sa sarili niya.

"Kadiri naligo tayo pareho sa suka mo." Dagdag niya. "Are you okay, now? Sabihin mo sa akin kung masama pakiramdam mo. Masama ata pagkakahampas ng ulo mo eh! Malilintikan sa akin si Doc. Maling resulta ata ang nasabi."

Umikot ang mga mata ko. I sighed. Naiinis ako sa lalaking 'to. Pero ano bang magagawa ko? Nasa kalagitnaan kami ng dagat! Hindi ako makakatakas.

"Saan mo ako dadalhin Izmael Maksimillian Kinsley?" Maayos kong tanong.

Itinulak niya nalang ulit ako papasok sa kwarto na kinalalagyan ko kanina.

"We are currently in the middle of the sea. Isang oras nalang, dadaong na tayo sa isla."

"Tangi--"

"Yes, Tangi?"

Hahambalusin ko na sana pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko.

"Maligo ka at magpalit. Meet me at the upper deck."

Tapos iniwan niya na ako na nakatunganga lang.

Mafia Boss 4: Captured By HimWhere stories live. Discover now